Chapter 4

6.2K 238 71
                                    

Astrid's POV:

Nagising ako dahil sa ingay na narinig ko. Tiningnan ko ang bintana ng kwarto ko at madilim pa, nakadapa ako sa kama at kinuha ang phone ko sa gilid ng kama ko para tingnan ang oras, 12:21am palang.

Ako lang mag-isa dahil nasa Palawan si mama kasama ang boss niya na si Lauren Galvez, si Miss-goddess napangisi naman ako sa naalala.

Kaagad akong bumangon sa pagkakahiga ko dahil may narinig akong bumukas na pinto.

Kinuha ko yung baseball bat ko dahil baka may nakapasok na masamang loob mahirap na.

Dahan-dahan kung binuksan ang pinto sa kwarto ko bago lumabas tiningnan ko muna ang paligid bago tuluyang lumabas papunta sa may sala ng penthouse.

Nasa balikat ko ang dulo ng bat habang dahan-dahang lumalapit dun.

Ihahampas ko palang sana yung hawak kung baseball bat sa nagbukas ng ilaw ng may biglang sumigaw-

"ASTRID anoba" kaagad kung ibinaba yung hawak ko dahil si mama lang pala.

"Ma anoba rin, bakit kaba nananakot diyan hindi ka manlang nagsabi na ngayon na pala ang uw-" natigil ako sa pag sermon sa sarili kong nanay ng may makita akong maganda sa likod niya.

Kinabahan ako sa nakita gag- bakit siya nandito? O my god hindi manlang ako nakapag make-up at pabango ng bongga.

"Ah Astrid, dito pala muna magpapalipas si ma'am galvez ng gabi. Nag offer kase siya na ihatid na ako dito sobrang late nadin kaya nag offer ako na dito na muna siya magpalipas ng gabi. Delikado na kase sa labas..."

Hindi kuna maintindihan yung mga pinag sasasabi ni mama dahil nakatingin lang ako sa babaeng nasa likod niya.

Ganun din siya saakin, I even saw her smirked at me bago tumingin sa ibang dereksyon ng penthouse.

"Astrid nakikinig kabang bata ka?" Napabalik ako sa wisyo ng tawagin ako ni mama. Tumango tango nalang ako dahil hanggang ngayon na e star struck parin talaga ako kay miss-goddess ko.

"O-oo naman ma, pwede siya sa kwarto ko. Okay lang nama- Aray" napahilot ako sa braso ko dahil hinampas yun ni mama.

"Anong sa kwarto mo, umayos ka nga nakakahiya kay miss Galvez." Yung nanay ko na killjoy.

Hindi manlang pagbigyan yung maganda niyang anak.

"Mabuti pa miss hatid ko na kayo sa guest room, malalim na ho ang gabi at paniguradong pagod kayo sa biyahe" tumango nalang si Miss-goddess bago tumingin sa'kin.

Nang tumalikod na si mama para ihanda ang guestroom, naramdaman kong nakatingin sa akin si Miss-goddess kaya napatingin din ako sakanya, nagulat ako ng lumapit ito sa akin at may binulong-

"So..I'll see you later in my room?" Ngumisi ito sa akin at kumindat bago kagatin yung ibabang labi at sumunod na kay mama.

it's getting hot in here.

Napapaypay ako sa sarili ko gamit ang palad ko, masyado naman akong mahal ni Good god at anghel pa mismo ang lumalapit sa magandang katulad ko.

"Awww lord" napailing-iling nalang ako bago naisipang bumalik sa kwarto ko. Anong akala niya sa akin? Easy girl? Norway Canada.

Dapat behave tayo sa bahay ni hera no, e paano kung sobrang nasarap- nevermind.

2am na at hindi parin ako nakakatulog, iniisip ko kasi si lau- no I mean iniisip ko yung sinabi niya kanina.

Ang hormones Astrid ikalma. Dapat mabait ka diba, ang goal ay isang beses lang at bawal na maulit.

Pero pwede rin naman.

The Abduction of Astrid ZobélTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon