kabanata 7

12 6 0
                                    

Mara:

Bumalik ako ng kusina na basa ang laylayan ng aking skirt. Mabuti na lang at makapal ang tela nitong uniform na pang katulong nila. Naguguluhan ako kay Gabriel. Ano bang problima niya at sinabi niyang nabuntis niya daw ako? Teka naalala ko sinabi ko noon ng unang kita namin sa highway na binuntis niya ako. Napatampal agad ako sa noo ko.

Is that mean alam niya talaga na ako yun? Kahit magmukha akong tanga-tanga dito. Sino din naman kasi niloloko ko, makikilala pa din niya ako dahil sa mukha ko. Sabihin ko na lang kayang naglayas ako o pinalayas ako dahil sa pagkasira sa kotse ko. Pwede yun hanggat hindi niya alam ang pangalan ko. Ang alam niya lang ako si Marie..

"Ala eh okay ka laang Marie. Parang malayo iniisip mo?" Nagulat na napatingin ako kay Lenlen. "Bakit basa ang laylayan  ehh ng uniform mo." Dagdag pa niyang tanong sakin.

"Ahh wala tu. Natapon lang yung tubig sa pitsil. Dami kasi." Hindi na ulit nagtanong si Lenlen. Naniwala naman siya sa sinabi ko.

Mga ilang minuto kami ni Lenlen sa kusina ng pumunta doon si Gabriel.

"Where's manang Solly?" Tanong niyang sabi kay Lenlen na di man lang tumingin sakin.

Nagulat naman si Lenlen sa presensya ni Gabriel. Napanganga lang si Lenlen dito.

Siniko ko si Lenlen. "Len, tinanong ka oh.." ayaw mo akong tingnan Gabriel hah edi bahala ka dyan kay Lenlen.

"Asan si manang Solly?" Tanong niya ulit kay Lenlen.

"Hah?" Sagot ni Lenlen parang natutulala kay Gabriel.

"I said, where's manang Solly? Bakit wala siya dito?"

Di naman makapagsalita si Lenlen. Humahanga pa rin itong napatingin kay Gabriel. Parang wala na siya sa sarili at tolero na.

"Len, asan daw si manang Solly? Tinanong ka oh.." sabay tingin ko kay Gabriel. Salubong ang kilay at nanlilisik ang mga matang napatingin siya sakin. Luh, kasalan ko sa kanya? Dapat nga ako magalit sa kanya nabasa yung laylayan ng skirt ko. Tumingin na ulit siya kay Lenlen.

"Paki sabi na lang kay manang Solly na papuntahin sa swimming pool. May sasabihin lang ako." Yun lang at umalis na siya na di tumitingin sakin.

Problima nun, pwede naman siya dito magtanong sakin. Tumingin ako kay Lenlen. Bakit parang naiinis ako kay Lenlen Ano tung nararamdaman ko?

Malakas na huminga si Lenlen at kinikilig na niyayakap ang sarili nito.

"Ang gwapo ehh talaga ni senyorito Gabriel..." Napahinto si Lenlen bigla at nagtatanong ang matang napatingin sakin.  Na parang nahimasmasan na sa pagkakilig niya kanina. "Ala eh ano nga yuung sabi niya?" Inirapan ko siya.

"Ewan ko sayo. Ikaw tinanong eh." Sabay alis ko at hanap na kay manang Solly.

Ako ng naghanap kay manang, alam ko naman si Lenlen wala sa sarili nung kausap ni Gabriel kanina. Di ko alam bakit naiinis ako kay Lenlen ngayon. Ano bang nangyayari sakin. Normally naman natatawa ako pag ganun siya lalo na yung mukha niya kanina. Epic! Pero di ko alam parang may kumirot sa puso ko ng di niya ako pinansin at si Lenlen lang tinatanong niya. Hinawakan ko ang dibdib ko, bakit parang nasasaktan ako.

Bumalik na ako agad sa kusina ng nakita ko na si manang Solly at sinabihan siyang papuntahin kay Gabriel. Hindi ko pinansin si Lenlen kahit salita siya ng salita. Naiinis ako sa kanya ang ingay niya. Ngayon lang ako naingayan sa kanya puro siya Gabriel, Gabriel.



Gabriel:

Nakasalubong ang kilay kong bumalik sa swimming pool. Pag-upo ko pa lang ay puro na si Marie ang pinag-uusapan nila.

Mara Buenaventura: Love Thy Enemy Où les histoires vivent. Découvrez maintenant