Chapter 16

3.2K 170 36
                                    

Astrid's POV:

Sa sobrang lutang ko sa kakaisip, hindi ko namalayan na nasa labas na pala kami nang kompanya ni dad.

"Ma'am Astrid, nandito na po tayo--"

Hindi ko na hinintay na matapos magsalita ang driver dahil dali-dali na'ko lumabas nang sasakyan.

Lakad takbo ang ginawa ko para lang makarating kaagad sa office ni dad. Nakita ko pa si Tito Conrad na kumaway sa'kin pero hindi ko ito nagawang kawayan pabalik ng makita ko kung sino ang kasama nito...

Lauren

Seryoso itong nakatingin sa'kin. Wala sa itsura nya na nagulat siya o ano.

Kahit nanginginig ang buong katawan ko dahil sa nandito siya, mabilis at dali dali akong umalis sa pwesto. Halos takbuhin ko na ang elevator makalayo lang sakanya.

Isang beses ko pa siyang nilingon bago ako tuluyan makapasok sa elevator, kita ko ang halo halong emosyon sa mga mata. Pero isa lang ang nangibabaw sa mga mata nya...

Galit.

"Dad? Dad!" Sigaw ko ng makarating ako sa floor kung nasaan ang office niya.

"Nag-iisang anak ni sir Conrad yan, sa ibang babae nga lang."

"Talaga? Pero in fairness, maganda"

"Totoo. Dating sekretarya ni sir ang nanay nyan, maganda din..."

Ilan lang yan sa mga naririnig ko sa mga tao na nadadaanan ko habang tinatahak ko ang papunta sa office ni dad. Sa totoo lang immune na'ko sa mga ganyang words, pero hindi yan ang pinunta ko dito.

Ng nasa labas na'ko ng office ni dad ay walang pagdadalawang isip na akong pumasok.

Gulat na napatingin sa'kin si dad, pero mukhang ako pa ata ang mas nagulat dahil nandito ang nanay ko.

"Ma? What are you doing here!"

"May pinag-usapan lang kami ng daddy mo. Hindi kita makita nung mga nagdaan na araw, akala ko na sa kanya ka." Si mama--

"Saan ka ba nagpupunta at hindi ka manlang nagsasabi?" Dagdag pa neto.

Hindi ko na napigilan ang luha ko at dali-dali na'kong lumapit sakanya para yumakap.

"M-ma... Ma si Lauren--" humihikbing sumbong ko habang nakasiksik ang mukha ko sa dibdib niya.

"She abducted me, ma. Kinukulong nya ako." Hagulgol ko sa nanay ko.

Wala akong narinig na reaksyon at tanging hikbi ko lang. Inangat ko ang mukha ko para makita ang mga reaksyon nila, na tanging iisa lang.

"What? What are you saying, Astrid? Sinong Laure--"

"Galvez. Lauren Galvez, dad. She abducted me. She forced me. She r*ped me, she--"

"Astrid, enough!"

Nahinto ako dahil sa malakas na sigaw ni dad. Tiningnan ko ito at mas lalo akong naiyak ng makitang mukhang hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko.

Binalingan ko si mama at pati siya ay mukhang hindi rin naniniwala sa'kin.

"Anak, ano ba 'yang pinagsasasabi mo? Hindi basta-bastang tao si Lauren Galvez, paanong-- anak! Mag sabi ka ng totoo kay mama, ano ba talaga ang nangyari --"

"Totoo ang sinasabi ko, ma! Dad! Totoo. Totoong kinulong nya ako sa condo nya, pinilit niya ako sa mga ayaw ko. Kinidnapped nya ako!"

"Astrid!" Sabay at malakas na sigaw ni mama at daddy.

The Abduction of Astrid ZobélWhere stories live. Discover now