Chapter 1

1.5K 34 0
                                    


Chapter 1

Invite

Naunang umalis si Zeid sa akin sa Garden nang narinig niya ang boses ni Andrei na naghahanap. I stayed for a while there hanggang sa napagpasyahang bumalik na sa bulwagan.

Nakita kong nakaabang si Nana pati ang dalawang body guards pagkalabas ko ng mansyon. Nang matanaw ako ni Nana, mabilis itong dumalo sa akin gamit ang nag-aalalang mga mata.

"Georgia! Saan ka ba galing, bata ka!" sermon ni Nana.

Ngumiti ako kay Nana. "Sa Garden lang po, Nana. Pasensya na." Sambit ko dito. Tiningnan ko din ang dalawang body guards na tingin ko ay ginambala ni Nana dahil sa pag-aalala. Nanghingi din ako ng paumanhin doon.

"Nag-aalala ang ama mo dahil bigla kang nawala! Hindi makaalis sa stage ang papá mo dahil kailangan siya doon! Huwag mo ng uulitin iyon, ha?" Dagdag pa ni Nana habang pabalik kami doon sa bulwagan.

Tumango ako. Nakasunod sa akin ang dalawang body guards. Tiningnan ko si Nana. Magkalapit naman kaming dalawa ngunit may espasyo pa din sa pagitan namin.

"Nana, is it okay to tell my name whenever someone-" naputol ang tanong ko ng huminto kami sa paglalakad at mabilis akong hinarap ni Nana.

"Sinong nagtanong ng pangalan mo? Binigay mo ba? Anong itsura?" Sunod sunod niyang tanong.

Ngumuso ako. "Uh, isang lalaki po, Nana. Kabilang siya sa mga athlete doon." Sabay turo ko sa puwesto ni Andrei.

Huminga ng maluwag si Nana. Tiningnan niya ako gamit ang mapanuksong mga mata. "Naku, crush mo na?"

Ngumiwi ako. "Hindi, Nana. Gusto ko lang magkaroon ng kaibigan. I'm glad that I talked to someone from the outside, Nana." Masaya kong kuwento sakanya.

She smiled. Hinaplos niya ang buhok ko. Bahagyang namumula ang kanyang ilong. "Mabuti naman, kung ganoon. Basta, Georgia, huwag agad magtitiwala sa ibang tao." Paalala niya.

Iyon palagi ang paalala ni Nana sa akin. Aniya, kapag nakalabas raw ako at may nakahalubilong mga tao, huwag na huwag akong magtitiwala agad. Iyon ang rason ng pagkamatay ni Mamá. I don't know the whole story, but Nana said, minsan nang nagtiwala ang parents ko sa ibang tao ngunit pinagtaksilan sila. Hindi ko alam kung iyon bang taong pinagkatiwalaan nila mamá ang pumaslang sakanya noon.

Bumalik ako sa puwesto ko mag-isa. Kinumbinsi ko si Nana na huwag muna akong tabihan dahil ayaw kong isipin ng mga tao dito na hanggang ngayon ay may yaya pa ako.

Nagsimula na pala kanina pa ang gawad parangal para sa mga athletes. Pagkaupo ko kasi doon, saktong kakababa pa lang ni Andrei sa stage. Kumaway siya sa akin nang makita ako.

"Hi! Nandyan ka na pala. Saan ka galing?" Maingay niyang tanong.

Ngumiti ako. Ang sarap pala sa pakiramdam na may nakakausap ka bukod sa mga taong nakasanayan mong kausap. New environment kumbaga.

"Nagpahangin lang saglit. Ang ganda naman ng medal mo." Puna ko sa nakasuot sakanyang leeg.

Ngumisi siya sa akin at mayabang na kinuha iyon at pinakita pa lalo. "Syempre, si Gov yata nagsponsor." Aniya.

Kinagat ko ang labi ko. Mukhang gustong gusto nila ang pamamalakad ni papá. Sabagay, mabait naman talaga ang ama ko. Maalagain. No wonder why did he won last year.

"Sa tingin mo, magaling ba mamalakad si Gov?" Sinakyan ko ang sinabi niya.

Napatingin siya sa stage at humiyaw. Nagtaka ako kaya napatingin na din ako. It's Zeid. Tumawa si Andrei sa tabi ko at kinantyawan ang kaibigan.

The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now