Chapter 10

704 24 0
                                    


Chapter 10

Miss

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Nakita ko ang isang pamilyar na lugar kung saan idinala ang mamá ko bago ito bawian ng buhay. Maputi ang kisame at may amoy na pamilyar sa akin. Sa amoy pa lang nito, hindi ko na kailangang igala pa ang mga mata ko para lang malaman na nasa ospital ako.

Tandang tanda ko ang itsura at amoy ng isang ospital. I stayed in a hospital for a week before, umaasa na gigising si Mamá sa hospital bed. Tears ran down my face when I remembered that scene.

"Georgia.." nag-aalalang boses ni Papá ang narinig ko.

Kumunot ang noo ko. What happened? Why I am here?

Natulala ako saglit. Ang naalala ko lang ay may nabasa akong death threat pagkatapos ay nagdilim ang paningin ko. And now, I am here at the hospital.

Hinanap ko si Papá at nakitang nakatayo siya sa aking paanan. Puting longsleeve na nakatupi hanggang siko ang suot niya. May necktie pang suot. Mukhang kagagaling lang sa trabaho.

Bumangon ako at agad akong inalalayan ni Papá. He sighed.

"Don't move too much.." aniya.

Bumukas ang pintuan ng kuwarto at iniluwa noon si Nana. Nakita kong may dalawang body guard sa labas ng pintuan, nagbabantay.

Nang makita ako ni Nana ay agad umaliwalas ang mukha nito. Mabilis niya akong dinaluhan.

"Salamat sa Diyos at nagising ka!" Natutuwa niyang sambit.

Ngumiti ako. "Ano ka ba, Nana. Okay lang po ako.. parang namang mamamatay na ako.." natatawa kong sambit.

Sumimangot si Nana sa sinabi ko. Nilapag niya sa table iyong paper bag na hula ko'y mga pagkain. I turned to Papá, may kausap na ito sa telepono.

Kumalabog ang puso ko. I need to call Zeid! Baka naghintay iyon sa akin! Teka, anong oras na ba? Ilang oras na ba akong nandito?

"Nana, pakihanda na iyong dinner ni Georgia. Kakausapin ko lang ang media sa labas." Si Papá at bumaling sa akin.

WHAT? MEDIA?

"I'll be back, hija. Aasikasuhin ko lang iyong sa labas." tipid itong ngumiti sa akin at hinalikan ang noo ko. Matapos ay lumabas na ng kuwarto.

Sinulyapan ko si Nana na binubuksan na iyong mga tupperware. Sinapo ng aking palad ang aking ulo. Hindi ko maintindihan kung bakit nasa hospital ako. Wala naman akong sakit. Isa pa, si Zeid. Si Zeid na naghihintay sa akin.

"Nana, where's my cellphone?" Tanong ko at luminga linga sa paligid.

Lumapit si Nana sa akin at inilagay ang bed table. Matapos ay ipinatong ang mga pagkain. She glared at me. "Mamaya ka na mag cellphone diyan at kumain ka muna, Cirea Georgia!"

I pouted. "I need to text someone, Nana. Nakakahiya.. baka kanina pa iyon naghihintay sa akin."

Umiling si Nana. Akala ko ay hindi niya ako papayagan ngunit napangiti ako ng kinuha niya sa drawer ang cellphone ko.

"Three minutes lang, Georgia." Malamig niyang utas.

"Lowbat po ba?" Tanong ko dahil hindi ko natatandaang ni-charge ko iyon.

Umiling ang matanda. "Hindi na. Chinarge ko iyan kanina sa mansyon bago bumalik dito. Alam ko kasing hahanapin mo,"

Tumango ako at agad binuksan ang cellphone. Mabilis kong nakita ang mga texts ni Zeid sa akin.

From: Zeid Ausborn

Malapit ka na ba?

From: Zeid Ausborn

The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now