Kabanata 12

5 0 0
                                    

SA liwanag ng araw, mga bampira'y nagmamasid lamang sa ilalim ng araw. Mga bampirang nakakalakad sa ilalim ng araw na pwedeng makagawa ng krimen anumang oras.

Dahil sa abala ng bawat isa sa kanilang nais na makuha ang libro ay hindi nila napansin ang isang taong matagal ng gumagalaw. Siya ay nagsisimula ng gumawa ng hakbang na hindi namamalayan ng iba.

Suot ang mask at sombrerong itim ay hindi talaga siya makikilala ng kahit na sino lalo pa at balot ang kanyang katawan ng kulay itim din na damit. Walang makakaalam kung siya ay lalaki o babae dahil sa kanyang paglalakad at presensiya ay ika'y maguguluhan.

Sa gitna ng napakaraming tao ay humalo siya, hindi alam ng ibang mga bampira na katabi lamang nila ang isa sa nais nilang makuha. Ngunit sa kapangyarihang gumagabay sa kanya ay hindi siya maramdaman ng mga ito.

Sa isang eskinita ay napahinto siya ng makita ang isang bampirang sinasakal ang isang tao hanggang sa lagutan ito ng hininga. Ngunit bago pa makagat ng bampirang iyon ang leeg ng wala ng buhay na tao ay kumaripas siya dito ng takbo at sa isang suntok niya sa tagiliran ng ulo nito ay tumilapon ito at bumaon sa mga kahoy.

Mabilis na nakabangon ang bampira at mapupulang mga mata na tumakbo ito papunta sa kanya. Hindi siya gumalaw at walang kabang nakatayo lamang at hinihintay na makalapit sa kanya ang bampira. Ilang dangkal na lamang ang layo ng bampira sa kanya at sa isang iglap, ang kamay niya ay nasa loob na ng puso ng bampira. Parang tumigil ang oras na pati ang galaw ng mga bagay ay humina sa paggalaw. Hinigit niya ang kamay niya kasabay ng pagkasunog na parang papel ng bampira kasama ang puso nito.

Ang duguan niyang kamay ay dahan-dahang naglaho kasabay ng pagsulyap niya sa taong wala ng buhay. Napailing lamang siya bago na niya ito talikuran. Nakalayo na siya dun sa tao ng marinig niya ang sunod-sunod na pag-ubo nito. Napangiti siya sa hindi niya inaasahang pagkabuhay nitong muli.

Nakapamulsang tinungo niya ang bahay ng mga taong hinahanap niya. Tanging nag-iisang bahay lamang ang nakatayo sa kanyang harapan at nalalayo ang sakayan ng mga sasakyan at iba pang bahay. Gamit ang kapangyarihang gumagabay sa kanya ay mabilis siyang nakapasok ngunit napabalik siya kaagad sa labas ng may maramdamang kakaiba.

Nilibot niya ang tingin niya at dun niya lamang napansin ang lalaking bampirang papaalis na.

Labis ang kabang naramdaman niya at hindi na siya nag atubili pang takbuhin ng malakas ang loob ng bahay. Sumalubong sa kanya ang magkapatid na nakahandusay sa sahig ngunit walang mga dugo. Kaagad niyang linapitan ang babaeng may nunal sa gilid ng labi at hinawakan ang ulo nito kasabay ng pagdilat at dahil sa pagkabigla ay napalayo kaagad ito sa kanya.

"Sino ka?! Pakiusap wag mo kaming sasaktan!" Umiiyak na sigaw nito sa takot bago linapitan ang kuya niya.

"Hindi ko kayo sasaktan. Ibigay niyo sa'kin ang nais ko at dadalhin ko kayo sa mga taong tutulong sa inyo para masigurado ang kapakanan niyo-"

"Hindi kami sasama sa'yo!" Pagpuputol na sabi nito.

"Lina Merielle Dolce Hidalgo." Banggit nito sa pangalan ng magulang ng magkapatid tsaka lamang nagising ang lalaki kasabay ng pagalitaw ng ala-ala sa kanilang isipan.

"Mga a-anak..." Nanghihinang sabi ng kanilang ina sa magkapatid na umiiyak.

"Mama wag mo kaming iwan." Iyak na sambit ng babae habang ang lalaki naman ay nakatingin lamang, pilit na pinipigilan ang sariling lumuha.

"Hindi na a-ako makakatagal p-pa mga a-anak."

"Ma..."

Inangat ng kanilang ina ang tingin at dumapo iyon sa anak niyang lalaki na kaagad iniwasan ang kanyang mga mata.

Blood Of My BelovedWhere stories live. Discover now