Kabanata 9

6 1 0
                                    

Kinuha ko ang mga dala ni Layla ng mahulog ang mga ito sa sahig ng tumakbo siya papalabas na hindi ko maintindihan kung bakit bigla siyang nagkaganun.

Isa-isa ko itong kinuha at bumalik sa lababo para linisin na ang kalat ko. Normal lang naman atang magkaroon ng dugong itim, hindi ba? Bata pa akong ganito kaya wala akong nakikitang problema dun. Problema na nila yun dahil hindi naman sila ako.

Wala akong dalang damit kaya saan ako nito ngayon magpapalit? Lumabas na ako ng banyo habang yung mga dugo ay nasa damit ko. Kitang-kita ang kulay nitong itim kaya nahihiya akong lumabas ng kwarto. Ngunit natigil ako ng mapansing magulo ang mga gamit, na para bang may nagwawala. Dahan-dahan akong naglalakad hanggang sa makadinig ako ng mga bulungan.

Nagtago ako sa gilid habang nakikinig.

"Hindi siya ang hinahanap n-natin..." Si Layla na para bang hindi alam ang gagawin.

"Anong sinasabi mo?" Pamilyar ang boses ng babae na pilit kong inaalala kung saan ko nga ba yun narinig.

"Itim ang dugo niya..."

Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila at mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit dugo ko ang pinoproblema nila.

"A-ano?"

"B-bakit? I mean dapat pula ang dugo niya."

"Yun na nga ang ikinagulo ng isipan ko. Hindi kaya?"

"Hindi natin malalaman ang sagot sa mga tanong natin kung hindi natin mahahanap ang librong naglalaman ng propesiya nating mga bampira."

Sa isang iglap natigil ang buo kong pagkatao ng marinig ang salitang 'bampira'. Napatakip ako sa bibig ko upang pigilang humikbi. Dahan-dahan ang bawat paghakbang ko pabalik ng kwarto at hindi na tinapos pa ang pakikinig sa usapan nila.

Ng makadating sa kwarto ay bigla akong nanghina dahilan para mapaupo ako sa sahig habang may mga luha sa mata. Hindi ko inaasahang ang mga taong nakapaligid sa'kin ay lahat mga bampira. Ang mga taong pinagkatiwalaan ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling itong mga luha ko, sa takot ba na pwede nila akong patayin kahit anumang oras ngayon o dahil sa galit dahil ang mga tulad nila ay ang pumaslang sa pamilya ko.

Ilang oras ang dumaan hanggang sa matagpuan ko ang sarili kong nag-iisa sa loob ng kwarto habang nasa kabila naman sina Layla. Hindi nila ako makausap ng maayos dahil wala naman akong gana upang makipag-usap sa kanila. Hanggang ngayon hindi pa din ako makatulog ng maayos dahil sa nalaman ko at mas lalong parang ayaw ko ng matulog dahil inaatake na naman ako netong panaginip na hindi ko maintindihan.

Huminga ako ng malalim bago ko kinuha ang jacket ko at lumabas ng kwarto. Tiningnan ko muna ang sala baka gising pa sina Layla ngunit wala na akong makita sakanila kaya lumabas na ako. Habang nasa loob ng elevator ay sinuot ko na ang jacket ko. Balak kong mapag-isa at magpahangin ng sa ganun ay baka mabawasan lahat ng pag-aalala na nararamdaman  ko ngayon.

Naglalakad sa madilim na kalsada kasabay ng tunog ng mga punong isinasayaw ng hangin. Napatingala ako sa kalangitan ng makitang nagliliwanag na naman siya. Huminto ako saglit habang nakatingala, inaalala ang mga panahon na kung saan ay masaya pa ako kasama sina nanay at tatay. Dumaan ang malakas na hangin kasabay ng pagpikit ko at ng luhang tumulo mula dito. Hindi ko batid ngunit nasasaktan ako ng may makita akong sanggol na umiiyak habang buhat ng lalaking hindi ko mawari kung sino. Habang tinitingnan ang sanggol na umiiyak ay nasasaktan ako ng makitang nakatingin ito sa'kin at para bang humihingi ng tulong. Ng idilat ko ang mga mata ko ay ang una kong nasilayan ay ang buwang unti-unting natatakpan ng ulap.

"Ang ganda diba?" Gulat at natigil ako ng biglang may magsalita sa likuran ko.

Hindi ako makalingon sa kung nasaan siya dahil sa pagkakataong ito ay nanlalambot na ang mga tuhod ko dahil sa takot ngunit pilit na pinapalakas ang loob.

Blood Of My BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon