VUVB 2: YOU'RE VAMPIRE!

463 77 203
                                    

2: YOU'RE VAMPIRE!

[ HANY'S POV ]

Ano itong naamoy ko? napakabango...

"Doc! Doc! Emergency!"
"Call Dr. Hans, now!"
"CPR!"
"120! clear!"

Nasaan ba ako? Ang ingay sobrang ingay ng paligid. Nakakabingi.

Dahan dahan kong minulat ang aking talukap at agad na tumama saakin ang napakaliwanag na ilaw na nagmumula sa kisame. Hinarang ko ang aking kamay sa aking mga mata upang takpan ang sinag.

"May masakit pa ba sayo miss?" Tanong ng isang nurse ng makalapit ito saakin

Bahagya akong napalayo sa nurse na pinagtaka nito.

"Miss ayos kalang?" Muli siyang lumapit saakin at akmang hahawakan na sana niya ako nang malakas kong nahampas ang kamay niya sabay takip ko saaking ilong.

Bakit ko ginawa yun? Ang amoy niya napakabango at...napaka tamis. Nakakaakit.

"Nagugutom ako!" Sabi ko na nakatakip parin ang ilong. Halata naman sa mukha niya ang pagkairita saaking nagawa.

Pasensya na.

Nang makalayo-layo siya ganon pa din ang naamoy ko, nilibot ko ang aking paningin.

"Napaka ingay!" Naiirita kong sigaw. Pares kong tinakpan ang aking mga tainga, ngunit walang talab iyon. Pakiramdam ko sasabog na ang eardrums ko sa halo-halong boses na naririnig ko.

Isang pasyente ang dumaan saaking harapan tumutulo ang dugo nito na nagmula sa kanyang kamay.

I swallowed "ano ito? Ano ba itong nararamdaman ko?" Nanginginig akong muling sumulyap sa dugong nakakalat sa tiles.

Napatakip ako saaking bibig ng may maramdaman akong kung ano sa loob ng bunganga ko. Pakiramdam ko may lumilitaw na ngipin.

Ilang sandali pa napasigaw ako sa sakit at napahawak sa aking mga mata ng maramdaman kong parang umiinit at nanlalabo ang aking paningin. Pikit mata kong nilibot ang aking paningin sa paligid. Wala akong makita kundi puro pula.

A-anong nangyayari saakin?

Hindi ko man lang naramdaman na tumulo na pala ang mga aking luha. Subalit ang mas ikinatakot ko ay hindi ko mapigilan ang aking sarili.

Hindi ko alam kung bakit kusa akong lumapit sa pasyenteng duguan maski dextrose na nakadugtong saakin ay natumba dahil saaking pagkahatak, pero wala akong nararamdaman na sakit.

Naalarma naman ang mga Doctor at Nurse. Pilit nila akong inilalayo sa pasyente. Natatakot ako sa pwedeng mangyari pero hindi ko mapigilan ang sarili kong tikman ang dugong iyon.

Nagugutom ako at gusto ko siyang kainin ngayon. Ayan lang ang natatangi tumatakbo sa utak ko. Para akong nakalulong sa droga na wala nang paki alam sa mga nangyayari.

Pilit akong nagpupumiglas na makawala sa mga nurse na nakahawak saakin ngayon. Kahit hindi naman malakas na pwersang inilabas ko tumalsik ang tatlong babae na nagpawala sa kanilang malay, at doon lamang ako nagising.

A-anong ginawa ko?

May halong pagtataka at takot sa mga mata ng mga taong nakapalibot saakin. Paki-usap huwag niyo akong tignan...

"I-i am s-so sorry" nanginginig kong hingi ng tawad. Marahas kong tinanggal ang dextrose ko. Dahan dahan akong umatras at walang pagdadalawang isip na tumakbo palayo ni hindi ko man lang tinapunan ng tingin ang mga Nurse na nasaktan ko.

VAMPIRE UNIVERSITY: victorious Blood Book 1 [UNDER REVISION] Where stories live. Discover now