VUVB 19: TIRED DAY

242 33 8
                                    

19: Tired day

[ HANY POV'S ]


NAGMAMADALI akong naglalakad patungo sa lugar kung Saan tinuro ni Darren.


Grabe halos mamula ako nang sabihin niya iyon saakin buti na nangalang iniba ko kaagad ang usapan.


Tumigil ako sa isang abandonadong building na ikinalukot na aking mukha. Pano bannaman kasi sa labas palang nakakatakot na ang building pano pa kaya kapag nasa loob kana.

Kapag mga ganyan ang building karamihan pinagtitirahan ng mga hindi matahimik na kaluluwa. Yiee!

"Paano niya kaya nagagawang pumasok diyan?" Tanong ko sa sarili sabay kamot ko sa aking batok.



Kahit ayaw ko humakbang ako papasok sa loob ng building. Tanging liwanag ng buwan lang ang nagiging silbing gabay ko saaking dinadaanan.


"Kyahhh!" Maikli akong naptili at napatakip sa tenga ng may biglang lumipad saaking harapan—mga paniki.


"Nasaan ba siya? Huhuhu..." kapag nakita ko talaga ang prinsepeng iyon naku sasakalin ko talaga siya.


Nagsimula muli akong naglakad habang takip parin itong tenga ko. Sobrang tahimik tanging ingay ng mga kuliglig at tulo ng tubig na nagmumula sa kisame ang maririnig sa paligid. Nakaabot na ako ng 3rd floor ngunit di ko parin makita si Khalid.


Nag-akyat akong patungong rooftop.

"Haysssss...Nasaan ba siya?" Napabuga ako ng hangin dahil sa inis. Wala rin siya dito.



Sinilip ko ang ibaba nitong building. Wala naman ibang makikita kundi itim lang at karamihan ay puro patay na Puno.

"Why are you here?" Napaigtad ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Humarap ako, at hindi nga ako nagkamali si Khalid nga ito. Medyo malayo siya sa akin.


"Khalid—"


"What are you doing here?" Tanong niya mula sa malamig na boses. Galit parin ba siya?




I cleared my voice."A-ano kasi.. pinapatawag tayo ni head Acheron sa office niya dahil sa nangyari kanina," pahina ng pahina ang boses ko habang nakayuko ang ulo.


Naramdaman kong lumakad ito na ikinatungo ko at ikina-atras ko hanggang sa dumikit na ang likod ko sa edge nitong building.


Tuluyan na siyang nakalapit sa akin na agad ko naman ikina-iwas ng tingin dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Pero mas lalo akong nagulat dahil sa ginawa niya. Inilagay  niya ang kamay niya edge na nasa magkabilaan ko.


Hindi ko alam kung ilang segundo na kami naka ganito. Tumitingin ako sa kanya ngunit agad din umiiwas ng tingin dahil sa mga tingin niya hindi ko maunawaan. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Malumanay ang mga pula niyang mata na para bang may gusto itong sabihin sa akin.


Ilang sandali pa't siya na ang pumutol dito. Umalis siya sa harapan ko at lumipat sa tabi ko at nag cross arm na nakatingin sa walang buhay na tanawin.

Ginaya ko siya. Humarap din ako sa tanawin. "Ehem!" klaro sa lalamunan ko. "khal- este prince Khalid baka hinihintay na tayo ni head Acheron. Sa tingin ko kailangan na natin umalis" lahad ko ngunit di man lang siya nagsalita. Ngayon naman nakatuon na siya sa buwan na nadadaanan ng mga tintang ulap dahilan para maghugis itong half moon.

I gulped, bago ko siya mahinang kinalabit. Tumingin siya sa akin dahilan para magtama ang tingin namin, ngunit sa pagkakataon na ito hindi ako umiwas.


VAMPIRE UNIVERSITY: victorious Blood Book 1 [UNDER REVISION] Where stories live. Discover now