Chapter 47

1.7K 43 21
                                    

WARNING: RATED SPG

Chapter 47

Sweet

"Georgia!"

"Miss!"

Nanatili ang pagtitig ko kay Zeid kahit na alam kong nasa likod na ang mga guards at si Nana. Huminga ako ng malalim, muling pinipigilan ang mga nagbabadyang luha.

"A-Anong nangyayari?" Nana asked again.

Zeid stared at me blankly. Walang emosyon ang mata niya ngunit halata rito ang pagod. Lumingon siya kay Nana.

"Iwan niyo po muna kami, Nana." aniya. "I need to talk to her. It's just a misunderstanding.."

"Misunderstanding? Anak, Georgia! Ibaba mo na ang - "

"Leave, Nana." tanging nasabi ko at inayos ang pagkakatutok sa baril.

Zeid nodded and smiled at Nana. Para bang sinisiguro niya na ayos lang.. kahit na.. nasa bingit na siya ng kamatayan ngayon.

Hindi gumalaw ang mga tauhan nang sinabi ni Zeid na iwan din nila kami. I sighed. It is my order that keeps them waiting.

"Sige na. Iwan niyo kami." saad ko.

"Ma'am, sigurado po kayo?"

"Do I need to repeat it again?" inis kong tanong pabalik. Hindi na sila muling umangal pa at narinig ko na lamang ang pagsarado ng pintuan.

Napalunok ako. Binaba ko ang baril at umiwas sa kanya.

"Talk." I said and sat on my bed.

Sinundan ng tingin ni Zeid ang baril na nasa tabi ko ngayon. Umiling siya at lumapit sa akin. Halos mapamura ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Give me your gun." he demanded.

Nagtaas ako ng kilay. "Why would I?" muli kong hinigpitan ang hawak sa baril.

Suminghap siya at nag squat, sapat na upang magpantay ang tingin naming dalawa. "I can't watch you turning into a real criminal, Georgia."

Tumawa ako. "And you being a certified liar is okay?" I mocked.

Kumunot ang noo niya. "Sige. Pag-usapan natin ang ikinagagalit mo.." tumayo siya at mabilis na hinablot sa akin ang baril.

"Zeid!" iritado kong tawag.

"We can talk without having this thing," aniya at tinawag ang isa sa guwardiya ko. Nanlilisik ang mga mata ko habang sinusundan iyon ng tingin. Ibinigay niya ang baril na kinuha ko kanina.

Nawala rin agad ang guard matapos iabot ni Zeid ang baril. He then turned to me now.

"I don't have any connection with your Aunt." pagsamo niya. "I saw her.. kanina. Pagpasok ko sa kwarto mo, nandito siya. Kaya pinalabas ko. After what I heard kay Nana, hindi ko siya kayang palapitin sa'yo. Lalo na't ikaw lang mag-isa dito kanina..."

Unti-unting nawawala ang pagkunot ng noo ko. Pinagmasdan ko lang si Zeid habang nagkukwento.

"Hinatak ko siya sa emergency exit para mas makausap ko ng maayos at hindi na lumikha ng ingay - "

"You, liar! Ano ngayon kung maglikha ng ingay? You're just protecting her! Kasi ano? ano? Siya yung nagsusuporta sa kaibigan mo!"

"Please, Georgia! When I did all those things, ikaw ang nasa isip ko! Hindi sumagi sa isip ko si Lyra! It's you that I'm worried about!" his voice thundered.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 08, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now