Chapter 35

758 32 0
                                    


Chapter 35

Jealous

Iritadong iritado ako habang naglalakad palayo sa sofa kung nasaan kami kanina. Magkasalubong ang kilay. What the hell was that? Talagang sinabi niya pa iyon? Mabuti na lang at hindi narinig nila Elise iyon! Or worse, narinig nila pero hindi na pinansin pa.

Maraming napapatingin sa akin at bumabati, iyong iba naman ay aambang babati ngunit siguro nang makita ang ekspresyon ng mukha ko ay hindi na itinuloy. I sighed. Tinanguan ako ng iba doon at nangingiti.

Isang lagok sa isang basong vodka ay nakihalubilo na ako sa mga tao. Nakipagsayaw na ako. Bumuga ang hose ng mas marami pang bula. Naghiyawan kaming lahat at natawa ako dahil sa kiliting naramdaman dulot ng mga bula sa aking balat.

Naririnig ko ang pamilyar na kumpas ng kanta at tumigil ako sa pagsasayaw. Tinaas ko ang kamay ko tulad ng ginawa ng iba room at nakisabay sa liriko ng bagong kanta na ipinalit.

"I love it when you call me señorita!" Sigaw ko.

Napapapikit ako habang naghe-head bang sa kanta. Remix kasi iyon kaya bumagay sa pang night club. Sa kalagitnaan ng pagsasayaw ko ay may natapakan ako sa likuran ko nang umatras ako. Kahit na maingay, narinig ko ang pagsigaw nito.

Napadilat ako doon. Tumalikod ako at nakita ang isang babaeng dinudungaw na ang kanyang paa. Uh-oh..

"God! Mag-ingat ka naman!" A familiar girly voice said.

Hindi ko alam kung bakit imbes na magsorry ako ay napangiti pa ako. Tumalon ang tuwa sa aking puso habang pinagmamasdan ang isang kaibigang dinudungaw ang paa niya at iritado.

Athea. Hindi pa rin siya nagbabago. Bitchy pa din pero pag nakilala ko ng lubusan, mapapamahal ka. Nag angat siya ng tingin sa akin. The moment she looked at my eyes, unti-unting nawala ang pagtaas ng kilay.

I smirked. "Sorry, sis. 'Di ko nakita. Nakaharang kasi yung paa mo." I playfully said and winked at her.

Nalaglag ang panga niya bago niya ako itinuro. "G-Georgia? What the fuck? You are here!" Bulaslas niya at agad akong hinila papalayo sa dance floor.

Tumawa ako at nagpatianod. I can't believe that I will see her here. Small world nga talaga. Nang medyo nakalayo na kami at hindi na gaanong rnnbymaingay, humarap siya sa akin at naluluhang ngumiti.

"Bakit ka umalis? We were so worried about you! Even our Professors didn't know the reason! Oh my Gosh! My make up!" Reklamo niya at tumingala.

She's a great friend. Kahit na hindi maganda ang simula ng pagkakaibigan namin ay naiintindihan ko yon noon. Ang makitang naluluha siya ngayon habang tinatanong ako ay nagpapakirot sa aking puso.

I missed her. "I miss you..." I only said, bahagyang nababasag ang boses.

Tumango siya sa akin at mabilis akong hinigit para yumakap. "I miss you too. Sobra.. Noong nawala ka at hindi na nagpapakita.. I.. I was wrecked.. It feels like I lost my sister.. again.." humikbi siya.

Napangiti ako. Hinahagod ko ang likod niya habang umiiyak siya sa leeg ko. Hinayaan ko lang siyang ganoon hanggang sa kumalma. I didn't see her last night at my dad's birthday so I assume she's not invited or she had to do some other things.

Nang kumalma siya ay nagkuwentuhan kami saglit. Panay ang kuwento niya sa akin kung anong mga nangyari noon sa St. Claire. Nalaman ko din na kasal na sila ni Aries.


"Actually, kakauwi lang namin ngayon! Kaya nag-aya agad ng bar si Aries so eto! Nandito kami!"

"So.. Martin's here too?"

The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now