Kabanata 11

8 0 0
                                    

Habang kumakain ay hindi ko mapigilang iangat ang tingin ko para tingnan siya. Akala ko ay titingin din siya sa'kin pero hindi, kaya binalik ko na lang ulit ang tingin ko sa pagkain. Masarap naman ang inihain niya, akala ko ang ipapakain niya sa'kin ay ang mga laman ng tao o hayop-

Naduwal ako sa iniisip ko na dali-dali ko na namang tinakpan dahil kumakain nga pala kami.

Gulat akong napatingin sa kanya ng magtama ang mata namin. Nakakunot ang noo niya bago siya uminom ng tubig.

"S-sorry." Mahinang usal ko.

"Tsk." Umiling siya bago niya ulit pinagpatuloy ang pagkain niya na siyang sinunod ko.

Pero segundo lang ang lumipas ay di ko mapigilang tanungin siya ng mga bagay-bagay.

"May tatanong lang sana ako."

Nakita ko ang pagtaas ng isang kilay niya ng konti tsaka uminom na naman ng tubig. At sa ginawa niya ay kinuha ko ng sagot iyon na pumapayag siyang tanungin ko.

"Tuli ka?"

Siguro lahat ata ng kinain niya ay nagsibalikan sa lalamunan niya para bigla siyang mapa-ubo ng biglaan.

"W-what the fvck?" Galit na sabi niya.

"Joke lang. Yung tanong ko talaga ay ito. Kailan mo ako paalisin? Kailan ka babalik sa mundo niyo? Kailan mo babalikan pamilya mo? Kailan ka magpapatuli-"

Hindi na niya ako pinatapos ng bigla siyang tumayo at nakapamewang na hinarap ako.

"My place, my rules. Now. Stop talking." Madiin at seryosong sabi nito.

"Okay." Tanging yun lang ang nasabi ko ng bigla akong makadinig ng mga yapak ng paa papunta sa direksiyon namin.

"Xy!" Tulala akong napatingin kay Zi ng dumating ito at tawagin si Xy tsaka yumuko bago madapo ang tingin sa'kin. "Oh! Hi Luna! Tagal na'ting di nagkita ah." Lumapit siya sa lamesa tsaka tiningnan ang mga pagkain. "Kakain muna ako, Xy. Bago ko sabihin sa'yo ang mga dala ko."

Ng tingnan ko naman si Xy ay nakatingin na ito dati sa'kin tsaka lumapit at hawakan ako sa kamay at hinila palabas.

"Stay in your room." Umiling ako sa sinabi niya na parang bata. "Luna, please." Huminga siya ng malalim tsaka ako umiling.

Napalingon ako sa mga taong kadarating lang. Walang iba kundi sina Layla, Damien, at Candy.

"Xy." Sabay-sabay nilang sabi tsaka yumuko.

"A-anong nagyayari?" Naguguluhang sabi ko.

"Layla, iakyat mo siya sa taas at siguraduhin mong hindi makakalabas." Utos ni Xy tsaka umakbang si Layla papunta sa'kin na may ngiti sa labi.

Akma na sana niya akong hahawakan sa kamay ng ilayo ko ito sa kanya.

Lahat sila ay nandito. Ang mga taong inakala ko na tao pero hindi pala.

"Luna this is for your safety." Si Candy na kinukumbinsi akong sumama kay Layla.

Kung para ang lahat ng ito sa kaligtasan ko ay hindi ko hahayaang mag-usap sila na sila lang. Nadamay na ako dahil nalaman kong mga bampira sila. Naiintindihan ko naman na prinopotektahan nila ako pero hindi ba sila nagtitiwala sa'kin? Gusto ko lang na  lumayo mula sa kanila at mamuhay ng tahimik pero dahil iba ang mundo nila sa mundo ko, minabuti na lang nilang itago ako. Oo at tanga ako, pero hindi ako tinuruan ng magulang ko na maging duwag. Hindi ako tinuruan nina nanay at tatay na kapag natatakot ay aalis, tinuruan nila ako na kapag natatakot at hindi ko alam ang gagawin ko ay dapat na piliin kong lumaban at wag hayaang ang takot na nararamdaman ko ang tumalo sa'kin.

Blood Of My BelovedWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu