VUVB 17: BASEBALL GAME

260 36 14
                                    

17: Baseball game

[ HANY POV'S ]




"Grabe hindi ako makapaniwala makakasama mo ang royal vamp!" Kilig na wika ni cat with matching padyak pa.


Kanina pa 'yan paulit-ulit. Naka limang ulit na ata siya eh.


"Kailan naman ang balik niyo?" Tanong ni Nissie na nasa harapan ko habang kami'y nagpapasahan ng bola.



Nandito kami ngayon sa field para maglaro ng baseball. Maghahanap daw kasi ang mga professors na pwedeng isali sa gaganaping sports festival na kung saan makakalaban ang mga other schools, tulad ng Sorcerer's, Elemental at marami pang iba. Akala ko nga Vampire at Lobo lang ang eexist sa mundong ito pero di pala.


Nakakainis favorite sports ko pa ang nilaro. Sa totoo lang ayoko talaga sumali kaya naiinis ako. Kaso itong si Cat pinilit at hinatak ako na sumali. Naikwento ko kasi sa kanya na favorite sport ko ito.



"Ewan. Basta ang sabi ni head Acheron, hanggang sa makabalik lang daw si professor Maneuver o kaya naman pagnatapos namin ng maaga ang mission"


"Ah..." Tango niya.



"Teams magsilapit na kayo!" Tawag saamin ni professor miller na agad naman naming pinuntahan sa Center field.



May apat na section ang maglalaro 1 vs 1. Kung sino ang manalo sa first game ay kakalabin ng nanalo sa second game, at kung sino man ang manalo ay siyang makakalaban ng Royal vamp para sa finals. Ang Royal vamp kasi ang maglalaro sa sports festival.

"Bumunot na ang Captain ng bawat team." Utos ni prof.



"Bunny bunot na daw." Kalabit saakin ni Cat habang nakanguso pa.

"Ha? Ba't ako?" Nanlalaking mata kong turo sa sarili.


"Eh, ikaw ang captain eh!" Sagot ni Nissie na nagpasapo sa noo ko.


"A-ano? Ako na nga ang Ace eh!" Reklamo ko.


"Eh sino?" Napatingin nalang ako sa mga kasama ko.


Hays, ni isa sa kanila walang gustong maging Captain.


"Ako na!" Biglang presenta ng isang lalaking may katangkaran. At besh ang gwapo niya.


"Yon!" Sigaw ko at ngumiti sa kanya.


Kaming team nalang ang hindi pa nakakabunot kaya saamin na ang huling bola.



Binuksan niya iyon at sa kamalas malasan team 1 kami at kami pa ang unang lalaban. Ang Swerte ah.



"Lah! Tayo una?" Angal nung isang babae.



"Grabe naman dinadaya ata tayo!" Dagdag pa ng isang babae.


Napasapo muli ako. Ano bayan!



"Huwag na kayo magreklamo, basta gawin lang natin ang best natin." Nagsalita na ang Captain.


"I give you 10 minutes para pagusapan kung sino ang papasok sa field!" Paalam sa amin ni professor na ikinatango naman namin.



Agad kaming tumungo saaming base.


"Ganto... Sino ang may alam sa baseball?" Tanong ni captain habang naka taas ang kamay.



Only a few know?



"Wala na ba? Ikaw ace dapat may alam ka ikaw ang ace namin eh!" Turo niya sa akin.



VAMPIRE UNIVERSITY: victorious Blood Book 1 [UNDER REVISION] Where stories live. Discover now