Chapter 11

5.1K 184 63
                                    

Astrid's POV: ⚠️

"Is there anything else you want pa ba, Astrid?" Elton asked.

Ngumiti ako at umiling bilang sagot.

"Wala na. Thanks." Tumango naman ito bago ipinagpatuloy ang pagkain.

It's been two weeks since I started avoiding her. I don't know pero ayoko ng magkaroon ng communication sakanya. Natatakot ako or should I say Natakot ako.

Nag-angat ako ng tingin sa kasama ko, Simula ng magkita ulit kami sa club na pagmamay-ari niya ay palagi na nya akong kinukulit.

Elton is my ex-fling. Best friend with benefits, pero hindi kami lumagpas sa point na nagseseggs. Make out make out lang. One call away ko siya at ganuon din naman ako sakanya.

Naputol lang ang ginagawa namin ng pumunta siya sa ibang bansa para mag-aral.

Tahimik lang kaming kumakain ni Elton ng biglang tumunog ang phone ko.

Kaagad ko yon inilabas sa dala ko na sling bag dahil kanina pa ito walang tigil sa kaka-ring.

Kunot-noo akong napatingin sa screen at kaagad naman napa simangot dahil sa nakita.

Pinatayan ko nalang ito ng tawag. Ibabalik ko na sana yong phone ko ng may mag message naman dito. Napairap pa ako dahil kanina lang ay tumatawag siya at ngayon naman ay ginugulo na ako sa text.

Lauren Galvez:

Answer my calls!

Huh! Seriously! Binabaan mo talaga ako?

Answer it, Astrid!

One...

Abat-- napairap ako at hindi ko parin sinagot ang text message niya at pinili nalang na ioff ang phone ko para hindi na niya ako magulo pa.

Isang linggo nanaman ang lumipas at ganuon parin ang set up. Tatawagan niya ako araw-araw at papatayan ko lang siya nang tawag.

Ilang beses ko na siya binablock pero palaging may unknown number parin ang nakakatawag sa number ko.

Paniguradong papalit palit 'yon nang sim card.

Hindi ko naman magawang magpalit nang phone number dahil marami akong kaibigan at maraming contacts ang naka save sa sim ko.

Kaya bahala siya, maubos ang pera niya kakapalit ng sim.

Nasa living room ako nang penthouse dahil kakatapos ko lang linisan yung mga bags na ibebenta ko online. Naisipan kong ibenta nalang itong mga bags na hindi ko na ginagamit at nagkalat lang sa room ko.

It's either gift ito sa'kin or bili ni Dad. Lahat ito ay puro original at mamahalin kaya naisipan kong ibenta online, dagdag pera rin to sa account ko dahil nagagalit na si Mama sa'kin kakahingi nang pera.

Nahihiya din ako kay daddy dahil siya ang nagbabayad sa mga credit cards ko at lalo na ang tuition fee ko na milyon.

Akala mo naman ginto ang upuan at galing Antarctica yung hangin na lumalabas sa Aircon. Sobrang mahal ng tuition!

Pagkatapos linisan ay inilagay ko na ito sa magandang spot para pictureran at ipost sa IG ko. Paniguradong maraming magkakagusto sa mga ito dahil magaganda at mukhang mga bago pa.

Like hello! Isa o dalawang beses ko lang yan nagamit.

Plus, ako mag de-deliver. Kaya paniguradong kahit lalake ay bibili makita lang ako.

"Nice one baby. Ang ganda mo talaga Astrid." Pagkausap ko sa sarili ko habang tuwang tuwa sa mga picture na pinopost ko.

Pagkatapos ma-post ang binebentang gamit, kaagad akong pumunta sa kitchen para magluto. Nasasawa na ako sa restaurant food dahil wala nga si mama dito at nasa Davao, kaya naman ako nanaman mag-isa dito sa bahay.

The Abduction of Astrid ZobélWhere stories live. Discover now