Kabanata 3

4 1 0
                                    

"Luna,gising na. Nandito na tayo." Minulat ni Luna ang mga mata at tumambad sakanya ang mukha ni Layla na nasa harap niya na kanina pa pala siya ginigising. "Ang hirap mo palang gisingin. Wala ka bang tulog nitong nakaraang araw?" Tanong sakanya ni Layla.

"Wala. Pasensya ka na." Tinanggal na niya ang seatbelt at kinuha ang bag.

Nauna ng lumabas si Layla tsaka siya sumunod. Napatingin siya sa binabaan niya tsaka siya tumingala sa mga nagtataasang gusali na nasa harap niya.

Tumabi sakanya ang magkasintahang si Damien at Layla at tiningnan siya.

"Ngayon ka lang ba nakapunta sa maynila?" Tanong ni Layla na tinanguan niya.

Ito ang pangarap niya. Pangarap niyang makapunta dito at mag-aral sa mataas na unibersidad at balang araw dadalhin niya dito ang inay at itay niya. Pero paano pa niya magagawa yun kung wala na ang mga ito? At kulang ang pera niya para ipang-enroll sa kahit anong skwelahan. Hindi sapat ang dala niyang pera. Lalo na at hindi niya alam kung saan siya tutuloy.

"Wag mo ng problemahin ang tutuluyan mo. Sumama ka lang kay Layla. Dito ka na muna sa condo namin." Napabaling ang atensyon ni Luna sa lalaking nagsalita na si Damien.

"S-salamat." Nginitian niya ang lalaki tsaka si Layla. "Maraming salamat,Layla."

"Walang anuman. Tsaka ibinilin ka din naman sakin ng tatay. Nakatanggap ako galing sakanya ng sulat. Isama daw kita at-"

"Yeah. Isinama ka niya at wag mo ng problemahin ang tutuluyan mo." Pagpuputol ni Damien sa iba pang sasabihin ng nobya dahil umandar na naman ang bunganga nito. Hindi ito titigil hangga't hindi puputulin ni Damien ang sasabihin. Uulit-ulitin niya ang mga ito hanggang sa magsawa ito sa mga sinasabi.

"Salamat ulit."

"Let's go?"

Tumango si Luna at sumunod sa dalawa.

"Dito sa maynila,Luna. Dapat matapang at makapal ang mukha mo. Dahil kung magiging mahina ka,talo ka. At kung manipis ang mukha mo,patay ka sa gutom." Napailing si Damien sa mga sinasabi ng nobya. At nakikinig naman si Luna habang naglalakad sila.

"Dito din sa maynila,dapat sexy ka. Dahil kung may nobyo at papangit-pangit ka. Ipagpapalit ka. Selosa ako,at kapag nagloko ang nobyo ko,may mapapatay ako. Right,babe?" Pagbaling ni Layla sa nobyo niyaang nakahawak sa bewang niya.

"Yeah." Natatawang sagot sakanya ni Damien. Memoryado na niya ang nobya niya. Hindi ito nagbibiro kapag patayan at lokohan ang pag-uusapan. Hindi naman niya kailangang matakot,dahil hindi niya gagawin ang bagay na yun.

Napangiwi naman sa likod si Luna sa mga sinasabi ni Layla. Hanggang sa makasakay na sila ng elevator at makadating sa labas ng pinto.

Binuksan ni Damien yun at kinuha ni Layla ang bag ni Luna.

"Hayaan mong gawin ko 'to. Tulong ko na din 'to sayo sa mga tinulong ng nanay at tatay mo sa pamilya ko at sa mga kabaryo natin dun." Sabi sakanya ni Layla.

Sumunod si Luna papasok kay Layla tsaka siya namangha sa desenyo ng loob.

"Dalawa ang kwarto dito. Ikaw na lang sa isa. Kami na lang ang sa kabila. Magpapahinga na muna kami at bukas na bukas din,tutulungan kitang maghanap ng trabaho." Sabi ni Layla at pumasok sa isang pinto habang nakasunod pa din si Luna. "Mauna na muna ako. Magpapahinga lang." Natatawang sabi ni Layla na siyang ikinatawa naman ni Luna.

"Gaga. Hindi ka makakapagpahinga niyan." Natatawang biro niya sa kay Layla.

"Ikaw ahh. Alam mo pala yun." Pagtutukso sakanya ni Layla. "Kaya kung ako sayo. Maghahanap ako. Para naman madilig-diligan ka,at hindi ka malanta."

Blood Of My BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon