Chapter 21

576 22 1
                                    


Chapter 21

Condo

"Iyan na nga ba ang sinasabi ko, Georgia!" Papá's voice thundered.

Sinabi ko kasi sakanya ang tungkol sa natanggap na death threat. Ipinakita ko sakanya iyong envelope at sulat. Galit na galit si Papá ngunit mas nanaig doon ang pag-aalala niya sa akin.

Kakatapos lang niya magpa-meeting sa mga pulis at sundalo tungkol sa death threat na natanggap ko. And I believe minutes later, laman na ng balita iyon.

"You should change your number!" Dagdag ni Papá, natataranta.

Tahimik lang si Nana sa gilid na nakikinig sa aming dalawang mag ama. Tumango ako dito. May binigay siya sa akin na sim card, agad ko namang tinanggal ang sim card ko na nasa cellphone at agad pinalit iyong bago.

"If you have some important contacts there, just use this phone and insert your sim card here," ani Papá at inabot sa akin iyong Nokia 3310. Napanguso ako. May ganito pa din palang cellphone ngayon.

Sinunod ko si Papa. Pinatay ko ang cellphone nang nailagay na doon ang sim card. Bahagya akong nanghinayang doon dahil nandoon lahat ng texts messages namin ni Zeid. But it's my safety that you're talking about now.

Mabuti na lang nakasave din iyong mga number nila Elise sa cellphone ko, hindi lang sa sim card. Kaya mabilis ko silang in-inform na nagbago ako ng numero.

Zeid Ausborn:

Why did you change your number? And sure, I will save it.

"Cirea Georgia! Stop texting! Ganito na nga ang nangyari sa'yo ngayong gabi nakuha mo pang makipag text diyan?"

Napatalon ako sa kinauupuan at mabilis na binitiwan ang cellphone ko. Nag angat ako ng tingin sa ama. Umiling siya at hinilot ang sentido, para bang napaka problemado niya ngayon.

Umupo si Papá sa katapat kong sofa. May tinawagan siya saglit sa cellphone niya. Binalingan ko naman si Nana at sinabing buksan ang TV para matingnan ang balita.

And I was right. Laman nga ng balita si Papa, maging ang envelope at sulat na natanggap ko kanina.

"Ayon kay Governor Leonel, ang anak niya muli ang nakatanggap sa sulat na ito. Nanggaling ito mismo sa kanyang paaralan. Hinihingi namin ang pahayag ng kanyang anak ngunit tumanggi si Governor dito," ayon sa news anchor.

I turned to my dad. "Gusto nila akong interviewhin?"

Nagtaas ng kilay sa akin si Papá. "Bakit? Gusto mong mag pa-interview?"

Natutop ko ang bibig ko at umiling. Nagtatanong lang eh. Ba't ang sungit?

Binanggit ang pangalan ng University na pinapasukan ko. I sighed. Mukhang magiging usap usapan ito sa school.

Kausap naman ngayon ni Papá ang may-ari ng St. Claire sa telepono, humihingi ng paumanhin si Papá dahil nadamay pa ang school nila. Mabuti na lang daw at mabait talaga si Miss Ramos, sinabing natural lang daw iyon.

Kaya lang, sinabi din niya na hindi niya mapipigilan ang pagkalat ng balita sa loob ng paaralan. Papá said it's fine. As long as they didn't know who's his daughter.

"Based on my speculations, the culprit still didn't know her identity." The chief of police said.

Kahit gabing gabi na ay pumunta pa din ang iilang pulisya dito sa Condo ko. Papá wants to discussed it with me, para daw aware na ako sa mga nangyayari.

Papá frowned. "What? Can't you see that the culprit texted my daughter? That's why she came to that fucking locker room!"

Gulat ako nang makita ang ganoong reaksyon ni Papá. Ngayon na lang ulit siya nagalit ng ganito katindi. Noong una ay iyong tumakas ako at ngayon ay nakatanggap ako ng text at death threat (for the second time).

The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now