VUVB 8: ROYAL VAMP

285 45 23
                                    

8: ROYAL VAMP

[ HANY POV'S ]

"Nissie, Bunny!" Sigaw na tawag saamin ni Cat, pareho naman kaming nagkatitigan ni Nissie na busing-busy sa pagliligpit ng aming pinagkainan kanina. "Asan ba kayo?" Dugtong niya pa kaya't madali kaming lumabas ng kusina.

"Oh, andyan pala kayo!" Turo niya saamin at nagmamadaling lumapit.

"Bakit ano bang problema?" Nissie asked.

"Narinig niyo na ba yung balita?"

"What news?" I asked.

"Yung nangyari kahapon sa biglaang pagkamatay ni Secretary Grey, nalaman na kung sino ang pumatay. " Nakanganga kaming hinihintay ang susunod niyang sasabihin. "Isang lobo daw na nanggaling sa loob mismo ng gubat ng school, iniimbestigahan pa nila ngayon kung paano nakapasok ang mga lobo"

"Nahuli na?" Tanong ko na halatang halata ang pagkakuryusidad.

"Yun nga eh, hindi pa. Hehehe. Pero ina-aksyunan na ng mga Royal vamp at Empire, na hanapin sa loob ng gubat yung mga lobong 'yon. Kaya I'm sure, delekado ngayon maglabas-labas."

"Bakit naman? Sa tingin ko hindi naman na aatake ang mga yun, dahil nasisigurado akong alam na nila na hinahanap na sila ng buong University."

"Ano kaba...Hindi dahil doon."

I raised my brow, "kung ganon, anong dahilan?" Kunot noo ko.

"Bobols ka talaga Cat. Syempre hindi niya pa alam kaka-transfer niya lang kaya kahapon, ako na nga ang magpapaliwanag." Humarap siya saakin, "1 month has passed since maori's death" bulong niya saakin sa pangalan ni Maori. Parang familiar yung name niya.

"Teka nga, siya ba yung cursed name?"

She gulped, "oo."

I look at her intently.

"Ganito kasi. Si Maori, ay dating kasintahan ni Prince Elrod. Ang kaso nung nalaman namin na patay na si Maori. Ang prinsepe nagbalik sa dati niyang pag-uugali. Kaya maraming umiiwas na makita o makasalubong siya dahil sa takot, they said that when you see prince it will make you feel death. Ganon daw kasi yung nangyari sa isang lalaki nang makita niya ang mga mata ni Prince Elrod. Sa takot niya, umalis siya sa paaralan.  Kaya iyon iwas na iwas sila." Mahabang kwento ni Nissie na halatang-halata sa mukha niya ang pagkaseryoso. Kung totoo 'man 'yon dapat pala akong mag-ingat.

"Eh-pano kung sa oras ng klase?"

"Yumuyuko kami kapag nandyan siya, kaya ikaw, hanggat hindi pa naguumpisa ang klase pag-aralan mo na ang mga rules."

Tango nalang ang sinagot ko sa kanya.

"Ibig sabihin bago pa makilala ni cursed name ang prince ganon na talaga siya?" Pahabol kong tanong. 

"Sandali nga, dito tayo!" Hinatak kami ni cat paupo sa sofa.

"Ahh...may pagbabago lang, dati hindi naman siya sobrang nakakatakot. Masasabi kong medyo may pag ka-cold lang siya pero matapos mamatay ni Maori, mas lalong naging madalim ang University, maski ang palasyo nadamay." Iling-iling ni Nissie.

"Oh bakit parang naapektuhan kayo?" Napansin ko kasi na bigla silang nalungkot.

"Lahat naman kami na-apektuhan, dahil nga bumabalik na sa dati ang lahat. At Isa pa, si Maori kasi. Matalik naming kaibigan." Paos na tono nito.

Yumuko ako, "sorry, dapat pala hindi na ako nagtanong."

"Ano kaba, ok lang. Mas mabuti nang malaman mo para naman may idea sa mga nangyayari." Sabay hawak ni Cat sa'king kamay.

VAMPIRE UNIVERSITY: victorious Blood Book 1 [UNDER REVISION] Where stories live. Discover now