Kabanata 7

8 1 0
                                    

Wala ako sa sariling nagse-serve ng mga kape sa mga customer hanggang sa biglang may pumasok at napatingin ako dun. Ngunit ganun na lamang ang pagtigil ng mundo ko ng malaman kung sino ang taong iyon ngunit hindi pala ito tao.

Napatingin ako kay Candy ng hilahin niya ako sa kung nasaan at dinala sa isang kwarto na kung saan kami nagbibihis.

"Pasensya ka na kung gagawin ko to."

"A-ano-"

Bigla akong natumba kasabay ng pagdilim ng paningin ko dahil sa ginawa niyang pagsuntok sa'kin na hindi ko alam kung bakit niya ginawa.

Third Person's POV

Ng makalabas si Candy sa kwartong pinasukan niya kasama si Luna ay kaagad niyang nilibot ang kanyang paningin ngunit bigla na lamang siyang tumilapon at bumaon ang kanyang katawan sa pader.

Pagdilat niya ng kanyang mga mata ay nasa isa na silang play ground kung saang walang tao. Tanging silang dalawa na lamang ng bampirang sumusunod kay Luna.

Malakas at mabilis ang ginawa sa kanya ng lalaki na dapat ay hindi na siya magulat.

Ang mga sugat niya sa likod at mukha ay dahan-dahang naglaho tsaka siya tumingin sa bampirang nasa harapan niya na nakalabas ang mga pangil at mapupula ang mga mata.

"Nagkita din tayong muli." Sambit ng bampirang lalaki habang may nakasilay na mga ngiti sa labi.

Samantalang walang pinapakitang emosyon sa mukha si Candy, tanging tinititigan niya lamang ito.

"Get lost." Mabilis na mabilis ang kanyang pagtakbo sa lalaki tsaka sana ito susugudin ngunit mabilis din siyang nahawakan nito sa braso.

"Alam mong mas malakas ako kaysa sayo." Sabi nito ng malapitan si Candy at ngayo'y galit na galit na. "Ibigay mo ang Ashkon o papatayin kita."

Hindi sinagot ni Candy ang sinabi ng lalaki tsaka niya sinuntok ito sa mukha ng kanyang isang kamay dahilan para tumilapon ito. Sa isang iglap ay nakaibabaw na siya ngayon sa lalaki habang hawak niya ito sa leeg ng mahigpit.

"Magkamatayan man tayo. Hindi ko ibibigay sayo ang Ashkon." Sabi niya tsaka niya mas hinigpitan ang pagkakasakal dito ngunit siya naman ang tumilapon ng suntukin siya nito sa tiyan.

Linapitan siya ng lalaki at hinawakan ang kwelyo ni Candy at handa na sanang kakagatin ito ngunit hindi papayagan ni Candy na dito magtatapos ang buhay niya. Sinipa niya ang lalaki tsaka nagsilabasan ang mga matataas niyang kuko at kinalmot ang lalaki sa dibdib. Napatingin ang lalaki sa kanyang dibdib ng mapunit ang suot nitong dibdib dahil sa kalmot at dumiretso sa kanyang balat dahilan upang dumugo ito at magmarka ng mga kuko ni Candy.

Inangat ng lalaki ang tingin kay Candy tsaka ito sumugod muli ngunit mabilis itong naiwasan ni Candy.

Humandusay sa lupa si Candy mahawakan siya ng lalaki sa braso at binalibag ito. Matinding sakit ang naramdaman ni Candy dahil sa pagkabaon niya sa lupa sa ginawa ng lalaki. Mabilis na umibaba sa kanya ang lalaki at pinunit ang damit niyang nakaharang sa kanyang leeg. Ngunit hindi na sapat ang lakas ni Candy upang talunin ang lalaki.

Bago pa makagat ng lalaki si Candy ay biglang tumilapon ito at sinuntok-suntok ni Zi ang pagmumukha nito. Lalaban pa sana ang lalaki ngunit malakas si Zi. Wala itong magawa kundi ang hayaan ang katawan na humina dahil sa bawat pagsuntok at kalmot sa kanya ni Zi.

Hindi na hinayaan ni Zi na makatakas pa ang bampirang lalaki kaya sinaksak niya ito gamit ang kutsilyong dala-dala niya.

Naglaho ang lalaki na para bang papel na sinunog bago niya lapitan si Candy na ngayon ay kakabangon pa lamang at pinapagaling ang sarili.

Blood Of My BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon