Chapter 5

718 22 2
                                    


Chapter 5

Heart

Sa pangalawang pagkakataon, nagpaalam ako kila Elise, Janice, Cloud and Andrei. Bumalik kami ni Zeid dito sa kuwarto para makapagpaalam ako sa kanila. Elise looked so worried about me. Gusto niyang sumama na ihatid din ako ngunit hindi na pumayag pa si Zeid.

"I'm sorry. I ruined our moments, gotta go.. Babye." I waved my hands.

Janice hugged me tight. "Next time, magpaalam ka na okay? And, you didn't ruined our moment." Ngumiti ito sa akin.

"Marami pa namang pagkakataon, Georgia." Segunda ni Cloud.

Andrei looked at me. "Ingat sa sermon mamaya, Gorg."

Nawala ang ngiti sa aking labi para kay Cloud nang marinig iyon. I looked at Andrei. Malakas siyang hinampas ni Janice.

Zeid took my hand again and dragged me out of the room. Tahimik lang akong nakasunod sa kanya. Nagtataka tuloy kaming tiningnan ng guard. Binuksan lang ni Zeid ang sasakyan sa front seat at mabilis na nagtungo sa driver seat.

I sighed. Is he mad?

Pumasok na ako para hindi na siya magsalita pa. I think he's mad. Syempre. Galit siya kasi baka mamaya pag napahamak ako ay siya ang malalagot. Responsibilidad niya ako dahil bisita ako sa mansyon nila.

He started the engine. Kinabahan ako bigla kung saan niya ako ihahatid. Our mansion is near!

"S-Saan mo ko ihahatid niyan?" Mahina kong tanong. Hindi siya sumagot kaya sinubukan ko ulit magsalita.

"You don't know our house.."

"Tell me where it is, then." malamig niyang utas at binalingan ako.

Nanlaki ang mata ko. No. Hindi puwede. Nag-iwas ako ng tingin. Bayolente siyang bumuntong hininga. "Nana texted me. Maghihintay sila sa Puregold. Doon kita ihahatid.." sagot niya.

Tumango ako. So it's Nana. Naisip ko tuloy kung paano nakakuha ng numero ni Zeid si Nana.

"Oh.." napatango ako.

"Did you bring your phone?" Zeid asked.

Tumango ako at kinuha ko iyon sa bag. "But it's low battery," sambit ko.

Umiling siya at hindi na nagsalita. Galit pa ba siya? But he did talk to me. Ngumuso ako. Bakit kaya ako hinanap ni Nana? Nagtext naman ako sa kanya. Tsaka paano niya nga ulit nakuha ang numero ni Zeid?

Bakit hindi niya ako pinuntahan sa mansyon nila Zeid?

"Zeid.."

"Don't talk. I'm mad at you." Mabilis niyang putol sa akin.

Natahimik ako. Para akong sinaksak sa puso. Now, it's confirmed. He's really mad at me now. Nag-iwas ako ng tingin. Nakita ko na ang malaking pangalan ng Puregold. Ang bilis yata. Mukhang gustong gusto na ni Zeid na makauwi ako dahil ayaw niyang makita ang pagmumukha ko.

Pinasadahan ko ng tingin ang dalawang body guard na nakatayo sa harap ng Puregold. Huminto ang sasakyan ni Zeid sa tapat noon. Bumukas ang sasakyan sa gilid na tingin ko ay SUV yata ni papá yon. Hala. He's here?

Bumaba agad sa sasakyan si Nana at humalukipkip sa sasakyan ni Zeid. Bakas sa pagmumukha ni Nana ang pag-aalala.

"Look at what you did, Georgia!" sambit ni Zeid.

Pagkabukas ng sasakyan ni Zeid ay binuksan ko din ang pintuan ko. Mabilis akong sinalubong ng dalawang body guard. Bahagyang kinausap ni Zeid ang isang body guard na kakababa lang din sa SUV. Sinalubong ako ni Nana habang naglalakad papunta sa kanya.

The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now