kabanata 4

12 7 0
                                    

Nanggigil pa rin ako sa kanya. "Ang swerte mo naman Marie, palagi kang inuutusan ni senyorito Gabriel." Parang nagseselos na sabi ni Lenlen.

Saan ang swerte dun? Malas kamu. Tiningnan ko si Lenlen at nakapamaywang sa kanya. "Edi ikaw magdala sa kanya ng drinks at sandwich sa kwarto niya." Tingnan natin kung kikiligin ka pa kung ang daming utos sayo.

"Ala ehh..Kung pwede laang, ikaw yung hinahanap pag kami maghatid sa kanya ni manang Solly." Parang may malisya itong tumingin sa kanya. "Baka gusto ka ni senyorito, Marie." Napairap naman ako sa sinabi niya. Gustong alipustahin siguro. "Maganda ka. Nabigla nga ako ng sinabi ni manang Solly na katulong ka din dine." Ngumiti ako sa kanya.

"Maganda pero pubre." Pagsisinungaling ko kay Lenlen.

"Marie, pinapatawag ka ni senyorito sa kwarto niya." Sabi ni manang Solly. Sila nang dalawa ngayon ang may tinging malisya sakin. Umalis na ako agad. Baka may sabihin pa sila.

***
"Pinatawag niyo daw ako senyorito?" Bungad ko agad sa kanya pagpasok sa kwarto.

"Oo, eh wala kasi akong magawa." Bored na sabi niya. Tinagilid niya ang kanyang ulo. "Ano bang magandang gawin?"

Ano na naman kaya ang plano nito. Pero maganda yung tanong niya chance ko na 'to baka isama ako maglibot kami sa hacienda. "Ikaw lang ba ang gagawa?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi. Tayo." Ngisi niya parang may pinaplano.

"Ang maglibot sa hacienda senyorito." Para mahanap ko si Gustav...

"Ang maglibot? Nalibot ko na lahat. Wala namang maganda doon puro pananim lang." Walang ganang sabi niya.

"Baka may nagbago senyorito." Pagpupumilit ko paring sabi.

"Wala mga pananim lang nandoon." Ngumisi ito. "How about magtanim tayo?"

Magtanim? Mas maganda nga iyan para makilala ko ang mga tauhan dito. "Sige senyorito." Maligaya kong sagot.

***
"Iyan diyan mo itanim." Pagmamandu niya sakin. Napatingin naman ako sa kanya.

"Senyorito sabi niyo kanina tayong dalawa ang gagawa bakit ako lang?" Naiinis nang sabi ko sa kanya. Dagdag pa ang init ng panahon. Butil-butil na ang pawis ko dito.

"Tinatawag mo akong senyorito. Bakit? Nakakita ka na ba ng senyorito na gumagawa niyan?" Ngisi niya sakin. "Kaya nga ako nandito diba para sabihan ka kung asan itanim? Kaya tayong dalawa ang gumawa." Teka naisahan ako dun ah.

"Bakit naman tayo nandito lang sa hardin ng bahay senyorito. Akala ko ba dun tayo sa tubuhan." Di ko makikita si Gustav dito..

"Ang layu dun at ang init. Maganda dito para mataniman ng bagong halaman naman." Sabi niyang wala lang pakialam.

Mga ilang minuto na akong nagtanim at ang mahal na kamahalan ay nakaupo na lang. Tumayo na ako sa inis at nilapitan siya.

"Sabi niyo senyorito tayong dalawa ang gagawa bakit di na kayo sumusunod dun." Galit ko ng sabi sa kanya.

"Ang dali mo naman akong ma miss. Nandito lang naman ako." He says while grinning and then biting his lower lips. May tao ba talagang ganito ka perpekto. Ang gwapo niya pag ganyan ginagawa niya at ang...

"Ang hot mo.." bulong kong sabi.

"Hah ano?" Para naman itong naguguluhan.

Para naman akong napabalik sa matinong pag-iisip ko. Anong nangyari sakin bakit ko nasabi yun. Nang dahil sa lalaki na 'to nawawala ako sarili kong katinoan.

"Ang sabi ko ang hot ng panahon.. tapos pinapatanim mo ko dun senyorito. Parang di naman tayong dalawa ang gumagawa na nun. Ako na mag-isa."

"Ang haba naman ng sabi mo. Kanina ang bulong mo hot lang ako eh. Ngayon ang dami na." He says while grinning again.

Mara Buenaventura: Love Thy Enemy Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang