Chapter 12

629 25 0
                                    


Chapter 12

Sinusundo

Naghuhugas ako ng kamay sa sink nang lumabas na si Janice sa cubicle. Ngumiti siya sa akin sa salamin at lumapit upang makapaghugas din.

"Let's go?" Anyaya ni Janice nang makitang tapos na ako at hinihintay na lang siya.

Tumango ako. "Tahimik mo ata." Puna niya at mabilis na inangkla ang kamay sa braso ko.

Tahimik? Dati pa naman ako tahimik.

"Janice.." I called her when we are about to exit. Huminto siya at mabilis na ngumisi. Ni-lock niya ang pintuan.

"I knew it! Sabi na nga ba may gusto kang itanong eh!" Aniya ng nakangisi. "So what is it? I promise! I won't tell!" Dagdag niya.

Nagbuntong hininga ako. Tama ba itong iniisip ko? Bahala na. Kanina pa ako nababagabag eh. "Uh.. tanong ko lang, diba, hindi pa naman nagsisimula ang klase?"

Kumunot ang noo niya at napangiwi. "Oo. Bakit? 'Yan lang itatanong mo?" saad niya na para bang dismayado siya sa aking itinanong.

Ano bang ine-expect niya?

"K-Kung ganoon, paano naging Campus King agad si Z-Zeid?" Kinagat ko ang labi ko. Shete talaga.

Muling bumalik ang ngisi sa labi ni Janice sa akin. Nanliit ang mga mata niya at bumungisngis. "Sabi na eh.." aniya. "Sabi na talaga!"

Napailing ako. "Huwag na nga. Tara na–"

"Hep! Eto na sasagutin ko na."

"Sure ka?"

She nodded. "Sa St. Claire kasi, every enrollment ginaganap ang paghahanap sa Campus King & Queen. Tapos, pati na rin ang School Ambassador, then makakasama nila ang mga Campus King at Queen sa lahat ng project."

Napatango ako. Kaya naman pala. Nagtaka lang ako kanina habang naghuhugas ng kamay. Iyon pala ay noong enrollment ginanap.

"Wala namang bago doon kay Zeid kasi siya lagi ang nananalo kahit minsan ay ayaw na niya. Ang bago lang ay si Reigne, bagong mukha kasi kahit sabi ng iilan ay dati na siyang nag-aaral dito, tapos nagkakilala na din kami noong enrollment. Sabi nila boyish daw si Reigne, I don't know pero hindi naman na ganoon ang asta niya. Kaya siguro nanalo din." Dagdag pa nito.

Enough of Reigne. Hindi naman ako galit sa kanya. Nanliliit lang talaga ako sa tuwing nababanggit siya at may nalalaman ako tungkol sa kanya.

"Ah, okay. Sige, tara na." Anyaya ko at ako na mismo ang nag unlock sa pinto.

Nakatayo na silang lahat sa labas ng Vikings pagkalabas namin ng comfort room. Tapos na naman kami kumain pero parehas kaming nagulat ni  Janice.

Bumubungisngis pa din si Janice nang makabalik kami. Hinayaan ko na lang dahil sanay naman sakanya sila Elise kaya parang wala lang pagkabalik namin.

"Hala nakalimutan ko yung sling bag ko," puna ko nang aalis na dapat kami. Nagtinginan lahat sila sa akin at agad akong nahiya.

"Tara balikan natin sa loob," anyaya ni Andrei.

Umiling ako. "N-No need, Ako na lang. nakakahiya." Angil ko at akmang papasok ulit sa loob nang naramdaman ko ang mainit na hawak sa palad ko.

Pakiramdam ko ay uminit ang pisngi ko. Napaubo si Andrei habang nag ngising aso si Cloud. Parang wala naman sa iba at may kanya kanyang usapan.

"Nasa akin yung sling bag mo," utas ni Zeid at bahagyang tumagilid para makita ko ang sling bag ko. Suot niya iyon sa kanang balikat.

Tumawa si Andrei. "Luh, pre! Di ko alam na bading–wala, tara na pala ulet." Mabilis na tumalikod si Andrei at inakay si Cloud.

The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now