kabanata 5

9 6 0
                                    


"Mara okay ka laang parang wala kang tulog kagabi." Concern na sabi Lenlen sakin.

Halata akong puyat. Di ako makatulog sa gigil ko sa Gabriel na yun.

"Iyan ba si senyorito, hanggang kailan ba siya dito? Palagi ba 'yang nandito pag bakasyon?" Gulat na napatingin sakin si Lenlen sa pag-iba ko ng usapan. Na hanggang ang tingin niya ay may halo ng malisya. "Ano? Nagtatanong lang ako."

"Sa 2 taon ko dine na paninilbihan. Ngayon lang naman iyan si senyorito napunta dine. Sabi ni manang Solly sinira daw eh ang kotse niya sa Manila. Mahal daw iyon. Kaya galit na galit ang daddy niya eh pinapunta dine." Kinilig si Lenlen sa huling sinabi nito. Parang gusto pa nito na nandito si Gabriel.

So, ako pala may kasalanan kung bakit nandito 'yang loko na 'yan. Kaya pala ang daming utos sakin. Siguro pinagdududahan na niya ako ngayon. Nakasakay ako ng kotse 'nun ng una naming kita. Mabuking pa ako dito.

"Mara, pinapatawag ka ni senyorito sa kwarto niya." Sabi ni manang Solly ng dumating sa kusina. Umalis na ako agad ng iba na ang tingin na naman nila sakin.

***
Di na ako kumatok sa kwarto ni Gabriel diretso na akong pumasok. Naabutan ko siyang may ginagawa sa cellphone niya.

"Pinatawag niyo daw ako senyorito?" Tanong ko na agad.

Tumitingin naman siya sakin at ngumiti.

"Gusto ko sanang dalhan mo ako dito ng juice."

Ayan na naman siya. Alam ko ng plano nito eh pababalikin ako ulit sa kwarto niya ng paulit-ulit.

"Anong flavor ng juice?" Akala mo hah alam ko na diskarte mo.

"Kahit ano.."

"Ano ba talagang gusto mo. Sabihin mo na!" Naiinis ko ng sabi. Napipika na ako. Alam ko naman gusto nito.

"Gusto ko?" Nang-aakit na kagat labing sabi niya. "Tinatanong mo ako kung anong gusto ko? Pwede bang....ikaw.." he says with seductive voice and then biting his lower lips.

Napalunok ako ng laway. Lumapit naman ito sa kanya na ikinalaki ng mata niya.

"Senyorito.. h-huwag kang lumapit.." papatayin kita paglumapit ka. Lumapit pa din ito sa kanya. Na ikinaatras niya hanggang madikit siya sa pintuan.

Napangisi naman si Gabriel ng na trap na siya. Nilagay ni Gabriel ang kanan niyang kamay sa pinto. Sh*t! Kung di kita napatay kagabi ngayon papatayin na kita. I was going to get my dagger on my leg when he slowly raise his left hand to touch my cheeks. Napasinghap naman ako sa paghawak niya. Parang may kuryenteng dumaloy sa balat ko sa simpling paghawak lang niya sa pisngi ko. Napatingin ako sa mga mata niya na parang nangungusap at katulad ko din parang naguguluhan.

"Your too beautiful to be a maid." He says Near on my face.

Ang bango niya. napatingin siya sa labi ko. Ang lakas na ng pintig ng puso ko. Napatingin din ako sa labi niya at nakita kong dililaan niya ang ibabang labi niya at kinigat ito na nagpalunok sa akin. He slowly lowered his face that make me close my eyes. Ilang segundo akong nakapikit na parang may hinihintay. Kung ito man ang unang halik ko ipapaubaya ko sa kanya. I felt his breath on my neck and whisper in a deep voice.

"Parang...gusto ko yata uminom ng orange juice." I heard him chucked.

Napadilat naman ako. Kumikislap ang mata ni Gabriel na parang natatawa. Sabay talikud niya sakin at kinuha ang cellphone nito na nakangisi na.

Naiwan akong nakatulala lang na nakasandig sa pinto.

"A-ano?!" Tanong ko sa kanya ng makabawi sa pagkatulala.

Tumingin siya sakin, na parang wala lang nangyari.

"I like to drink orange juice." Sabay harap uli sa cellphone niya.

Diretso kung binuksan ang pintuan at lumabas. Napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas parin ng pintig ng puso ko. Ano iyon? Anong nangyari? Hindi man lang gumana kanina ang killing instinct ko. Nanglilisik ang mata kong tumingin sa pintuan na parang makikita niya ako.

***
Nagwawalis ako sa veranda ng patingin tingin kay Gabriel. Nakaupo ito sa upuan sa veranda at nagbabasa ng librong inutos nito noon. Mabuti naman at binasa niya na. Bumabasa naman pala ng para sa agriculture dami pang arti.

Napansin kong pasulyap-sulyap siya sa sakin basi sa nakita ko sa peripheral vision ko. Kaya tinigil ko ang pagwawalis ko at nakapamaywang na tiningnan siya. Di nga nagtagal naaktuhan ko siyang sumulyap sakin na agad naman nitong binalik sa libro ang tingin.

Ano bang trip ng lalaking tu ngayon? Nilapitan ko siya, na kataas ang kilay.

"Bakit kayo nandito ngayon senyorito diba nasa kwarto lang kayo ng ganitong oras?" Di ko napigilang sabi sa kanya.

"Bakit? Di ba pwedeng nandito ako? Sariwa ang hangin dito at masarap magbasa ng libro."

"Nagbabasa ka ba talaga? Oh sumusulyap lang sakin?" Huli ka na sa akto huwag ka na mag deny pa..

He chuckled in a seductive way.

"Sumusulyap? Hmm..Alam mo ba kung bakit sumusulyap ako sayo.." mapang-akit na matang sabi niya sabay kagat sa labi.

Sh*t na malagkit! Pag ganyan gesture niya nawawala ako sa sarili ko. Napatingin ako sa labi niya habang mapang-akit na kinagat nito. Ang mga labi na yan.. Naalala ko kaninang umaga.. Naiinis na tumingin ako sa kanya. Hindi sa gusto kong mahalikan niya ako. Gusto ko ba? Biglang pumintig ang puso ko. Ano bang nangyayari sakin.

"Hindi ko alam kong anong kalokohan meron na naman ang iniisip mo. Pero alam mo naglilinis ako dito. Estorbo ka!" Inis kong sabi sa kanya.

Hindi ko alam kung saan galing yung inis ko dahil nandito siya o dahil sa kanina na halik na hindi natuloy. Nababaliw na yata ako.

"Feisty huh. I like it.." sabay kagat ulit sa labi nito. May pa feisty, feisty ka pa..pistihin ko yang mukha mo eh.

Magsasalita na sana ako ulit ng dumating si manang Solly.

"Senyorito narine ka laang pala.." sabay tingin sakin.

Alam ko na yang tingin mo manang Solly ng dahil sa loko na 'yan naging malisya na lahat sa kanila. Ako lang hinahanap ng loko kaya sila manang Solly at Lenlen iba na kung makatingin. Kung alam niyo lang pinaghihirap ako sa utos niyan na napakadami.

"Tapos ka na ga diyan Marie? Ala eh kailangan ko kasi ng tulong doon sa kusina." Sasabihin ko na sanang malapit ng matapos at susunod na ako ng naunahan akong magsalita nito.

"Hindi pa siya tapos dito maglinis manang Solly. Marami pa siyang lilinisin." Ngising sabi nito na nakatingin sakin.

Nagtataka namang napatingin si manang Solly sa paligid ng veranda.

"Ahh ehh ganoon ga.. Kami na laang ni Lenlen sa kusina." Tumingin muna siya sa akin bago umalis.

Naiinis naman akong tumingin kay Gabriel. Parang sinasadya niya din eh..para maging malisya ang tingin sakin nila dito.

Pinagpatuloy ko na lang ang paglilinis ko at binalewa siya. Narinig kong nag ring ang cellphone nito. Sinagot niya naman ito ng mga ilang segundo na ang tawag.

"Yes dad.." walang ganang sagot nito sa tawag. "Nakuha ko na kagabi.. nakatulog na ako agad.. Natingnan ko na kanina ang ilang mga pangalan ng mga trabahante.." agad akong napahinto sa paglilinis ko sa narinig kong sinabi ni Gabriel. "kilala ko na ang iba.. yung bago yung tiningnan ko kagabi.. hindi ko pa binalik nasa kwarto ko pa.. okay dad.."

Nasa kwarto niya? Hinay-hinay kong nilingon si Gabriel at naabutan ko siyang nakatingin na pala sakin. Ngumiti ako sa kanya na ikinangisi nito. Mamaya ka sakin... Naunahan mo pala ako kagabi. Nasayo na pala..

Mara Buenaventura: Love Thy Enemy Where stories live. Discover now