R&F - 12

530 20 20
                                    

---------------------


"Ano kamo? Hindi na namin makukuha? As in hindi na talaga?!" Leni asked Pia over the phone, talking about that damn owner of Stuart Gallery and the payment they haven't received yet.

"Hindi na."

"Gagi. 8 Million din 'yon what the heck..."

"Hindi na nga matatanggap." Pia answered again on the other line, "Ikaw nagpunit ng kontrata sa harap mismo niya 'di ba? Kung hindi ka ba naman tanga."

"Wala kang kwentang abogado!" Leni shouted at her.

"Aba, gago ka ba?! Bakit kasalanan ko pa ngayon? Ikaw 'tong hindi nag-iisip na basta basta nagpapadala sa galit at gumagawa ng katangahan sa buhay tapos isisisi mo sa'kin?!"

"Kaya nga ang tapang tapang kong humarap do'n kasi may kaibigan akong abogado at alam kong maipapanalo 'yung kaso tapos wala manlang tayong makukuha kahit kalahati?!"

"Putangina mo Leanne Niamara Prieto, paulit ulit ka, sabi na ngang wala. Sasagutin pagpapagamot ng employee mo but more than that, wala na."

"Ang kapal naman ng mukha nung punyetang Calvin na 'yon-"

"Makapal talaga mukha niya. Kanina nga hindi umiimik at inasa na lang do'n sa laywer niyang kulang na lang maghubad na sa judge ang postura amp."

"See?! Diring diri talaga ako nung hinayaan ko siyang hawakan ako, tangina baka habang buhay akong magsisi kung nahalikan niya ako if ever."

"Pero friend ko 'yung judge kaya nagmukhang tanga 'yung babae. I wonder kung nakapasa ba talaga ng bar exam 'yon o dinaan lang sa santong paspasan."

"Oh, ba't ka nagagalit?"

"Naiinis kasi ako, sinabihan akong matanda."

Leni laughed, "AHAHAHAHAHAHA, totoo naman eh!"

"Alam mo? Tangina ka talaga!"

"Ikaw lang talaga 'yung abogadang palamura.."

"Hoy! Wala kang alam! Most of my colleagues especially those na public attorneys, sobra din kung magmura, ano ka?"

"Oo na, oo na. May meeting pa ako, salamat kasi wala akong napala sa'yo."

"Nag-file ako for another hearing, ang napag-usapan lang kasi ngayon ay about sa contract but their debts, hindi siya na-tackle so baka may chance."

"Hmmm sige, ingat bading."

"Pakyu."

Leni just laughed before putting her phone in her pocket. She fixed her things and attended her next meeting.













Night came and Leni told her employees that she will go home first. She badly want to release her stress through sleeping and she felt exhausted.

She saw Trilly at the parking lot, "Akala ko nakauwi ka na?" 

"Oo, dumaan lang ako para kuhanin 'yung mga papeles. Pasay want us in. Na-approve na 'yung building permit sa kanila sa second district."

"Ang bilis naman yata?" 

"Ewan? Ayaw mo nu'n?"

Leni chuckled, "Tawagan na lang kita mamaya." Trilly told her. "Hay, kailangan ko pang i-check ulit kung nasa bahay ba si Grace para makapunta ako."

Roses and FlamesOnde histórias criam vida. Descubra agora