VUVB 13: TRUTH

267 42 20
                                    

13: Truth

[ HANY POV'S ]

"Ano 'to, bakit ang dilim?" Tanong ko saaking sarili. Wala akong makita kahit kunting liwanag, as in, lahat talaga ay purong dilim. Nag sisimula na tuloy akong matakot.

"Hello? May nakakarinig ba saakin? Cat, Nissie!" Sigaw ko ngunit nag echo lamang ito.

Parang kanina lang pagbalik ko sa room, umidlip lang ako saglit dahil biglang nagkaroon ng meeting ang mga professors, pero bakit ganto na ang mga nakikita ko? Sobrang dilim para akong nakakulong. Panaginip ba 'to? Sana nga panaginip nalang.

Nalihis ko pakaliwa ang aking ulo nang may mapansin akong tila bang papalapit saakin. Isa itong liwanag. Kunot nuo kong pinagmasdan ang kabuuan ng kadiliman na unti unting sinasakop nang liwanag, hanggang sa maiharang ko na lamang ang braso ko sa aking mukha at mariin na pumikit.

Suddenly, I opened my eyes when I feel the breeze of air that hit my body. Nilibot ko ang mga mata ko, nakanganga at kunot nuo akong pinagmasdan ang mga sira-sirang bahay at may umuusok na animoy kakagaling lang sa digmaan. Ano kaya ang nangyari dito?

"Mama!" Sigaw na iyak ng bata na nag palingon sa akin. Walang pag-aalinlangan ko itong nilapitan. She's crying behind her mother, madungis din ito at sira-sira ang puting bestidang suot suot niya.

"Bata ayos kalang ba? May masakit ba sayo?" Sunod sunod kong tanong sa kanya pero tila hindi niya ako naririnig. "Bata!" Tawag kong muli ngunit hindi niya parin ako pinapansin. Hinawakan ko ang kanyang braso ngunit laking gulat ko nalang na tumagos ako.

"Nakalimutan ko, panaginip nga pala ito." Napakamot ako sa batok ko.

"Hany!" Natigilan ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko. Nagtataka ko siyang nilingon.

At nang makita ko siya, bigla nalang unti-unting nanlabo ang mga mata ko, at naramdaman ko nalamang ang pagtulo ng luha ko. Hindi. imposible 'to. Akmang lalakad na ako ng biglang tumakbo papalapit yung batang katabi ko. Sinundan ko siya.

"Papa!" Sabay naming na wika ng sandaling pareho kaming tumigil sa pagtakbo.

Nalilito kong tinignan ang bata. Bakit niya tinawag na papa, ang papa ko?

At sa ilang saglit, biglang mahigpit na yumukap yung bata kay papa habang patuloy siya sa paghagulgol.

"Hany!"

Nanlaki ang mga mata ko ng bigkasin ni papa ang pangalan ko sa batang iyon.

Ako ba ang batang 'yan, pero wala naman akong maalala na may nangyari na ganito?

"Where's mom, Hany?" My dad aksed, habang nakaluhod ang isang tuhod upang makapantay lang sa bata.

Umiling iling ako at pilit iniintindi ang lahat.

Magkahawak kamay silang lumakad sa isang bahay. At tumigil lang sila nung makarating sila sa gilid ng bahay na halos hindi na maitsura dahil sa sobrang pagkasunog at pagkasira. Lumakad din ako palapit. Nakatayo ako sa likuran nila.

"E-emma..." napaluhod si papa, habang yung batang ako ay umiyak.

Dahan-dahan akong lumapit sa babaeng nakahilata sa madumi at malamig na lupa, umaagos din sa lupa ang dugo na nanggaling sa kanya. Ma? Para akong tinusok ng ilang libong karayom dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Napaatras ako ng biglang tumakbo si papa at mahigpit na niyakap si mama habang patuloy siya sa pag-iyak... Ngunit natigil ito bigla. Nanlalaking mata siyang lumingon sa likuran niya. Tinignan ko rin iyon...

VAMPIRE UNIVERSITY: victorious Blood Book 1 [UNDER REVISION] Where stories live. Discover now