Chapter 9

5.1K 192 22
                                    

Astrid's POV:

Kanina pa ako hilong-hilo. Ang bilis kasi maglakad nung humihila sa'kin, halos makanda dapa-dapa na'ko dahil sa pwersahan niya akong hinihila papunta sa kung saan.

"Mish, anuebaa... Be-behtaw" pinilit ko parin na magpumiglas.

Napapangiwi nalang ako sa tuwing hihilahin niya ako bigla. Like Hello! Ang sakit na kaya sa wrist.

Nagsisisigaw na ako habang hila niya parin ako at mahigpit na nakahawak ang kamay ni sa wrist ko.

"Shut up." Sigaw niya, na siyang ikinagulat ko.

Nakaramdam ako ng takot dahil sa pagsigaw niya sa'kin. Umakto nalang ako na zinipper ang bibig ko.

Tumigil naman ito sa paghila sa'kin, dahilan para bumangga nanaman ako sa malambot niyang dibdib.

"What the heck are you doing?" Kunot-noo nitong tanong.

Umiling-iling naman ako bago ngumiti ng malawak. Mabilis naman na nawala ang ngiti ko dahil sa bigla niya akong inirapan.

Hindi ko siya masyadong makita. Bukod sa wala akong suot na contact lenses, nahihilo narin ako dahil sa dami nang alak na ininom ko kanina lang.

"Let's go. Sa akin ka uuwi." Hito nanaman siya sa paghila-hila niya sa palapulsuhan ko.

Kaagad akong nag pabigat ng tangkang ipapasok na sana niya ako sa front seat.

"Don't be so stubborn, Astrid. Naiinis na ako!" Mahinahon pero may halong inis na ang boses niya.

Mas lalo akong napangisi sa isip. Gusto ko lang asarin si miss-stranger. Mukhang hot e.

"No. Thish ish kidnapping yah know!"

Umiling-iling pa ako habang nakahalukipkip sa harapan niya.

Narinig ko naman ang malalim na pagbuntong hininga nito. Muli, binuksan niya ang front seat at pilit nanaman akong pinapapasok.

Kaagad naman akong napaisip sa pinagsasasabi ko kanina. Kidnapping? But... But i'm a teenager now. So it means, dapat  teen-napping?

"Ohhhmygashh"exaggerated na sigaw ko. Napatakip pa ako sa bibig ko, habang tinuturo siya.

Kaagad naman napatingin sa'kin si miss-stranger--

"What now?"

"This ish not a ki-kidnapping... thish is a teen-napping. Becauz- because, teen na ako and not a kidje anymore. Owemjie ahhhhh" tama naman ah.

Nagsisisigaw ako ng "teen-napping"
Narinig ko pa ang mahinang pagmumura niya sa gilid ko.

"Gosh. What is happening to you? Shut up." Pwersahan ako nitong pinasok sa loob ng front seat. binubuksan ko yung pinto para lumabas, pero kaagad naman niyang sinasara.

Narinig ko ang pag click ng lock sa loob. Natawa nalang ako ng makita yung babae na dumaan sa harapan ng kotse papunta sa driver seat.

"Teen-napping, teen-napping, teen-" I was cut off, when she glared at me seriously.

Tinabunan ko nalang ang bibig ko gamit ang palad ko, pinipigilan na matawa. Ngayon na magkalapit na kami, I found out kung sino ang babaeng kanina ko pa iniinis.

It's Lauren Galvez. The one and only. Kaya naman pala familiar ang amoy at yung ano niyang malambot.

"I didn't know na ganito ka pala kapag nalalasing." Nakangising sabi nito.

Pero kaagad nawala ang ngisi niya at napalitan nang seryoso at nakakatakot na tingin. Nagtagal pa ang tingin nito sa'kin. Nakita ko na bumaba ang tingin niya sa labi ko dahilan para mas lalong mandilim ang tingin niya sa akin.

The Abduction of Astrid ZobélWhere stories live. Discover now