kabanata 8

7 6 0
                                    

Mara:

"Manong Idong!" Habol ko sa driver nila dito. Papasok na sana si mang Idong sa kotse ng tinawag ko siya. Pumihit siya paharap sakin. Inabot ko sa kanya ang pera na sweldu ko dito. Nagtataka naman siyang napatingin sakin. "Para po sa anak niyo. Diba ho may sakit siya ngayon? Pangdagdag gastos niyo ho." Sabay abut uli sa pera dito.

Nahihiyang napakamut sa leeg si mang Idong na napatingin sa pera na inaabut niya.

"Ala ehh Paano ka naman? Baka eh wala ka ng pera niyaan. Sweldu mo pa naman niyaan."

"Wag na kayong mag-alala sakin mang Idong. Ang importante ang mapagamot niyo yung anak niyo.." kinuha ko ang kamay ni mang Idong at binigay ito sa kanya. Nag-alinlangan tinanggap ni mang Idong ang pera niya.

"Ala eh Kakapalan ko na mukha ko eh. Tatanggapin ko ito. Salamat dine Marie. Hindi ka laang maganda sa panlabas pati din sa kalooban."

"Naku, nangbola pa kayo. Pwede naman yung salamat na lang." Napakamut sa ulo na natatawang sabi ko.

"Ala eh Totoo naman. Maganda kang bata Marie." Sabay hawak na nito sa pinto ng kotse. "Salamat ulit dine. Sige alis na ako." Tumango ako sa kanya.

"Sige mang Idong. Ingat kayo." Sabay kaway ko sa kanya.

Magaan ang loob ko kay manong Idong, siya ang kausap ko pag nasobrahan ako sa kadaldalan ni Lenlen. Tumutulong din ako sa kanya sa paglinis ng kotse nila dito. Matanda na kasi siya at nakikita kong minsan ay nahihirapan na siya sa paglinis ng kotse. Kaya nung nalaman kong may sakit ang anak niya ay binigay ko sa kanya ang sweldu ko. Para pang dagdag man lang sa pagpagamot sa anak niya.

Bumalik agad ako sa pool. Kinuha ang net skimmer at nilinis na ang mga dahon na nahuhulog sa pool. Okay naman na maglinis nako dito dahil maagang umalis ang mga kaibigan ni Gabriel kaninang umaga. Wala ng tao kaya pwede ng maglinis sa pool.

Busy akong naglilinis parin ng may biglang tumakip sa mga mata ko.

"Guess who?" By hearing his baritone voice my heart automatically beats faster. Napaharap ako sa kanya at tinanggal naman nito ang kamay niya. "Gusto kong maligo." May pilyong ngiting sabi nito.

"Hah?" Maang kong tanong.

Napatingin ako sa kanya. Nakadamit siya ng hawaiian white shirt at black shorts. Maliligo siya ng ganyan ang soot?

"Sabi ko gusto kong maligo."

"Maliligo ka na ganyan soot mo?" Di ko napigilang sabi.

Nag-isip na napatingin si Gabriel sa kanya.

"Ahh ganito na lang..tayo na lang dalawa maligo." Ngumiti siya ng pilyo pa rin sakin.

Magsasalita pa lang sana ako ng hinawakan ni Gabriel ang kamay niya at isinama siyang tumalon sa pool.

Dahil sa hindi ako handang tumalon ay nakainum ako ng kunting tubig sa pool. Lokong Gabriel! Inayos ko ang buhok kong basa at saka siya pinanlisikan ng mata. Tawa naman ng tawa ang loko sa kanya. Sinabuyan niya ito ng tubig na sinalag lang nito at tawa pa rin ng tawa.

"Ano bang trip mo Gabriel hah?!" Napipikon na ko sa kanya.

Kagabi iba ang gesture niya ngayon bumalik ang pagka loko loko niya. May sakit ba ito si Gabriel, ano nga tawag nun bipolar disorder? Oo, yan siya! May double personality nakakagigil.

His now grinning when he came closer to me and then held my cheeks. How come a simple touch from him give me so many emotions i can't name. And that same stung as if an electric current had passed. Na kahit nasa tubig kami ay nakaramdam ako ng init na hindi ko maipaliwanag.

Mara Buenaventura: Love Thy Enemy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon