VUVB 6: VAMPIRE UNIVERSITY

326 52 73
                                    

dedicated to: krazyvxsmention a user

6: VAMPIRE UNIVERSITY

[ HANY POV'S ]

"Miss Morrison are you not done? I have class in 10:00 am, kaya bilisan mo" katok ni prof sa labas ng aking kwarto

"Opo. Patapos na" pabalik kong sigaw sa kanya habang sinusuklayan ang aking sarili.

Nakatayo ako ngayon sa harap ng salamin habang pinagmamasdan ko ang istura ko. Maganda rin pala ako. Sana naman hindi niya narinig ang sinabi ko.

"Narinig ko yon!" Sigaw niya. Napakagat nalang ako sa aking ibabang labi. Bakit ba hindi ko parin magawang kontrolin 'to, nakakainis! Feeling ko tuloy wala akong privacy.

Nagkibit balikat na lamang ako at umiling-iling. Ipagsasawalang bahala ko nalang, siguro naman magagawa ko rin itong kontrolin balang araw.

By the way, today I was wearing black coat with a white long sleeve inside, and a black neck tie. My skirt is black while my shoe's is also black close shoes with white socks. I also wear my big eye glasses so that I'm not noticeable when I'm there. I hope.

After I put my bag behind me, I left my room and went down to the stairs... I saw professor Maneuver waiting outside of the house while he leaning on the black car and fiddling with something on his phone.

Aaminin ko makalag-lag panti rin ang itsura ni Prof. Lalo na kapag nakasuot siya ng pang-formal. Naalala ko pa no'n sa tuwing dadaan si Prof. sa harap nang mga estudyante, para silang mga bulateng binudburan nang asin, hindi kasi sila mapakali. At yung mga kilos nila para bang natatae na sa sobrang kilig. Natatawa nalang ako kapag nakikita ko 'yon... Haysss, mabuti nalang hindi tulad ni sir ang mga type ko.

Gusto ko kasi, yung ano.... tahimik, matino, mabait...ok lang kahit hindi gwapo basta mapagkakatiwalaan. Kaso nga lang meron pa ba 'yon ngayon?

Haysss...

Isang matamis na ngiti ang iginawad niya sa akin nang makarating ako sa harap niya. Binuksan niya ang pintuan na agad ko namang pinasukan. Sumunod narin siya at na-upo sa driver seat na katabi ko lang. At sa ilang segundo, pinaandar na niya ito.

"Prof!" Tawag ko sa kanya habang ang atensyon ay nasa daan parin. "Saan po ba ang Vampire University? Malayo po ba yan dito?" I asked. Curious lang kasi ako.

"Matatagpuan ang University sa dulo ng kagubatan ng Berlin, may kalayuan din ang lugar na iyon dito. But don't worry safe naman do'n." sagot niya

Tango-tango ang aking naging sagot, sabay tinuon ko nalaman ang atensyon sa labas ng bintana na walang ibang makikita ay puro puno at hiwa-hiwalay na bahay, wala din ako gaanong nakikitang mga bata.

Kunot nuo akong napalingon kay Prof. nang iliko niya ang sasakyan papasok sa kagubatan. Binuksan niya ang headlights. Napakapit pa nga ako sa seatbelt dahil sa malakas na pag uga ng sasakyan. Puro batuhan ba naman ang dinadaanan namin ngayon eh, at mas lalo akong napaigtad nang sunod-sunod na sumalubong sa amin ang mga paniki.  Sobrang dami nila. Nakakakilabot.

" We are close to the University. Hold tight, Miss Morrison. Bibilisan ko na ng pagmamaneho dahil delekado kapag nagtagal pa tayo sa gubat." tulad nga ng sabi niya. Mariin akong kumapit sa seatbelt.

Malayo pa ba kami? Natatakot na ako sa mga paniking 'to ah, parang di sila nauubos.

Pinikit ko nalang ang mga mata ko para hindi ko na makita ang mga nangyayari... Nabuksan lamang 'yon nang maramdam ko ang pagyugyog niya sa akin.

VAMPIRE UNIVERSITY: victorious Blood Book 1 [UNDER REVISION] Where stories live. Discover now