VUVB 20: OUTSIDE WORLD

241 35 8
                                    

(This song is not related to my story, I just want to recommend the debut song of my favorite group—Hori7on (Six7een) . The all Filipino boy group that debuted in South korea and under of Mld Entertainment.)


20: Outside World

[ HANY POV'S ]


3:00 na nang umaga halos dalawang oras lang ako natulog dahil sa ginawa kong pagsasanay sa pagkontrol ng aking isip, at naging matagumpay naman iyon dahil narin sa tulong ni Nissie na ngayon ay bagsak saaking kama.


Bumahid ang aking ngiti nang pagmasdan siya.



"Thank you Nissie." Bulong ko at staka isinukbli ang may kalakihang aking bag saaking likod at staka nagmartsa papalabas ng kwarto ko.  Nagiwan din ako ng sulat para magpaalam sa dalawa.

Natigil ako saaking paglalakad nang makasalubong ko sila na saktong pababa narin.



"Hi!" Bati ni rose

Matipid ko siyang nginitian at staka ko siya binati pabalik, "Hi,"

 

Saglit na nagkatinginan kami ni Khalid ngunit agad niyang binawa iyon at nauna sa paglalakad.


"Good morning." Bati saakin ni Darren.



"Morning!" Bati ko rin, at simpleng ngumiti sa kanya.



Tahimik lang ang paglalakad namin hanggang sa makalabas kami ng dorm patungo sa main gate. Nandoon narin ang sasakyan na gagamitin namin.


I raised my brow when I saw Louis holding Rose's hand.

They're dating?


"Darren." Bulong kong tawag na sapat lang para siya lang ang makarinig.

"What?" He asked.


"May something ba kina Louis at Rose?" Nahihiya kong tanong.


Tumango siya staka tumingin sa akin. "Ang totoo niyan fiancé ni Louis si Rose."

Nanlaki naman ang aking mga mata sa nalaman ko.

"Really?" Takip ko saaking bibig.

Bahagya siyang napangiti dahil sa aking reaksyon.


Syempre sino naman ang hindi magugulat mukha kasi silang freinds lang.


"Hindi ka naniniwala?" He asked.



Umiling naman ako. Bakit may dahilan ba para magsinungaling itong si Darren?

"Hindi naman sa ganun, nagulat lang ako." Nahihiya kong sabi.


Ngumisi lang siya at tumango. Aaminin ko, gwapo din si Darren, magaganda din ang ngiti niya at siguro kung ibang babae ang kausap niya ngayong ay mahuhulog ito sa kanya. Gwapo kasi.

Hindi ko alam kung bakit ako napatingin sa nakatalikod na prinsepe habang kasabay niya sa paglalakad itong si Darie. Diba magka-away sila? Teka! Ano bang pake ko? Tumigil ka na nga, Hanny! Hayss.


"They're here!" Rinig kong pamilyar na boses dahilan para mapasilip ako.

Si Head Acheron kasama si Ms. Selena at dalawa pang professor.


"Why are you doing here?" Walang ganang tanong ni Khalid.


"Nandito kami para salubungin kayo sa inyong pag-alis... Students mag-iingat kayo, kung may mangyari man magpadala kaagad kayo ng sulat." Pagpapaalala sa amin ni head at ngumiti saamin ng napaka tamis.

VAMPIRE UNIVERSITY: victorious Blood Book 1 [UNDER REVISION] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon