Kabanata 4

4 1 0
                                    

"I killed someone..."

Lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa kaba sa sinabi niya. Dahan-dahan kong ibinaling ang tingin sa katabi ko na si Layla na nakatingin lamang ng seryoso dun sa lalaking patay gutom.

"Zi?" Seryosong tanong ni Layla dun sa lalaki na nababahidan ng medyo may galit sa boses.

"Tumawa naman kayo sa joke ko. Ang sakit nun ah,di kayo tumawa." Napangiwi ako sa sinabi niya tsaka lumabas mismo ang mga salitang hindi ko inaasahan na lalabas sa bibig ko.

"Corny."

"What?"

Dinig niya ang mga yapak ng lalaki papunta sa direksiyon niya na inaasahan na niya.

'Meow' napatingin ako sa pusang nasa harap ko tsaka ko sunod na tiningnan yung si alphabet na si Z.

"Anong pangalan niya?" Tanong ko sa lalaking kunot ang noong nakatingin sa'kin.

"Angry."

"Wow. Mala angry birds din pala ang peg niya. Angry birds siya tapos ikaw naman,alphabet."

"What-"

"Hey! Don't what-what me. At baka maararo kitang hayop ka." Tinuro ko ang pagmumukha ni alphabet.

"Fuck. Layla,who is she?" Tanong niya kay Layla na nasa gilid ko pero sa akin naman siya nakatingin.

"Kababata ko. Probinsyana yan. Intindihin mo na. Pareho din naman kayong makulit. Ikaw na ang bahala dito,isara mo ang pintuan ahh-"

"Dito ako matutulog." Pagpuputol ni alphabet kay Layla.

"Zi. Wala ng kwarto,si Luna na ang may gamit-"

"Ohhh." Pagpuputol niya ulit. At sa pagkakataong 'to,nakangisi siya habang tatango-tangong nakatingin sa'kin.

"Tss. Dito ka na sa sala." Huling sabi ni Layla kay alphabet bago ko naramdamang umalis na siya at bumalik sa kwarto nila ng kanyang nobyo.

"Tabi tayo."

"Tabi mo yang mukha mo." Inirapan ko siya tsaka na ako tumayo pero napaupo ako bigla ng talunan ako nung walangyang pusa na may pangalan na angry-birds. Kabilib naman ang pangalan nito.

"Unahan na lang tayo ng makakahiga sa kama." Tumayo na siya at nakapamulsang naglalakad ng pasayaw papunta sa kwarto.

Nginitian ko yung pusa tsaka ko marahang hinawakan sa leeg.

"Angry..." Hinigpitan ko ang hawak sa leeg.  "Ang suplado mong pusa ka. Daig mo pa ang tao kung makatingin ka sa'kin. Wala naman akong ginagawang atraso sayo." Tsaka ko hinagis sa kung saan ang pusa at galit na galit itong sumigaw.

'Meoooww!' malakas na hiyaw nung walangya dahilan para balingan ni alphabet ng tingin ang alaga niya.

"Fvck! Anong ginawa mo sakanya!" Gulat na sigaw ni alphabet tsaka tinakbo ang kanyang pusa.

Pinagpag ko ang kamay ko tsaka ko binalingan ang dalawang hayop na nagkukumustahan sa isa't-isa.

"Ginawa ko? Sinakal ko lang naman tsaka hinagis." Matapang kong sagot tsaka naglakad na papasok ng kwarto. Ng makadating sa pinto ay sinilip ko muna ang dalawa tsaka tinawag ko.

"Pst. Alphabet! Paano yan? Nauna ako?"

Binalingan ako ng masamang tingin ni alphabet pero hindi ako natakot, benelatan ko muna siya bago ako pumasok ng kwarto at ni-lock yun. Mahirap na baka pasukin ako ng patay gutom na letra.

Kinuha ko ang kumot tsaka na ako nahiga at napatulala sa kisame. Inaalala kung paano makakuha ng trabaho. Dibale na,idadaan ko na lang sa sipag at laban ang lahat.

Blood Of My BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon