kabanata 2

12 10 0
                                    

Mara:

One week na ang nagdaan at ngayon ay birthday ko, it's my 18'th birthday. Sanay na ako na di nag celebrate sa birthday ko. Gusto ni papa ipaghanda ako pero ako yung ayaw.

Tinawagan ako ni Boris kanina para bumati sa birthday ko at sinabihan din niya akong pinapapunta ako ni papa sa gusali. Kasama namin siya sa training at katulad ni Alec silang dalawa ang tumutulong sakin pag nahihirapan ako noon.

Paglabas ko sa grand entrance ng mansion ay nakahintay na ang sasakyan sa akin. Nang dumating na ako sa gusali ay sinabihan akong pumasok sa pintoan na hindi ko pa napasukan noon. Pag pasok ko sa pinto ay malayong hallway pa ang lalakarin bago pumasok na naman sa isang pinto.

Pag pasok ko sa pinto ay nakita ko na andun sila Alec, Boris, Betina, si papa at....may nakaupong duguan na parang galing sa bugbog at nakatakip ang kanyang bibig. Nagtatanong ang mata kong napatingin sa kanila.

"Oh, Mara is here." Ngisi ni papa.

"Boss, no. Hindi pa handa si Mara sa-" di natapos na salita ni Betina ng binulyawan agad siya ni papa.

"Then kailan siya handa?! Hah Betina?!"

"Papa, a-ano 'to?" Di ko natiis na tanong sa kanya. "B-bakit-"

"Happy birthday, Mara! My surprise birthday for you.."

Ano daw? Suprise birthday?! Bakit may taong binugbog galing. Ano ito?! Joke?!

Nag ngiting aso ito sa kanya na parang enjoy na enjoy ito. Sa itsura niya ngayon parang kaya nitong pumatay ng tao.

"Alec, bigyan mo ng baril si Mara." Makikita sa mukha ni Alec na nag-alinlangan siya na bigyan ako ng baril. "Now Mara, kill that bastard!" Itinuro niya ang taong nakaupo na nakagapos.

Nagulat ako sa narinig ko. "Papa bakit-"

"Huwag ka ng madaming tanong, patayin mo na!" Galit na sabi niya sakin.

Itinaas ko ang baril na hawak ko at itinutok ito dito, takot ang nakikita ko sa mga mata niya. Ano bang kasalanan niya bakit siya papatayin?

Mga ilang segundo kong itinutok ito sa kanya bago ko ibinaba ang baril.

"Papa hindi ko kaya." Sumusuko kong sabi kay papa sabay tingin sa kanya.

Galit itong napatingin sa kanya.

"Hindi mo kaya?! Di ba gusto mong maghiganti sa mama mo?! Paano ka makakapatay sa pumatay sa mama mo kung di mo kayang pumatay?!" Bulyaw na sigaw nito sa kanya.

"Hustisya ang kailangan ni mama hindi ko kailangang pumatay!" Napaiyak ko ng sabi.

"Cut that justice of yours! Boris!" Tumingin ito kay Boris at tumango at parang alam na ni Boris ang gagawin. He took out his pistol and pointed the gun at me.

"Now Mara chose, buhay mo o buhay ng hayop na 'yan!" I can't believe him. Kaya niya akong ipapatay dahil lang di ko mapatay itong tao na 'to. "Kill him. Now!"

Nanginginig kong itinutok ulit ang baril dito. Takot na takot ang mukha nito. Humihingi naman ng tawad ang mga mata kong napatingin sa kanya sabay pikit ko sa mata ko at ipinutok ito.

Mga ilang segundo lang akong napapikit ng narinig kong may pumalakpak. Ibinuka ko ang mga mata ko at tumingin kay papa. Lumapit naman ito sa kanya.

"Do you still want to be a police woman now? Now that you have killed someone." Humalakhak ito.

Hindi ako makapaniwala sa kanya at napanganga. Para siyang demonyo. Hindi ko na siya kilala.

"Bukas na bukas ay sasama ka samin sa casino para malaman mo ang negosyo natin at kung anong trabaho ang meron tayo." Sabay alis nito.


Mara Buenaventura: Love Thy Enemy Where stories live. Discover now