Chapter 6

5.4K 188 63
                                    

Astrid's POV:

Today is Monday. Maaga akong ginising ni Mama, kailangan ko pumasok ng maaga ngayon dahil mag ha-half day lang ako sa school.

Birthday ni Daddy ngayon at gusto niya na nanduon ako. Pinatawag rin ako ni Abuelito at sinabi nga na kailangan ay nasa party ako ni Dad mamaya. Invited rin naman si Mama pero hindi siya pwede dahil nasa Cebu sila ngayon ni Lauren. Business again.

Speaking of Lauren. So far so good naman kami. Hindi ko pa alam kung ano kami, I mean kung anong meron sa'min. Basta sinabi niya lang sa'kin na gusto niya palagi kaming magkikita. kaya kapag may time siya pinupuntahan niya ako sa school, or kaya papupuntahin niya ako sa office niya. Para na nga rin siyang sugar mommy ko e. kasi naman hindi lang relo binagay sa'kin, Bumili pa siya ng Condo unit sa Grande Goroztiza. Sa'kin nakapangalan tapos wala nang kailangan ayusin dahil ayos na. Completo na sa gamit.

Ilang beses ko tinanggihan ang condo na binibigay niya, pero iirapan niya lang ako at sinasabing kay mama nalang niya ibibigay yung papers at sasabihin na regalo sa'kin.

Kilala ko si mama malakas ang pakiramdam niya. Baka malaman niyang nakikipag cuddle cuddle ako sa boss niya, suntikin pa'ko. No way. Masakit kaya manuntok si Hera.

Ewan ko ba kung kanino nag mana si Mama. Mabait naman ako.

"Monday is the worst." Buntong hininga ko sa tapat nang salamin habang inaayos ko ang necktie nang uniform ko.

Tiningnan ko muna ang maganda kong mukha bago pumasok ulit sa kwarto at kinuha ang bag ko.

Pagkababa ko palang sa parking lot ay kaagad nanlaki ang mga mata ko ng makita ko nanaman si Kyla. iiwas palang sana ako ang tingin ng bigla naman itong sumigaw at tinawag ako--

"Astridddd- wait"

Dali-dali kong pinindot ang hawak ko na susi para magbukas kaagad ang pinto ng sasakyan ko dahil malapit na siya.

"Ouch, Fuck" kinang* ang sakit. Natapilok pa ako dahil sa ka mamadali.

"Wait lang. What the ASTRID--" hindi ko na narinig ang sunod niyang sinabe dahil kaagad kong naisara ang pinto ng sasakyan ko.

Napangisi naman ako bago kumaway sa kanya mula sa loob ng car ko.

"Gosh, I hate that leech" nag spray muna ako ng alcohol bago lumabas ng sasakyan. Nandito na ako sa parking lot sa school. At sa usual spot ko talaga pinark para hindi na ako mahirapan hanapin ang car ko.

"Zobéllll" napairap naman ako ng marinig ko ang boses ng kaibigan ko.

"Sosa." Tipid na sagot ko at inirapan ang baliw ko na kaibigan.

Camilla Sosa. Daughter of Senator Iñigo Sosa III, and my Best Friend. Kung mas maharot ako, triple to.

"Blooming ah-- ay wait, hindi na pala bago ito." Nag smirk siya kaya ginaya ko nalang yung itsura niya.

Mukha siyang tanga. Pero dahil bff kami, mukha kaming tanga sa ginagawa namin.

"Blooming ka rin naman e. Nag bar kayo last night, ilan?" Tanong ko sa mga naka you know niya kagabi.

"Parang gagi to, wala no... Ano two lang" ngisi niya kaya pabiro ko siyang hinampas na ikinatawa naming dalawa.

I have a lot of friends. Sabi nga nila Extrovert person ako, pero si Camilla lang talaga ang pinagkakatiwalaan ko, she's my best friend and my Sister from another mother.

Ibababa ko palang sana ang kaliwang kamay ko ng pigilan niya ako. Nakatingin siya sa bagay na nasa wrist ko. Kaagad nawala ang ngiti ko at itinago ang braso ko sa likod ng kamay ko.

The Abduction of Astrid ZobélWhere stories live. Discover now