PROLOGUE

749 97 198
                                    

(This song is not related to my story, I just want to recommend the pre-debut song of my favorite group—Hori7on (loveydovey). The all Filipino boy group that debuted in South korea and under of Mld Entertainment. If you're interested, you can check their yt channel, IG and tiktok. Just search, Hori7on.)



[ 1ST PERSON POV'S ]

"I love you!" Malambing na sabi ng binatang Prinsepe sa babaeng kayakap yakap niya ngayon sa kama.

Isang magandang romansa ang nabuo sa kanila sa gitna ng gabi kasabay ang pagbuhos ng ulan.

"I love you too, Elrod." Tugon ng dalaga na may ngiti sa labi kahit na hindi ito nakikita ng binata.

Kumalas sila sa pagkakayakap at hinarap ang Isa't-isa. Isang matamis na halik sa labi ang ibinigay ni Elrod sa babaeng may mapupungay na kulay pulang mata, malambot na labi, mahahabang pilik mata, makapal na kilay, at maliit ngunit matangos na ilong.

"Will you marry me? My love?" tanong nito na may ngiti sa labi habang hinihintay ang isasagot ng kanyang kasintahan.

Bumagsak ang balikat nito at huminga ng napaka lalim na tila ba may buha't buhat itong mabigat na bagay sa kanyang likuran. Mahal niya ang binatang nasa kanyang harapan ngunit hindi niya maaring tanggapin ang inaalok nitong kasal.

Natahimik ang dalaga at nagiwas tingin kay Elrod na ipinagtaka naman nito.

Bahagya niya ito tinango kayat muling nagtama ang kanilang mga mata.

"Why? Why are you crying, love?" May pag-aalala nitong tanong sabay punas sa mga basang luhang kumalat sa mukha ng babae.

"Wala lang, masayang lang ako!" Paos nitong tugon at mapait na ngumiti

He smiled. "I am more happy than what you feel right now. You know how much I love you, ayokong umiiyak ka. So please love, stop crying" Pakiusap niya at muling pinunasan ang luhang kumawala sa gilid ng mga mata ng Dalaga.

Hinalikan niya ito sa nuo at muling niyakap....Natahimik ng sandali.

"Elrod!" Tawag niya dito.

"Mmmm?"

"Sorry!" Nangingiyak niyang sabi at yumuko

"For what? Hmm?"

"Because... I will not accept your proposal!" Kasabay nito ang luhaan niyang pagtingin kay Elrod.

Tila binagsakan ng Langit at lupa ang binata sa kanyang narinig. Nangingilid ang mga luha nito.

Bumitaw ito sa pagkakayakap at pa-upo itong bumangon sa kama. Tanging pang ilalim na katawan niya na lamang ang natatakpan ng puting kumot sa hubad niyang katawan.

Sinundan naman siya ng dalaga na taklob ang buong katawan.

Niyakap niya ang braso ni Elrod na nakatukod sa tuhod nito at isinandal niya ang kanyang ulo sa balikat ng binata at tahimik na humagulgol.

VAMPIRE UNIVERSITY: victorious Blood Book 1 [UNDER REVISION] Où les histoires vivent. Découvrez maintenant