kabanata 1

19 9 1
                                    

Sumama ako sa kanya papuntang kwarto ng tinatawag niyang boss. Kahit nag alinlangan ako, wala na akong magagawa nandito na ako at gusto kong mabigyan ng katarungan ang pagpatay sa mama ko.

Nang nasa pinto na kami ng kwarto na tinatawag niyang boss ay huminto siya at yumoko sakin. Hinaplos niya ang buhok ko ng marahan at ngumiti na parang may gusto siyang sabihin pero di niya masabi.

"Hanggang dito lang ako sa pinto. Hinatid lang kita kay boss." Sabay tingin ni Betina sa pinto na parang nakikita niya ang tao sa loob. "Siya na ang bahala sayo." Sabay halik niya sa noo ko. "Sige na, pumasok ka na." Binuksan nito ang double door na pinto sa kwarto. Nag-aalangan man, pero ang mama ang iniisip ko ang mabigyan siya ng katarungan.

Pagpasok ko sa loob ng kwarto ay napansin kong may kadiliman ito kahit alas 4 pa lang ng hapun. Napahanga ako sa ganda ng kwarto at napanganga. Mala palasyo talaga itong bahay ng boss nila. Ito siguro ang tinatawag nilang masters bedroom.

Nakita ko ang lalaki na nasa idad 35 pataas siguro, na galing sa kanan ng kwarto niya. Sa laki ng kwarto ng boss nila ay di ko napansin na andyan na pala siya. Nakasoot siya ng roba. Mistiso siya at mapapansin mo sa kanya ang pagka maawtoridad niya. Nakakatakot ang awra niya na para bang isang mali mo lang ay kaya ka niyang patayin. Kahit nasa 30's na ang boss nila, masasabi niyang gwapong lalaki ito. Napansin ko ang pagka misteryoso niya.

"Maupo ka." Tumingin ako sa upuan na may lamesa na bagay sa anyo ng kwarto niya. Nag-aalangan akong umupo sa upuan. Tumingin siya sa akin at unang umupo. Nilahad niya ang kanyang kamay para ipahiwatig na umupo ako sa harap niya kaya umupo na lang ako.

"Sinabi na ba sayo ni Betina kung bakit ka nandito ngayon." Ma awtoridad na tonong pananalita nito. Hindi ako nagsasalita, tumingin lang ako sa kanya at mababanaag ang takot sa mukha ko. "Kailangan mo pa daw ng regular check up sa psychiatrist sa trauma na nangyari sayo. Pero sabi ni Betina nakapagsalita ka na daw." Dagdag na sabi pa niya.

Natatakot man sa presensya ng kaharap niya ngayon ay kailangan ko magsalita para kay mama. "S-sabi n-niya t-tulungan n-niya ako sa p-paghiganti k-kay m-mama." Nangunot ang kanyang noo sa sinabi ko. "Says who?"

"S-sabi n-ni B-betina." Pautal-utal kong sabi.

Tumingin lang siya sakin at parang pinuproseso ang sinabi ko. Tumawa ito bigla parang di makapaniwala. "Very wise, so wise." Tatawang tawang sabi parin niya. Hindi ko alam kung sinong sinabihan niya ng wise ako ba or si Betina?

"Sinabi niya ba kung sino ako?" Tanong niya sakin ng tumigil na siya sa pag tawa niya.

"S-sabi n-niya b-boss ka d-daw n-niya."

Tumango lang ito sa sinabi niya. "Ilang taon ka na?" Tanong niya sakin.

"T-twelve p-po." Pautal utal ko paring sabi. Huminga muna ito ng malalim bago sumandal sa upuan nito.

"Sinabi ba ng mama mo kung sino ang ama mo." Seryosong tingin niya sakin.

Umiling-iling lang ako sa kanya. "A-ayaw ko siyang makilala. G-galit ako sa kanya." Nabigla naman siya sa sinabi niya.

"Bakit ayaw mo siyang makilala?" Nagtatanong ang mata nito sa kanya.

"H-hindi ko pa siya nakilala. P-pinabayaan n-niya lang kami ni m-mama. T-tapos d-dumating y-yung p-pumatay kay m-mama s-sabi d-dahil sa k-kanya n-nasangkot kami sa g-gulo niya." Napaiyak kong sabi nang naalaa ko ang gabing pinatay ang mama ko.

Napaiwas naman ng tingin ang boss ni Betina parang may gustong sabihin ang mga mata nito. "So, anong gusto mo? Gusto mo maghiganti?" Sabi niya na hindi tumitingin sa kanya.

"O-oo, g-gusto kong m-mabigyan ng k-katarungan ang m-mama ko." Tumingin siya sa kanya at bumuntong hininga.

"Tutolungan kita, gaya ng sabi ni Betina. Tuturuan kita kung paano lumaban at maging matapang, at pag sinabi kong maging matapang ayaw ko ng nakikitang mahina. Naiintindihan mo ba, Mara." Diin niyang sabi sakin. Napatango lang ako sa sinabi niya na ikinagalit niya. "Sagot!"

Mara Buenaventura: Love Thy Enemy Where stories live. Discover now