Chapter 16: Concert

132 29 1
                                    


"Bakit hindi pa kasi tayo sumabay kila Amy?" Jaydee asked me nandito na kami sa place kung saan gaganapin ang concert.

"Gusto mo bang masaktan ulit bestfriend mo? di ba kasama nya si Laney?"

"Oo nga pala, buti nalang pala hindi tayo sumabay. Tara bili muna tayo ng pagkain treat ko dahil ikaw na ang bumili bg tickets natin" she said at tumango nalang ako.

Sa hindi inaasahan, nandito rin sila. Bumibili ng foods kaya hinatak ko si Jaydee para pigilan siyang mag lakad kung saan naroon sila Laney at Amy.

"Nandyan sila dun nalang tayo sa kabila bumili" bulong ko sa kanya kaya tumango siya, papalakad na sana kami ng may biglang mag salita.

"Coleen?" sa tono nya para siyang nag tataka na nandito ako kaya humarap ako sa kanya para makita siya dahil sa boses palang nya alam ko na kung sino siya.

The girl who keep on hurting me.

"Coleen bakit nandito ka? Akala ko ayaw mo?" tanong nya saakin.

"Ah si Jaydee kasi pinipilit ako edi sumama na ako" I said, I lied.

"Anon—" hindi na natapos ni Jaydee ang sasabihin nya ng pandilatan ko siya.

"Ah oo, gusto ko kasing mapanood sila Ate Sela kaya nag pasama ako kay Coleen" sabi naman ni Jaydee.

"Ah, kung ganon sabay sabay na tayong pumasok" Amy said kaya napalingon si Laney sa kanya, oh anong tinitingin mo?

"Mauna na kayo, bibili pa kami ng foods" I said.

"Sige una na kami!! Bye!!" sabi ni Amy at lumakad na sila papalayo.

Bumili na kami ni Jaydee ng foods para pag nasa loob na kami hindi na kami lalabas para bumili pa.

"They look good together talaga no?" Jaydee said habang bumibili kami ng foods dito.

"Ah talaga ba? Oh hawakan mo yan bahala ka sa buhay mo" I said at iniabot sa kanya yung pagkain na inorder nya atsaka iniwan siya doon.

"Joke lang, joke lang eh" she said at hinabol ako.

Pumasok na kami sa event place, sobrang daming tao as in. Proud na proud din ako kay Ate Sela at sa mga ka groupo nya dahil nag karoon sila ng gantong event.

"Dun! Dun yung seat natin" turo ni Jaydee kaya sumunod nalang ako sa kanya.

"Kung mamalasin ka nga naman..." bulong ko ng makita ko kung sino yung mga taong makakatabi ko.

"hahaha, malas mo talaga Coco" sabi ni Jaydee kaya pinalo ko siya sa braso agad naman nyang ininda yon.

"Uy Coleen!" Amy said at ngumiti nalang ako.

"Saan kayo?" she asked.

"Here" turo ko sa katabi nyang upuan.

"Bakit dito?" Laney asked, at bakit?

"Eh dito eh? Naka VIP din kami. Bakit?" sabi ni Jaydee kay Laney.

"Ah okay, sige upo na kayo" saad naman nya. Agad namang umupo si Jaydee at ang natirang upuan nalang ay yoong katabi si Amy, so wala akong choice kaya umupo na ako.

Bali nasa gitna namin ni Laney si Amy.

Ilang minuto lang ay nag start na ang event.

"Mnloves handa na ba kayo? The sister group of the highest selling jpop phenomenon, AKB48 is here. Let's all welcome MNL48!!" emcee.

Eternal Love || CocoTyangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon