Chapter 11

676 23 3
                                    


Chapter 11

King

"Are you sure that you can handle—"

Agad kong pinutol si Papá. "Yes, yes, papá! I can do this. Kukunin lang naman ang schedule, 'diba?"

"Yes but I can ask Miss Ramos for that, Georgia. You don't need to go there alone." Bakas ang pag-aalala sa boses ni papá.

Umiling ako. Tinutukoy niya ay si Miss Amethyst Jade Ramos. Siya iyong may ari ng University na papasukan ko. Nagulat nga ako na nakausap niya ito dahil balita ko kila Elise ay nasa ibang bansa ito.

"No need, papá. Isa pa, hindi ako mag-isang pupunta doon. I have my friends." pahayag ko.

Kinumbinsi ko pa si papá ng ilang beses bago niya napagtantong hindi na ako mapipigilan pa. Pinadala naman niya si Manong Loteng sa akin para ihatid ako sa University. Kahit na medyo malapit din iyon dito sa Condo ko.

Wala si Nana ngayon dahil nasa mansyon siya. Samantalang magkikita naman kami nila Elise sa harap mismo ng University. Excited na nga ako dahil unang pagkakataon ko 'tong makapunta sa isang paaralan na malaki.

"Tara na, manong." Sabi ko doon kay Manong Loteng.

Tumango ito at pinaandar na ang sasakyan. Nagulat ako ng nandoon din si Amando sa front seat. Ngumiti siya sa akin at bahagyang yumuko ng makita akong nakatingin sa kanya.

"Pinadala ka din?" kunot noo kong tanong.

Kinamot niya ang kalbo niyang ulo. "Opo, Miss." aniya.

Nailing na lang ako at hinayaan na iyon. Mabuti at alam ni Manong Loteng ang daan papunta sa University. Inabala ko na lang muna ang sarili ko sa pagtitext.

From: Zeid Ausborn

Halos kadarating ko lang din.

Ngumuso ako. Ang sabi ni Manong ay malapit lang iyong University namin kaya mabilis lang din kaming makakarating. Nahihiya na nga ako dahil nandoon na silang lahat at ako na lang ang hinihintay.

Malakas pa ang loob ko kanina dahil wala pa si Zeid doon, ngunit ngayon na nagtext siya sa akin na kadarating niya lang ay nahihiya na ako. Si Papá kasi, e!

To: Zeid Ausborn

Malapit na ako promise.

Nanginig ang kamay ko ng tumunog ang cellphone ko para sa isang video call sa group chat. Kinagat ko ang labi ko. Mukhang naiinip na sila sa akin.

Sumali ako doon. Bumungad sa akin ang mga mukha nila. Halakhak ni Janice ang una kong narinig.

"Walangya, para kaming tanga! Nagbi-video call kahit na magkakatabi!" Ani Janice.

Uminit ang pisngi ko. "Sorry, malapit na kami. Promise." Sambit ko.

Walang camera si Zeid ngunit kasali siya sa video call. Nagsalita si Andrei habang nagpapacute lang si Elise at nag i-screenshot ng call.

"Boss Georgia asan ka na!" Nakangising singit ni Andrei.

Tumingin ako kay Manong Loteng. "Manong malapit na po ba tayo?" Hindi ko na napigilang magtanong.

Niliko niya ang daan at agad bumungad sa paningin ko ang malaking pangalan ng St. Claire Xavier doon. Pinatay ko ang tawag at agad nag-ayos. Malapit na nga.

"Nandito na tayo, Miss." anunsyo ni Manong Loteng.

Tumango ako. Naunang bumaba si Amando at pinagbuksan ako ng pintuan. Agad kong nakita sila Zeid doon. Elise immediately waved her hands when she saw me.

The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now