Chapter 7

4.9K 184 39
                                    

Astrid's POV:

"You can eat that later. Baby

Dahan-dahan ako nag-angat ng tingin sa may-ari ng boses. Napakunot noo pa ako dahil hindi ko naman ito kilala, pero kaagad ko rin naman siyang nginitian.

Maganda ako pero mas maganda to. Pero mas mas mas maganda si Lauren my barbeque sweet potato cheese cake.

"Hi?"

Medyo patanong na tanong ko sa babaeng nakangisi na sa harapan ko.
Tumingin siya kayna Andra at Anastasia na naghahalikan parin sa may sports car.

Mukhang nagulat pa siya sa nakita dahil napataas yung dalawa niyang magandang kilay.

"Ohh... The girl in red dress is my cousin. Ako nagturo diyan" proud na sabi ko.

Ibinalik naman nito ang tingin sa'kin bago tumawa. natulala pa ako dahil sobrang ganda niya talagaaaa.

Pero kaagad akong napaiwas ng tingin dahil bigla pumasok sa isip ko si Lauren. Napailing-iling ako bago siya tiningnan muli..

"You're funny, miss?-" inilahad niya yung right hand niya sa harapan ko. Kaagad ko yung inabot at nakipag shake hands.

"Astrid. Astrid Zobél. And you are?"

Napakunot noo naman ito na para bang may iniisip or may inaalala, kaagad naman siyang ngumiti at sumagot --

"Amber Arguelles-De Luca. Nice to finally meet you, miss playgirl." Girl ang landi niya.

May halong panlalandi yung tono ng boses niya and She smirked at me.

Napataas naman yung isang kilay ko dahil sa sinabi niya. And wait? Amber Arguelles! I think I heard her name before.... Anyway.

"Okay? Nice to meet you too. Miss judgerist." Medyo may katarayan na sabi ko.

Ito naman kasing si ganda tinawag ako na Playgirl...I mean totoo naman, pero bakit kailangan pang ipa mukha charizz.

At teka, ang tagal ko na kayang hindi nambababae or nanlalalake. Kasi nga may Lauren my barbeque sweet potato cheese cake na'ko. Wala kaming label pero ang loyal loyal ko sa barbeque sweet potato cheese cake ko na'yon no.

"Chill Zobél. Masyado ka naman serious. I'm just joking, peace tayo." Nakangiting sabi nito at nag peace sign pa sa harapan ko.

Napatingin ako sa likod ko dahil kanina ko pa nafifeel na may nakatingin sa'kin. Pagtingin ko ay wala naman, kaya ibinalik ko nalang ang tingin kay Arguelles.

"Ge lods. May sasabihin ka pa? Babalik na ako sa loo- HOYYY" napasigaw ako ng biglang naglapit yung mga katawan namin.

Madilim sa pwesto namin pero paminsan minsan ay nasisinagan kami ng ilaw galing sa loob.

"Mas maganda ka pala sa personal Zobél." Nakangising sabi nito at kaagad akong hinalikan sa pisngi.

Naamoy ko yung alak dahil ang lapit lang ng bibig niya sa mukha ko, lasing na yata si Ganda.

Bago pa ako bumigay ay kaagad ko na siyang itinulak. Inayos ko yung damit ko bago siya tiningnan.

Mahina na itong tumatawa bago uminom sa bottle of wine na hawak-hawak niya. Hindi ko napansin yon ah.

"Bakit mo ginawa yon" mahina lang ang pagkakasabi ko pero may diin sa boses ko.

Pinunasan ko yung part na hinalikan niya dahil naka red lipstick siya. Paniguradong babakat yon.

"Because... I want to, crush kaya kita"

Kaagad napa baling ang atensyon ko sakanya pero iniwas ko rin kaagad. Napalingon ulit ako sa likod ko dahil kanina ko pa talaga nafefeel na may nakatingin. Ang bigat pa nga sa pakiramdam e, parang anytime may bala nalang nang baril ang tatama sa likod ko.

The Abduction of Astrid ZobélDonde viven las historias. Descúbrelo ahora