Simula

20 3 3
                                    

Nasa bintana siya at pinagmamasdan ang unti-unting pag iiba ng kulay ng buwan...

Alam niyang sa pagkakataong ito,sisimulan na naman ng mga bampira ang lumusob sa lugar na kung saan siya ngayon. Hindi man lang naawa ang mga ito. Hindi man lang naawa sa mga buhay na pinapaslang nila.

Walang pinipili ang bampira. Hindi ito marunong maawa at magmahal. Dahil kung may awa at pagmamahal sa mga puso nito,hindi nila magagawang pumaslang ng mga inosenteng tao. Na walang ginawa kundi ang manahimik sa isang lugar lamang. Mga inosensteng bata na masayang naglalaro at walang kaalam-alam pa sa mundo,dinadamay nila sa kasamaan nila. Mga nanghihinang matatanda na walang magawa kundi hayaang kainin at sipsipin ang dugo nila,dahil ika pa nga nila. Matatanda na sila at mamamatay na din,ano pa ba ang silbi kung tatakbo sila e mahina na nga. Mga magulang at mga kabataan na pilit na ginagawa ang buong lakas at tapang na lumalaban o tumatakbo dahil ayaw pa nilang mamatay,dahil may gusto pa silang gagawin sa mundong ito. Pero paano pa nila magagawa ang lahat ng yun kung may mga hindi pangkaraniwang tao ang lulusob sa mundong ito...

Sa likod ng napakagandang pulang buwan,may tinatago palang kapangitan at kasamaan...

Kailan pa ba matatapos ang paghihirap na 'to? Wala na bang katapusan ang parusa? Nangyayari ba ang lahat ng ito dahil isa ito sa mga parusa sa mga taong sinisira ang kalikasan at gumagawa ng kasamaan? O nangyayari ang lahat ng ito dahil ito ang nakatakdang mangyari? Pero bakit? Bakit dito pa? Bakit sa lugar na kung saan ang pamilya ko? Bakit pamilya ko pa?

Pumatak ang luha sa mga mata ng dalaga habang nakatanaw sa pulang buwan na nasa kalangitan at habang iniisip ang mga yun at inaalala ang kanyang mga magulang pati na din ang mga inosenteng tao...

Sinuot na niya ang kanyang sombrero at jacket na kulay itim tsaka siya nag mask. Kailangan niyang hanapin ng patago ang kanyang kaibigan na nasa bar na nagpaalam ito sakanya kanina. Hindi siya sumama dahil sumasama ang pakiramdam niya. Dahil sa tuwing sumasama o hindi mabuti ang pakiramdam niya. Nakakaramdam siya ng masamang mangyayari. At natatakot siyang maulit na naman ang nangyari tatlong buwan na ang nakalipas.

Naglakad na siya paalis ng condo nilang dalawa at linakad lamang niya patungo sa bar na kung saan nandoon ang kanyang kaibigan.

Nanginginig siya at ang tahimik ng dinadaanan niya. Linagay niya sa bulsa ng magkabilang jacket ang kanyang dalawang kamay at pilit na linalakasan ang loob. Kailangan niyang balaan ang kaibigan at pauuwiin na. Pati na din ang mga tao.

Pero sa nadadaanan at nararamdaman niya ngayon,walang katao-tao at sobrang tahimik na tanging hangin lamang ang madidinig.

Napahinto siya ng makadinig siya ng mga yapak sa likod niya at ramdam niya ang uhaw na tibok ng puso nito. Alam niya kung anong klase ng tao ang sumusunod sakanya.

Takot na takot at hindi na niya alam ang gagawin. Dahan-dahan siyang lumingon pero walang kahit na ano sa kanyang likod. Naninindig na ang mga balahibo niya ng may maramdaman siyang tao sa harap niya.

Hindi niya alam kung lilingon siya o tatakbo. Nanginginig na siya sa takot kaya mabilis siyang tumakbo pero hindi sapat ang bilis niya para maiwasan ang mga pangil na kumagat sa leeg niya.

Napanganga siya at tumirik ang kanyang mga mata ng maramdamang may sumipsip sa leeg niya.

Ang kamay niyang nasa loob ng jacket ay nakalabas kasabay ng isang kwentas. Dahan-dahan niyang naipikit ang mata kasabay ng pagdilim ng mga paningin niya.

Akmang ihahagis na siya ng bampirang kumagat sa kanya ng makita nito ang kwentas na nakasabit sa hintuturo.

Natigil siya ng makita ang kwentas na yun. Ang kalmado niyang tibok ng puso ay unti-unting lumalakas dahil hindi niya nagustuhan ang nasa isip niya.

Akmang matutumba na ang dalaga ng pigilan niya ito,dahilan para matanggal ang sombrero at tumabad sa bampira ang pamilyar na buhok ng dalaga.

Nanigas ang bampira ng malaman kung sino ang dalagang pinaslang niya. Sa buhok pa lang nito,memoryado niya. Hindi siya pwedeng magkamali...

"No..." Sambit niya. Ang pula niyang mata ay unti-unting naging normal ang kulay at bumalik din sa normal ang kanyang ngipin at wala na ang mga pangil.

He killed his beloved...

He sucked the Blood Of His Beloved...

Blood Of My BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon