simula

22 8 0
                                    

This story is not yet complete. It needs a lot of editing. Sorry if it takes a long time to edit. Marami kasing iniisip si author. Pasensya na po talaga.




Malalim na ang gabi ng naalimpungatan ako sa narinig kong malalakas na ingay at kalabog sa pinto. Maliit lamang na paupahan ang tinitirhan namin ng mama ko kaya rinig na rinig ko ang malalakas nilang boses.

Sa idad kong dose anyos ay kami lamang ni mama ang nakatira sa bahay namin kaya nagulat ako na may mga boses sa sala namin na galit na galit.

Sa pagkakaalam ko wala namang kaaway ang mama ko mabait pa nga siya, palangiti at magalang sa mga tao. Pero nitong mga huling araw ay napapansin ko siyang tulala at palaging balisa.

Tinanggal ko ang kumot ko at bumangon sa higaan namin ni mama. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan sa kwarto at sumilip kung anong nangyayari sa sala, pero laking gulat ko sa nakita ko si mama nakaluhod, putok ang labi at may dugo na umaagos sa kanyang noo. "M-maawa kayo." Kandautal utal na iyak ni mama sa mga lalaking nakaitim na mukhang mga sanggano.

Tumawa naman ng nakakaloko ang mga ito sabay hablot sa buhok ng mama ko. "Ganyan nga Miranda, magmakaawa ka. Magmakaawa ka sa buhay mo at sa buhay ng anak mo!" Napasinghap naman ako sa narinig ko.

Anong mga nangyayari, panaginip lang ba ito? Masamang panaginip lang ba ito? Sana magising na ako sa masamang panaginip na ito.

Gulat pa ako sa mga nangyayari ng biglang tumingin si mama sakin. Napalaki ang mata niya ng makita niya ako na nakasilip sa may pintuan bigla siyang bumaling sa lalaking nakahawak sa buhok niya. "H-huwag!" Nahintakutang sabi ni mama sa kanila. "Patayin niyo na lang ako. Huwag niyo ng isali ang anak ko!"

"Too late Miranda, sali siya dito dahil sa ama niya!" Nabigla naman ako sa narinig ko. Ama ko? Sino ba ang ama ko ni anino nga hindi ko nakita bakit nasali kami ni mama.

"Pag malaman 'to ni-" di natapos ang sasabihin ng mama ko ng bigla siyang sinampal ng nakahawak sa buhok niya.

"Tumahimik ka! Hanapin niyo ang anak nila! Bilis!" Agad namang nagsigalawan ang dalawa niyang kasama.

Makikita sa mukha ng mama ko ang takot at pangamba. "M-magtago ka anak. M-magtago ka!" Sinampal ang mama niya ng paulit- ulit, habang ako'y iyak lang ng iyak. Ano ba itong mga nangyayari?

Nakita agad ako ng dalawa niyang kasama dahil sa liit lang ng tinitirhan naming apartment. Sa takot ko hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Tawa naman ng mala demonyo ang dalawang nakakita sakin. Di ko makita ang itsura nila dahil puro naka mask silang lahat.

Hinablot agad ako nila at pinaharap sa ina ko. "H-huwag m-maawa kayo sa anak ko. B-bata pa siya." Takot na takot na sabi ng mama ko sa kanila.

"Huwag kang mag-alala Miranda, uunahin ka naming tudasin para di mo makikita ang paghihirap ng anak mo!" Binunot niya ang kanyang baril at itinutok ito sa mama ko.

"H-huwag, huwag sa harap ng anak ko." Natatakot na sabi ni mama. "M-maawa kayo, m-maawa ka Gustav." Pero parang walang narinig ang nagngangalang Gustav, tawa lang ito ng tawa ng mala demonyo.

Humagulgol na ako, di ko kayang tingnan ang mama ko na nagmamakaawa. Gusto ko siyang lapitan pero malakas ang kapit ng dalawang lalaki sa akin.

Tumingin ang mama ko sakin. "Mara, pumikit ka anak." Mahina niyang sabi, pinilit niyang ngumiti sakin pero alam ko nasasaktan na siya. Bago ko pinikit ang mata ko ay nakita ko ang nagngangalang Gustav na may tattoo sa kanyang kaliwang kamay.

Narinig ko ang pagputok ng baril pagkatapos nun ay sunod sunod na putukan. Iyak ako ng iyak at tinakpan ko ang tenga ko sa nakabibinging putukan ng baril.

Mara Buenaventura: Love Thy Enemy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon