Chapter 20: Endless pain

252 35 5
                                    



1 week later

"Amy?" tawag ko kay Amy na ngayon ay naka upo sa sofa dito sa living room.

"Yes? May kailangan ka ba?" she asked.

"Uhm gusto ko sanang samahan mo akong manood ng music festival bukas pero di ba day off mo yon kaya i'm asking you kung pwede mo akong samahan" I said, naawa kasi ako kay Amy dapat ay wala talaga siyang day off pero nung isang araw lang sabi ko sa kanya tuwing saturday ay day off na nya.

"Yeah pwede naman, anong oras ba tayo aalis?" she asked.

"Uhm mga 5pm na siguro, don't worry may mag a-assist satin don para madali na lang tayong maka pasok sa venue" I said, kinausap na ng manager ko yung mga people behind that event na i assist nalang kami kasi kung hindi, kailangan naming maaga pumunta at makipag siksikan sa maraming tao.

"Sige noted" she said and smiled at me.

Tomorrow

"Oh ano Amy tara na?" masigla kong sabi sa kanya ng makita ko siya dito sa kusina umiinom ng tubig, ang ganda nya.

"Ah Coleen may mahalaga kasi akong pupuntahan, nag bakasyon dito sa manila ang pinsan ko at gusto daw niya akong makita" she said kaya medyo nalungkot ako eto na naman tayo hindi na naman nya ako inuna. May iba na naman.

"Ah ganon ba sige next time nalang" I said. Sana wag nyang mahata na nalungkot ako para hindi naman siya makonsensya na iba na naman ang inuna nya kaysa sakin.

"Sige sorry, una na ako. Mag ingat ka kung saan ka man pupunta ha? Bye!" masayang sabi nito habang ako naman? Parang nabagsakan lang ng langit at lupa.

Wala na akong sinayang na oras at agad na akong pumunta kila Jaydee, sila nalang ni Frances ang isasama ko kaysa naman masayang lang yung tickets na nabili ko. I have 3 tickets naman here kaya all goods.

"Oh Coleen why are you here?" Jaydee asked me ng maka pasok ako sa bahay nila, nandito rin pala si Frances kumakain sila sa counter top.

"Akala ko pupunta kayo sa music festival ni Amy? Bakit ka nandito don't tell m-" hindi ko na siya pinatapos ng mag salita ulit ako.

"Oo, iba na naman ang inuna nya kaysa sakin. Masaya kana?"

"Hindi naman, pero expected ko naman na mangyayari yan. Tsk galing ko talaga manghula!" sabi nito.

"Bakit saan ba pumunta si Amy?" Frances asked.

"Nandito daw sa manila ang pinsan nya eh gusto daw siyang makita kaya ayan wala na akong kasama ngayon" I said.

"Ha? Eh nakita ko siyang kasama si Laney sa parke nung sinundo ko si Frances" Jaydee said, hindi ko alam kung seryoso ba siya pero kung totoo man yon bakit kailangan pa mag sinungaling ni Amy sakin?

"Talaga ba?" Frances asked. "Opo I'm not joking" sabi nya at nag taas pa ng right hand habang tumatawa.

"Kawawa ka naman, ni rason pa nya yung pinsan nya para hindi siya maka sama sa lakad nyo. Hays kawawang buko" pang aasar nito.

"Pake mo ba? Tumahimik kana nga" I said at umirap.

"Napaka ano mo Jaydee! Kawawa naman si Coleen oh!" Frances said at pinalo siya.

"Aray! Joke lang naman hindi ko sila nakita" Jaydee said kaya medyo nawala yung sakit, medyo lang naman.

"Malay mo naman nag sasabi ng totoo si Amy" Frances said at nag agree ako sa kanya.

Eternal Love || CocoTyangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon