Chapter 18

4.4K 177 62
                                    

Astrid's POV:

Mag-iisang linggo na niya akong hindi kinakausap. Simula nung gabi 'yon, hindi na niya ako kinakausap o tinitingnan manlang.

Ganito parin ang lagay ko. Nasa loob lang ako at hindi parin pweding lumabas. Dadalhan niya lang ako nang makakain at titingnan lang kung ayos ba ang lagay ko bago aalis nanaman.

Uuwi lang siya sa gabi para matulog at maaga rin aalis. Minsan pa nga ay hindi ko siya naaabutan kung nakauwi na ba siya or kung umuwi ba siya. She's giving me silent treatment.

Dapat masaya ako dahil hindi na niya ako kinukulit, hindi na niya ako kinakausap. Pero sinungaling ako kung sasabihin ko na hindi ko namimiss ang pangungulit niya, na hindi ko namimiss ang mga dati naming ginagawa.

Bakit ba kase kinailangan umabot kami sa ganito, dahil ba nag inarte ako sa pagiging sadista niya?

Pero natakot lang naman ako. Natakot ako sa mga pwede niyang gawin sa'kin, ang daming mga pangyayari na pumapasok sa isip ko na baka gawin niya 'yon sa akin.

Dahil hindi ganon ang pagkakakilala ko sakanya. Ibang iba siya sa Lauren Galvez na nakakasama ko kaya natakot ako ng ipakita niya sa'kin na may ganoon siyang side. Sadista, A sadist.

Gulat akong napatingin sa babaeng pumasok sa loob ng kwarto kung nasaan ako. Tulad nung mga nakaraan na araw, never siyang tumingin sa'kin. Nasa cellphone lang ang tingin niya at may kung anong ginagawa.

Sandali niyang binitawan ang cellphone niya para hubarin ang coat na suot. Pag katapos ay dumiretso ito sa closet habang hindi parin natingin sa'kin.

Ilang minuto lang ang tinagal niya at kaagad naman lumabas na may dalang bathrobe at pamalit pantulog. Kaagad itong pumasok sa loob ng banyo at ilang segundo lamang ay rinig kona ang tubig mula sa shower.

Napabuntong hininga nalamang ako bago pabagsak na humiga sa malambot na kama kung saan kami natutulog.

Hindi ko alam ang gagawin. Dapat nagagalit ako sakanya dahil, dapat wala akong pakealam sa pa silent treatment niya sa'kin. Pero bakit ganito? Sobra akong na aapektohan!

Nakakainis naman...

Mabilis akong napamulat ng mata dahil narinig kong bumukas ang pinto sa bathroom, lumabas dito ang fresh na fresh na si Lauren, nakapang tulog na ito at meron pang tuwalya na nakabalot sa ulo.

"I'll cook dinner for us. Lumabas kana lang kapag gusto mong kumain." Malamig na tono na sabi nito bago dali-daling lumabas nang kwarto.

Hindi manlang ako pinasagot!

Nagdadabog akong tumayo at sinuot ang robe na nasa gilid ko lang. Wala kase akong bra at sobrang nipis ng suot ko na pantulog, kita na ang dalawang mountains ko.

Bago tuluyan sumunod kay Galvez ay tiningnan ko muna ang sarili ko, walang pagbabago, ang ganda ko parin.

"Sit-down. Malapit na'to."

Kakapasok ko palang sa kitchen ng magsalita si Lauren, nakatalikod ito habang busy sa ginagawang pagluluto. Sumunod nalang ako at tahimik na umupo.

Pinapanood ko lang siyang magluto. Ilang minuto pa ang tinagal niya bago ito matapos at ngayon ay inilalagay na ang mga pagkain sa table.

"Tulungan na kita--" tatayo na sana ako para tumulong ng mag-angat ito ng seryosong tingin na kaagad kong ikinahinto--

"No. Just Sit-down."

Ngayon nalang nga siya tumingin sa'kin, nagtataray pa. Dapat ako yung nag aattitude dito ah!

Ako na nga kinulong, ako pa ina attitudedan! Aba--

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Abduction of Astrid ZobélWhere stories live. Discover now