Chapter 17

4.7K 171 36
                                    

Astrid's POV:

"All I want is to live a normal life Lauren, ayoko ng ganito" I'm crying so hard in front of her.

May dalawang araw na akong nakakulong dito sa loob ng bahay niya. No, hindi lang pala basta bahay, kundi Mansion.

Nagising nalang ako na nandito na'ko. Simula ng nagising ako ay hindi ko pa nakikita ang labas, halos hindi narin kasi lumalabas si Lauren sa kwarto kung nasaan ako dahil kulang nalang ay hindi siya matulog mabantayan lang ako.

Ni hindi ko alam kung nasaang sulok kami ng Pilipinas. Wala akong alam, hindi ko alam.

"then let's live a normal life together... hmm?, just the two of us. in our own world" she said.

Napailing-iling ako at pilit inaalis ang mga braso niyang nakayakap sa katawan ko.

Ayoko ng ganito. Nasasakal ako sa pagmamahal na sinasabi niya.

Nakakasakal siya.

"Anong "normal" ang pinagsasasabi mo!? Ito ba ang normal sayo? Ang pilitin ang isang tao na mahalin ka..."

Tiningnan ko siya sa mata. Ganun rin naman ang ginawa niya.

"Hindi kita mahal..." Mahinang sabi ko na alam kong narinig niya.

Ramdam ko ang onti-onti niyang pagkalas sa yakap. Hindi lang yun dahil naramdaman ko rin ang pag baba ng kamay niya sa bewang ko at ang onti-onting pag higpit ng kapit nito dito.

Napangiwi ako dahil nakaramdam ako ng sakit. May mga sugat pa ako doon kaya naman masyado pa itong sensitive dahil sariwa pa.

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ko at malakas ko siyang naitulak, dahilan ng pagkakalas ng hawak niya sa bewang ko.

"H-hindi kita mahal... Hindi kita kayang m-mahalin."

Kita ko ang sakit sa mga mata niya ng sabihin ko 'yon.

I mean it. Hindi ko talaga siya kayang mahalin. Hindi ko kayang magmahal ng isang tulad niyang sadista. Wala ito sa Plano! dapat lust lang ang meron sa'min. Purong libog lang.

Kung alam ko lang na ganito siya, sana noon palang, hindi na sana ako lumapit pa.

"Don't say that again. I'll pretend nalang na hindi ko narinig. Okay?" Ngumiti pa ito pero kita ko parin ang sakit sa mga mata niya.

"Come, kakain na tayo sa baba."

Lalapit pa lang sana siya sa'kin ng kaagad akong humakbang paatras

umiling-iling ito sa ginawa ko.

Ang kaninang maamo niyang mukha at may bahid ng sakit ay napalitan ng pagka-irita.

"tsk tsk tsk. please, Astrid. Don't make me mad. Alam mo kung paano ako magalit..."

Wala na akong nagawa ng sapilitan niya akong hinila palabas ng kwarto. Napadaing pa'ko sa sakit dahil sa sobrang higpit ng kapit nito sa palapulsuhan ko.

Habang pababa kami sa mataas na hagdan ay kita ko ang mga nagkalat na guards. May babae at lalake.
Na kahit sa hagdan ay meron, kayat hindi na'ko magtataka kung pati sa labas ay meron.

Inilibot ko ang paningin, sobrang dami rin na CCTV. Mas lalo akong nanghina.

Wala na yata talaga akong takas sa baliw na'to.

"Don't even try, Astrid. Hindi ka makakalabas sa bahay na'to unless kasal ka na sa'kin." Rinig kong sabi niya.

Hindi ako halos makapag lakad ng maayos dahil sa kaisipan na wala na nga talaga akong takas sakanya.

The Abduction of Astrid ZobélWhere stories live. Discover now