kabanata 11

7 4 0
                                    

Mara:

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. "Nagpakamatay si manong Idong? I-imposible. Bakit niya naman gagawin yun eh may dalawa siyang anak, tapos nga bata pa?"

"Yan nga din ang ipinagtataka ko." Tila naguguluhang sabi niya.

Nanghihinang napa-iwas ako ng tingin kay Gabriel. Kahit na may sakit ang isang anak nito, maliit lang na dahilan para magpakamatay siya. Di naman niya nakita si manong na may problima o dinadamdam man lang. Baka naman dinadala lang nito, pero may tinatagu na pala siyang mga hinanakit. Kawawa naman ang mga anak ni manong Idong.

***

Pagdating namin sa bahay nila Gabriel, nakita kong may kausap si manang Solly na dalawang may kaidaran ng lalaki, at sa gilid nila ay nakaparada ang kotse na minamaneho ni manong Idong. Nang bumaba na si Gabriel, binuksan ko din ang pintuang ng kotse at bumaba. Di ko na hinintay na pagbuksan pa niya ako ng pintuan. Tumingin na lang siya sakin at diretso ng pumunta kina manang.

"Oh, ayan na pala si senyorito. Maiwan ko na kayo dine at akoy papasok na sa bahay." Dinig kong sabi ni manang ng nasa malapitan na kami.

Tumango naman ang dalawang kausap ni manang at humarap na sa amin. Nasa likud lang ako ni Gabriel, at nakatingin sa bagong kaharap. Mukha silang trabahante ng hacienda basi sa damit nIla.

"Mang Nanding, mang Nestor kumusta na kayo?" Panimula niya kina manong.

Magiliw naman na ngumiti sila kay Gabriel. "Heto senyorito, okay naman kami ni Nestor dine. Ala eh, ikaw senyorito musta ka na? Binatang, binata ka na at gwapong lalaki."

Tumawa naman si Gabriel sa sinabi ni mang Nanding. "Okay lang naman manong. Nakasanayan ko na din dito sa hacienda."

"Panigurado eh, may nalungkot ngay-on dahil nandito ka. Marami sigurong naghahabol saiyong babae sa Maynila. Ala eh, Sa gwapo mo bang iyaan Marami-rami ka na sigurong syota?" Tatawang-tawang sabi ni mang Nanding, na ikinasiko ng kasama nito. Bumaling agad si mang Nanding kay mang Nestor, at itinuro niya ako.

Napansin naman ni Gabriel ang pagturo ni mang Nestor sa likud niya, na ikinalingon nito. Masuyong ngumiti siya sakin at hinawakan ang bewang ko. Nagulat ako sa inasta niya, na ikinalukso na naman ng puso kong baliw na kay Gabriel.

"Siya nga pala manong, si Marie nga pala. Marie si manong Nanding at manong Nestor." Pagpapakilala niya sakin. Magalang na yumukod ang ulo nila sakin at ngumiti.

"Ikinagagalak ko po kayong makilala manong." Sabay lahad ng kamay ko sa kanila.

"Ala eh, nakakahiya senyorita. Madumi ho ang kamay namin galing pa kami sa pagbubungkal ng lupa kanina." Nahihiyang sabi ni mang Nestor. Napagkamalan pa akong senyorita.

"Naku manong okay lang po, at saka hin-"

"Marie, una ka ng pumasok sa loob. May pag-uusapan lang kami nila manong. Susunod na lang ako." Malambing niyang sabi sa akin.

Sasabihin ko sanang di ako senyorita dito at maid lang ako. Para kina manong girlfriend ako ni Gabriel. Paniguradong namumula na ang pisngi ko ngayon.

Gabriel:

Hinintay ko muna siyang makaalis bago humarap na kina manong. Di ko siya pinatapos magsalita kanina. May gana pa siyang ipahawak ang kamay niya pagkatapos kong hawakan yun kanina, parang baliwala lang sa kanya.

"Ala eh, ang ganda naman ng syota niyo senyorito. Bagay na bagay kayo." Papuri ni mang Nestor, na ikinangiti ko pero agad ding naging seryoso ang mukha ko.

"Yung nangyari pala kay mang Idong kanina, ano po ba talagang nangyari?" Panimula ko ng tanong sa kanila. Nagkatinginan silang dalawa sa sinabi ko.

"Ala eh, Hindi din namin alam senyorito. Kami din naguguluhan sa nangyari. Tinatanong namin yuung anak niya. Wala naman daw problima ang ama nila bukod sa may sakit ang isang anak niya. Mahal na mahal niya ang mga anak niya eh." Mahabang sabi ni mang Nestor.

Mara Buenaventura: Love Thy Enemy Where stories live. Discover now