Chapter 31

708 37 2
                                    


Chapter 31

Reunion

Sa byahe pabalik ng Pilipinas, nagkausap kami ni Janice. Sabay kaming kumuha ng flight at ngayon ay magkatabi kami sa eroplano. As much as possible, iniiwasan kong makakita ng kung anong balita ngayon. Parang hindi pa ako handa.

"What's your name in facebook? Wait, do you have facebook or instagram?" Ang maingay na boses ni Janice ang nagpagising sa akin.

Hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako. Maaga kaming tumulak kanina kaya pagod na pagod pa ako. Nag impake pa ako ng mga gamit ko kagabi. Nasabi ko na din kay Ferd ang biglaang pag-uwi, siya na din daw ang bahalang magpaliwanag kay Mr. President pero nag iwan pa din ako ng email kanina.

Gustong sumunod dito ni Ferd kaya lang ay baka bukas pa siya makakasunod. Sinabi ko namang okay lang. Sa mansyon ko siya papatuluyin if ever.

Nilingon ko si Janice na naghihintay sa isasagot ko. Nasa bandang bintana ako kaya wala akong ibang matitingnan kung hindi ang kalangitan o ang pagmumukha niya.

"Cirea Villareal." Sagot ko. "Instagram. I don't do facebook anymore, maraming poser." Dagdag ko.

Tumango siya at mabilis na sinave ang pangalan sa notes sa cellphone niya. Malapit kami sa isa't isa kaya nakikita ko ang ginagawa niya sa cellphone niya.

"Hindi na kita mahanap dahil mukhang nagdeactivate ka noon, e. I don't know your surname so.. I didn't have the chance to–"

"It's okay, sinadya ko naman talagang hindi magpahanap." Mabilis kong putol sa kanya.

Natigilan siya at napatitig sa akin. Ngumisi ako sa kanya. Oo. Alam kong wala siyang kasalanan pero hndi ko mapigilan ang bibig ko.

"How are you, Janice? Mabuti at pinayagan kang umuwi?" Ngiti ko.

She cleared her throat. "A-Ah.. close kami noong may-ari.. kaya ganun.." aniya. "But.. why did you..leave all of a sudden?"

Nanatili ang ngiti ko sa kanya. I prepared myself for this kind of question bago ako napadpad sa eroplanong ito.

"Because I have to." Tipid kong sagot.

Tumango siya. "Alam mo ba, simula ng umalis ka lagi kang hinahanap at pinupuntahan sa building niyo ni Ze–"

Tinakpan ko ang tenga ko nang sinabi yun ni Janice. Nagkunwari akong may dumi sa tenga kaya napahinto din siya sa pagsasalita.

"Sorry, may pumasok ata sa tenga ko.." tumawa ako.

Nagpabuntong-hininga siya sa ginawa ko. "A-Ano bang nangyari sa inyo? Hindi ka din pala nagpaalam sa kanya? Hindi mo din sinabi sakanya kung–"

"Janice, ilang oras na lang at makakarating na tayo. Gusto mo bang sumabay sa sundo ko?" Masigla kong tanong sa kanya.

Kumunot ang noo niya. "Ha? S-Susunduin ako nila Elise.."

Ngumiti ako at tumango. "Ganun ba? Sayang. I want to bond with all of you pa naman but this isn't the right time, e.."

Natahimik siya. "G-Gusto mo sumama ka na lang sa amin mamayang gabi.. may pupuntahan kaming birth-"

Agad akong umiling.

"Busy ang schedule ko ngayong araw." Sambit ko.

Right after I said that, nag announce na na nakarating na kami sa Pilipinas. Naghintay pa kami ng ilang minuto bago tuluyang maglanding ang eroplano.

Hindi na din nagsalita pa si Janice dahil busy na kami sa pagbaba. Dala dala niya ang maleta niya habang agad akong nilapitan ng dalawang security guard at kinuha ang mga bagahe ko.

The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now