Chapter 15

5.5K 191 32
                                    

Astrid's POV:

Nandito pa rin ako sa loob ng sasakyan ni Lauren, tahimik na nakaupo sa shotgun seat. Tinotoo naman nya ang sinabi na iuuwi na ako.

Ngayon nga ay nandito na kami sa parking kung saan kami nakatira ni mama.

"Mahal? I'll see you tomorrow?" Malambing na tanong niya habang hinahaplos ang buhok ko.

Mabilis akong tumango ang tingin ko ay nasa harapan lang ng building.

"O-okay."

Maingat niyang hinawakan ang panga ko bago dahan-dahan na hinarap sakanya, napapikit na lang ako ng maramdaman ko ang labi niya sa labi ko.

Hindi ako tumugon sa halik niya ngunit biglang pumasok sa isip ko na baka kapag hindi ko ginawa ay bigla nalang niyang paharurutin ang sasakyan pabalik sa condo.

Tumugon na ako at mas lalo pang pinalalim ang halikan. Hinawakan ko na ang magkabilang pisngi niya, ramdam ko na nagulat si Lauren pero kaagad rin naman niyang sinabayan ang galaw ko.

Mariin akong nakapikit habang patuloy parin sa paghalik. Hindi ko na alam ang ginagawa ko dahil ang tanging iniisip ko nalang ay ang galingan sa ginagawa para hindi niya maisipan na ibalik ako sa condo.

Naramdaman ko na mahina nyang tinutulak ang magkabilang balikat ko. Napamulat ako at dahan-dahan lumayo sakanya, bumalik sa ayos na pagkakaupo.

"W-wow, I missed that." Nakangiting sabi nito habang patuloy parin sa paghaplos sa pisngi ko.

Tumango nalang ako, hindi ko alam kung paano ako magsasabi na gusto ko na pumasok sa loob ng penthouse. Ayokong may maisip siya na kung ano, na dahilan para makapag pabago sa desisyon niyang ibalik ako.

Makapasok lang talaga ako sa loob nang building, hindi na ako magsasayang ng oras na pumunta kay daddy at magsumbong. Bahala na kung ano ang mangyayari, basta ang gusto ko hindi na siya muling makakalapit sa'kin. Kahit kailan.

"C-can i g-go now? Gusto ko na makita si m-ma... Si mama." Kinakabahan at nanginginig ang kamay na tanong ko sakanya.

Mukhang napansin niya 'yon kaya madali kong inayos ang sarili ko. Bahagya akong napapitlag nang itinaas niya ang kamay, napapikit ako dahil sa takot na baka sampalin niya ako.

Ilang segundo pa at wala naman tumama sa mukha ko. Dahan-dahan akong nagmulat, kaagad nagtama ang mga mata namin, seryoso ang ekspresyon niya ngunit kita ko sa mga mata nito ang lungkot at... pagsisisi?

Napatingin ako sa kamay na itinaas niya, may kinuha ito sa likod ko...

Bouquet of roses.

Napaiwas ako ng tingin bago napayuko.

"H-here... For you."

Kaagad kong kinuha ang binigay niya ba bulaklak. Mahina akong nagpasalamat habang hindi parin ibinabalik ang tingin sakanya.

"you can go out now..." Sabi nito sa seryosong tono.

Kaagad kong binuksan ang pinto at dali-daling lumabas. Isasara ko palang sana 'yon ng magsalita ulit si Lauren--

"siguraduhin mo lang na tutupad ka sa usapan, Astrid..." Sabi nito habang ang tingin ay nasa harapan.

Kaagad nag flashback sa isip ko ang pinag-usapan namin sa loob ng condo unit niya...

"Palalayain at Ibabalik lang kita sa isang kondesyon..."

Nakaupo ako sa ibabaw ng kama habang nakasandal ang aking likod sa headboard.

Seryoso akong nakatingin kay Lauren, gusto kong alamin kung ano ang binabalak niya. Bakit biglang ibabalik niya ako sa'min?

"What is it?" Kahit kinakabahan sa sasabihin niya ay gusto ko parin itong alamin...

The Abduction of Astrid ZobélWhere stories live. Discover now