VUVB 10: 5TH FLOOR

270 46 13
                                    

10: 5th floor

[ HANY POV'S ]

Akala ko katapusan ko na, naramdaman ko nalang ang sarili ko na nakalutang sa bisig ng sa isang lalaki, gusto kong dumilat ngunit ayaw ng mga mata ko.

Maya-maya pa, sunod kong narinig ang pagbukas ng pinto, at ilang sandaling paglalakad naramdaman ko ang pagbaba ko sa isang malambot na higaan. Amoy na amoy ko ang mala-rosas na amoy. Napakabango.

"I know your awake!"

Suddenly someone whispered in my ear. Mainit ang hininga niya at napakabango na biglang nagpamulat sa akin. Ngunit sa pagbangon ko walang bakas ni-isa ang nakita ko. Bukas ang bintana na sinasabayan ng pagsayaw ng kulay puting kurtina dahil sa dala ng hangin.

Nilibot ko ang aking paningin. Hindi ko naiwasan ang paghanga dahil sa nagigintuan at nagkikintabang kisame, samahan pa ng mga kakatwang larawan.

May ngiti sa labi kong hinimas ang malambot na kumot, kulay pula ang kabuuan nito at napakalaki talaga. Sa aking harapan naman may malaking couch sa gitna habang ang single sofa naman ay nakapwesto sa magkabilang gilid, at pinagigitnaan ito ng isang malaking glass table, namay nakapatong na vase na puno ng pulang rosas.

Ibinaba ko ang mga paa ko sa malambot na black carpet, it's soft too. Staka ako naglakad papalapit sa bintana.

Narinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa napakagandang tanawing bumungad sa akin. Iba-iba ang uri ng puno at bulaklak na ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko.

I smiled, "napaka ganda,"

Ipinikit ko ang mga mata ko. Nararamdaman ko ang malamig na simoy ng hangin. Ngunit... Agad din akong napadilat nang may ma-realize ako.

Inilibot ko muli ang mata ko sa paligid. Teka, nasaan nga ba ako? At anong nangyari sa mga lobong nakasagupa ko?

Nagmadali kong kinuha ang bag ko na nasa upuan at patakbong lumabas ng kwarto. Namilog bigla ang mga mata ko dahil sa bumungad sa'kin. Pati ang sala, maganda. Kanino ba 'tong kwarto? Tss, hindi ito ang oras para alamin pa 'yon. Kailangan ko nang makaalis dito.

Agad kong pinuntahan ang pinto. I gulped hard before I hold the doorknob. Dahan dahan ko itong binuksan. Nilabas ko ang ulo ko at kaliwa't kanan kong sinilip ang paligid. Hindi pamilyar sa akin ang lahat. May sala sa palapag na 'to, tapos limang pintuan lang. Anong floor ba 'to?

Hindi ko na pinansin ang nasa paligid ko, tuluyan na akong lumabas dahil wala namang katao-tao.

Hahakbang na sana ako pababa nang makita ko ang kulay ng carpet—itim.

"Ow, shit. Hindi kaya?" Sinabunutan ko ang sarili ko. Patay. Kasalanan nung lalaking 'yon. Ahhhh! Bwisit!

Lunok laway akong dali-daling humakbang pababa

Ngunit...

"Whaaaaaa!" Malakas na tili ko, na kamuntik-muntikan ko pang  ikasubsob dahil biglang may humarang sa harapan ko.

I looked at him from toe to face. I cringed when I pictured his face. He smirked like he was ready to kill me.

"I'M SORRY!" Sigaw ko sabay yuko,

"Tssss... Ang lakas ng boses mo!" I look at him, na busy sa  pagsundot sa kanyang tainga, sabay hipan nito sa hintuturo niya. Namulsa siya. "What are you doing here?" Walang buhay niyang tanong.

"Ha?" Kinakabahan ako. Sobrang kinakabahan ako!

"Are you deaf? I said what are you doing here in, 5TH FLOOR." pagdidiin niya sa huli na mas lalong nagpakaba sa'kin.

"Ah...ano kasi," napasapo ako. Sino ba kasi yung baliw na nagdala saakin dito?

"Ano? May nagdala sayo dito?" Napatakip ako saaking bibig na marealise ko na naririnig pala nila ako. Lupa, lamunin mo na ako, right here, right now!

"He-he-he" peke kong tawa. Tumingin ako sa pinto, "oh! Good afternoon po, Head Acheron" turo ko at yuko. Pero sa totoo lang gawa-gawa ko lang 'yon. Mabuti nalang lumingon siya.

Dali-dali akong tumakbo.

"COME BACK HERE!" Sigaw niya,

Nagwave ako sa kanya patalikod, "sorry! Staka mo na ako parusahan kapag nagkita uli tayo" sigaw kong pabalik.

Takbo-lakad ang ginawa ko, patungo sa klase ko.

"Anong oras naba?" Tumingin ako sa big wall clock na nakatayo sa gitna ng University. It's already 12:30 pm, tapos na ang first break, ang sunod na klase ko ay ability and combat, ibig sabihin nasa gym na sila. "Takteng yan, late na ako, huhuhu!"  Mas binilisan ko pa ang pagtakbo na halos pati ang mga buhangin ay nagsilipadan.

*Cough* someone coughing.

"Dahan-dahan naman sa pagtakbo!"

"SORRY!"

Habang tumatakbo ako, bigla nalang sumagi sa isip ko ang lalaking bumulong sa'kin. Kung siya ang nagdala sa akin sa 5th floor, ibig sabihin siya rin yung kumalaban sa mga werewolves. Kasi nga diba, paano ako maliligtas kung walang naglitas sa akin? Pero sino kaya 'yon? Impossible naman na isa sa mga royal vamp? Ahhh, hindi! Hindi! Malabong mangyari 'yun.

SUSUNOD...

VAMPIRE UNIVERSITY: victorious Blood Book 1 [UNDER REVISION] Where stories live. Discover now