kabanata 13

9 2 0
                                    

Mara:

"Marie.." Nag-aalalang mata ni Gabriel ang nakita niya paglingon niya dito. Nakatingin siya sa kaliwa kong braso, "Y-you have a wound." unti-unti kong binaba ang tingin ko sa aking braso. Nakita kong may dugo kaya agad kong tinakpan sa palad ko. Hindi ko napansin nadaplisan ako ng kutsilyo kanina. Tila ngayon ko pa lang naramdaman ang sakit na dulot niyon.

"Ah, wala lang tu, daplis la-"

Malutong na nagmura si Gabriel dahilan para mapatigil akong magsalita, may binulong siya na di ko narinig. Mabilis siyang lumapit sakin at tiningnan ang sugat ko.

"I'm sorry." Nagtataka ako sa sinabi niya, bakit siya humihingi ng tawad?

Hinawakan niya ang palad ko sabay hila niya sakin pabalik sa bahay-hacienda. Pagpasok pa lang namin ay napatingin si Lenlen sa magkahawak naming kamay, na agad nagulat ng may nakitang dugo sa braso ko at sa hawak kong kutsilyo. Hinay-hinay kong tinagu ang kutsilyo sa likud ko.

"Marie, napano ka ga? Bakit gay may hawak kang kutsilyo?" Napatakip sa bibig si Lenlen, sa takot sa nakita.

Huminto sandali sa paglakad si Gabriel at napatingin siya sa kamay kong tinagu ko, na napabaling agad ang tingin kay Lenlen.

"Kunin mo ang medicine kit. Bring it to my room." Napatango agad si Lenlen sa sinabi ni Gabriel sa kanya, na nagmadali ng tumalikud sa amin.

Hinila niya ako ulit paakyat sa hagdan papuntang kwarto nito.

"G-gabriel, daplis lang ito." Tila walang narinig na sinabi ko, at patuloy akong hinila papasok sa kwarto niya. Dinala niya ako sa banyo na ikinaasiwa ko.

"Hindi naman 'tu malalim ang su-" He hit the sink which surprised me for his sudden outburst.

"D*mnit! You could have killed yourself. I'm so-" He stopped talking and ruffled his hair in anger. Inihilamus niya ang mga palad sa mukha na parang nagagalit siya sa sarili niya. "Stay there." Ani nito ng mahimasmasan.

Nalilitong napasunod ako ng tingin sa kanya. Nagtataka ako sa ikinikilos ni Gabriel. Kanina humingi siya ng tawad, para saan? Hindi naman niya alam na may kutsilyong papadating sa likud niya? Dapat nga magalit siya sa pagtulak ko sa kanya kanina, pero hindi. Siya pa ang nag sorry sakin. Sa pagbunot ko ng kutsilyo sa puno at sa inasta ko kanina, hindi siya nagtanong.

Napatigil ako sa pag-iisip ko ng bumalik si Gabriel. Itinaas niya ang tela sa braso ng maid uniform ko. Nilagay niya ang dala niyang malinis at malambot na tela sa parte kung saan ako natamaan. He directly apply firm pressure into my wound and elevate my arm to stop bleeding. Nakatitig lang ako sa kanya.

"Bakit ka nagalit kanina?" Nangunot ang noo niya sa tanong ko, na parang di siya makapaniwala sa tinanong ko.

"Malapit ka ng mamatay kanina. Dapat di mo na yun ginawa."

"So alam mo?" Panghuhuli ko, sa mga mata niya na di makatingin ng diretso sakin.

"Sympre. Ang kutsilyo tumama sa kahoy diba." Sabay tingin niya sa kamay kong tinagu ko sa aking likud na may hawak na kutsilyo.

Sa sinabi niya ay napatag-tagpi kong may alam siya na hindi niya sinasabi. Magsasalita pa sana ako ng kumatok na si Lenlen pintuan ng kwarto ni Gabriel. Paglabas niya sa banyo ay agad kong tinagu ang kutsilyo sa gilid ng panloob kong damit. Nilinis ko ang sugat ko at nakitang malalim ang hiwa sa aking braso. Nangunot ang aking ilong sa sakit ng dumampi ang tubig sa aking sugat.

Sa pagpasok ni Gabriel sa CR ay lumapit siya agad at kumuha ng mild soap. "Let me." Agap niya sa kamay ko ng kukunin ko sana ang sabon.

Pinabayaan ko na lang siya na hugasan at nilagyan niya ito ng sabon. Nang natapos na siya sa pagbanlaw ay kumuha siya ng malinis na towel at maingat niyang pinunasan ang gilid ng sugat ko.

Mara Buenaventura: Love Thy Enemy Where stories live. Discover now