VUVB 1: VICTORIOUS BITE

585 85 231
                                    

1: VICTORIOUS BITE

The day, before that night...

[ HANY MORRISON POV'S ]

"MGA SUKI BILI NA!" yan ang maririnig na sigawan nang mga tindera dito sa bangketa.

Tumigil ako sa isa sa mga bangketa ng makita ko ang isang pangil na kwintas na nakasabit sa pako. Para siyang isang Anting-anting. Hinawakan ko ito.

Totoo kaya ito?

"Miss, bibilhin mo? Alam mo bang totoong ngipin yan ng bampira!" Ngiting ngiti nitong paalam saakin.

Talaga? Hindi naman totoo ang bampira ah. At staka kung totoo nga, paano niya naman 'to nakuha? Nagpapatawa ba si kuya?

"Kapag sinuot mo yan tiyak na ilalayo ka sa kapahamakan. Ano bibilhin mo?" Dugtong niya pa.

"Naku Hindi na po!" Tanggi ko staka binitawan ang kwintas.

Wala naman ako sapat na pera para bumili pa nang anting anting at isa pa hindi naman ako naniniwala na may lamang Mahika yun.

"Sige na Miss, baka pagsisihan mo kapag hindi ka bumili!" Kinilabutan naman ako sa kanyang mga ngiti.

"Sorry po manong!" Pilit akong ngumiti at yumuko.

Grabe nakakakilabot naman siya...

I am Hany Morrison pang mayaman ang last name ko pero ang totoo isa ako sa mga mahihirap na mamayan dito sa province ng San Juan. Isa akong working Students at kung minsan umuulit ako sa pag-aaral dahil nga napapabayaan ko ito, inuuna ko kasi ang pagtatrabaho. Wala na ang aking mga tunay na mga magulang. Sabi ni Auntie Elma si Ina at ama daw ay sabay namatay nung ako'y pitong taong gulang pero bakit...bakit Wala akong maalala? pero kahit ganon may mabuting Tiya naman na nag-alaga at nagpalaki saakin na may respeto sa aking kapwa except kung hindi karesperespeto ang taong iyon.

"Hija!" Isang tono ng matandang babae ang nagpatigil saaking paglalakad "dito Hija, pumasok ka!" Yaya nito saakin papunta sa madilim na eskinita at dahil pagabi narin kaya mas lalong dumilim.

Bahagya kong tinaas ang pangibaba ng aking Salamin upang masilayan ng mabuti kung sino ang tumawag saakin.

Simula bata palang ako malabo na ang mga mata ko. Sabi ni Tiya nagmana daw ako sa aking Ina kaya nagsusuot ako nang malalaking Salamin.

"Sino po kayo?" Tanong ko at patuloy lang sa paglalakad.

"Huwag kang matakot iha, pumasok kalang!" Anyaya niya saakin.

Tumingin muna ako paligid bago pasukin ang isang bahay na gawa sa mga curtain.

Pagpasok palang kamangha-mangha na ang paligid. Kulay pula ang kurtina at may mga bumbilyang nakasabit sa bawat gilid at sa dulo naman nakaupo sa upuan ang matandang babaeng may buhay na nunal sa gilid ng pangitaas ng kanyang labi, kulay puti na din ang buhok nito dahil sa sobrang katandaan. Sa harap niya ay may maliit na lamesa at duon nakapatong ang mga baraha at isang bolang crystal na may kung anong liwanag na nasa loob. Para itong isang universe at napakaganda talaga.

"Maupo ka!" Turo nito sa upuang nasa harapan niya.

"H-hindi na po! Hindi naman po ako magtatagal...sige po aalis na ako" Akmang tatalikod na ako ng magsalita ito

"Bakit? Dahil ba hindi ka naniniwala?"

"P-paano niyo po nalaman Yun?"

"Dahil Isa akong manghuhula" sabay ngiti nito kahit walang ngipin. Pakiramdam ko tuloy naging isang tanga ako. Tama nga naman siya isa siyang manghuhula kaya't mababasa niya iyon.

VAMPIRE UNIVERSITY: victorious Blood Book 1 [UNDER REVISION] Where stories live. Discover now