chapter 13

5K 179 19
                                    

Astrid's POV:

Tahimik ako na nakaupo sa ibaba nang kama habang ang dalawang tuhod ko ay yakap-yakap ko.
Nakatanaw lang sa labas nang glass wall dito sa condo nya.

Mula sa kinaroroonan ko ay tanaw na tanaw ang malawak na lungsod ng maynila. Ang mga naglalakihang building, at ang maraming sasakyan.

Tanghali pa lang pero pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Masakit parin ang katawan ko dahil sa nangyari kagabi.

Nagising ako na walang damit pang itaas, tanging silk pajama short lang ang suot ko. Hanggang ngayon ay wala parin akong damit, hindi niya ako binigyan dahil maaalis daw ang ointment na nilagay niya sa mga sugat ko sa likod.

comforter lang ang pinangtatabon ko sa itaas habang nakaupo ako sa sahig Tulala na pinapanuod ang mga sasakyan sa ibaba.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto dito sa kwarto. Hindi ako lumingon at walang pakealaman na napabuntong hininga.

"Astrid, here's your lunch. Kumain ka na muna..." Hindi ako sumagot o gumalaw.

May malaking salamin na nakaharap sa gilid ko. Kitang kita dito si Lauren na may dala-dalang pagkain na sa tingin ko ay siya ang nagluto. Kami lang naman dalawa ang nandito kaya sino pa ba ang gagawa nun!

Simpleng white t-shirt and short shorts lang ang suot niya. habang ako ay comforter lang ang nakatabon sa katawan.

When she got no answer from me, ibinaba niya ang mga dala na pagkain sa table at dahan-dahan naglakad palapit sa'kin.

Umiwas ako ng tingin sa salamin at ibinalik ang atensyon ko sa mga sasakyan sa ibaba.

Naramdaman ko ang pag upo nya sa gilid nang kama. Nasa gilid ko lang siya dahil nakaupo ako sa carpet floor.

"you didn't eat the breakfast I cooked..."

Katulad kanina, hindi ulit ako nagsalita at hinayaan ko lang siya. Wala akong gana at hindi rin ako nakakaramdam nang gutom.

Rinig ko ang pagbuntong hininga nito bago tumayo at lumipat nang upo sa likod ko. Nasa magkabilang gilid ko na ang dalawang binti niya.

Napakislot ang balikat ko ng hawakan niya ako sa magkabilang balikat, hindi dahil sa gulat kundi dahil sa sakit. May natamaan siyang sugat na sariwa pa.

Naramdaman niya siguro kaya mabilis niyang inalis ang hawak.
Akala ko ay aalis na siya sa likod ko dahil matagal siyang natigilan. Napapikit nalang ako ng mariin dahil sa biglang paglapat niya nang labi sa pisngi ko. Smack lang 'yon at kaagad naman nyang inalis bago isiniksik ang mukha sa pagitan nang leeg at shoulder ko.

"Please eat now, Astrid. Magugutom ka." Tahimik lang ako na nakatanaw sa mga building, hindi sumagot o gumalaw.

Isang malalim na buntong hininga at umalis na siya sa likod ko. Nakita ko sa salamin na kinuha nya ang mga pagkain, ilan sandali lang ay nasa harapan ko na siya. Hindi ako tumingin sakanya ng lumuhod siya sa harapan ko at nilagay ang mga pagkain sa harapan ko.

Kinuha niya 'yong bed table for food at duon inilagay ang mga pagkain. Bumaba ang tingin ko sa mga pagkain na nasa harapan ko, iba na 'yon kanina. Merong rice and veggies, Dessert, water and juice.

"I cooked it all for you." Halata ang saya sa boses niya ng sabihin niya 'yon.

Kung sa ibang pagkakataon lang siguro at kung hindi nya ginawa ang pananakit sa'kin kagabi ay baka kinikilig na ako ngayon. Pero hindi.

Kinuha niya ang spoon and fork, akala ko ay iaabot nya ito sa'kin. Siya na mismo ang kumuha nang pagkain at balak na isubo sa'kin 'yon.

Umiwas ako ng akmang itatapat na nya sa'kin ang spoon na may laman na kanin at gulay.

"Ayokong kumain." Seryosong sabi ko sakanya.

Hindi niya parin ibinababa ang hawak niyang kutsara, nasa tapat ko parin 'yon pero malayo sa bibig ko.

"Please, Kahit konti lang..." Napapikit ako ng mariin dahil sobrang kulit nya.
Naiirita na'ko.

"Ayoko ngang kumain." Inis na sagot ko sakanya.

Umiling-iling ito bago itinaas ulit ang kutsara na hawak-hawak niya.

"you didn't eat last night. you didn't even eat the breakfast I cooked earlier... Kaya please, kainin mo na'to."

Umamba ulit syang ilalapit ang kutsara sa bibig ko, tinabig ko ito pero dahil sa galit at inis ko sakanya ay napalakas ang pagkakatabig ko sa kamay niya.

Nabitawan ni Lauren ang kutsara kaya naman nagkalat sa carpet ang laman nito.

"Sinabi ng ayaw ko ngang kumain eh. Bakit ba ang kulit mo!"

Hindi pa ako nakuntento at sinipa ko yung table na may laman na pagkain.
Nagkalat ang lahat nang laman at nabasag ang dalawang baso na may laman na tubig at Juice.

Mula sa mga pagkain na nagkalat sa harapan ko, napaangat ang tingin ko kay Lauren na mariin ng nakatingin sa'kin. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang mariin ng nakasara.

Nakaluhod parin siya sa harapan ko, tiningnan niya ang mga pagkain na nagkalat.

Bumalik ang kaba ko dahil sa tingin nya. Mas lalo akong nagtago sa gilid at mas niyakap ang comforter na nakatabon sa harapan ko sa takot na baka saktan niya ulit ako.

Ng makita niya ang ginawa ko, kaagad itong umiwas ng tingin. Mariin muna itong pumikit bago nag buntong hininga.

Sandali lang ay tumayo na ito at lumapit sa mga pagkain na nagkalat. Tiningnan ko ito na ngayon ay nililinis na ang mga nagkalat na pagkain. Isa isa niyang pinupulot ang mga nabasag at nilalagay ito sa tray na hawak niya.

Ng matapos ito sa paglilinis, tumayo na ito sa harapan ko. Walang paalam na naglakad na ito palabas ng kwarto.
Nagsalita pa siya bago tuluyang lumabas --

"Dadalhan nalang ulit kita nang bago."

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at pagsara nito. nakahinga ako ng maluwag at napahilamos nalang nang mukha.

Akala ko ay sasaktan niya ulit ako dahil sa ginawa ko. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko kaya ko 'yon nagawa. Galit ako sakanya dahil sa ginawa niya sa'kin at mas lalo lang akong nagagalit dahil kinukulong niya ako.

Speaking of kinukulong! Paano nga ba ako makakaalis dito?

Tapos naman na siya sa'kin diba? Hindi ba dapat ay pakawalan na niya ako.

Kakausapin ko siya mamaya kapag balik niya. Hindi naman ako basta basta makakalabas dahil nasa labas siya at nandito ako sa kwarto nang condo.

Ano ba itong pinasok ko! Ang samang karma naman nito...

-----------------------------------------------------------
A/N: baka dito muna ako mga bading. Nakakalito pala kapag sabay sabay. Kaya kayo isa isa lang HAHAHAHAHA

UNEDITED

The Abduction of Astrid ZobélTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon