Kabanata 5

6 1 0
                                    

KASALUKUYAN ako ngayong nagpupunas ng mesa ng biglang may tumunog hudyat na may pumasok na bagong customer.

Hindi ko ito magawang tingnan dahil hindi pa ako natatapos sa ginagawa. Natatakot na baka magkamali,at may matira pang dumi. Hindi kasi ako tinuruan nina nanay na maging madumi. Pero kung magtatagal ako sa condo ni Layla,mukhang magiging madumi ako.

Kinuha ko na ang mga gamit at umalis ng may umupo sa nililinisan ko na hindi ko man lang nagawang tingnan.

Lilingon na sana ako kung sino iyon pero biglang may nagsalita.

"One cup of black coffee."

Mabilis kong nilingon kung sino yun at dun ko muling nakita ang lalaking kumuha ng atensyon ko kanina sa bar. Nanlaki ang mga mata ko ng magtama ang mga tingin namin.

"H-ha?" Tinanong ko siya ulit kung ano yung sinabi niya kanina kasi mukhang nabingi ako sa gwapong boses niya kanina na nagmana sa kanya.

"One cup of black coffee." Walang emosyon habang sinasabi niya yun,at yun ang napapansin ko sa lalaking ito.

"Coming." Tumango ako at ngumiti sa kanya tsaka na ako naglakad na parang batang masayang nakakuha ng lollipop na premyo sa isang palaro.

"Ano daw?" Sabi ni Candy ng makadating ako sa counter tsaka ko sinabi sa kanya ang sinabi ni Mr. No emotion. "Sa tagal na niyang nag iistambay diyan sa bar,ngayon niya lang naisipan na bumisita dito." Biglang sabi ni Candy.

Liningon ko si Mr. No emotion para sana balak na titigan siya ngunit ng makitang nakatingin din pala siya sakin ay kaagad akong tumalikod at si Candy ang nginitian kahit na hindi naman nakatingin sakin.

Matapos magawa ni Candy ang inorder niya ay kinuha ko na ito at dinala sa kanya.

"Here's your order-"

"I know." Pagpuputol niya sa iba ko pang sasabihin.

Kunot noong napatingin sa kanya dahil sa pagiging suplado niya sa'kin. Ngunit bigla kong naalala, customer siya dito at kapag sinagot ko siya baka masesante ako sa unang araw ko dito.

Nilapag ko na lang ang kape sa mesa niya na hindi na siya magawang tingnan baka maibuhos ko pa sa kanya tong mainit na kape sa pagmumukha niya.

Ng mailapag ay muli ko siyang tiningnan na ngayong nakatingin din pala sakin.

Inirapan ko muna siya tsaka na ako nagmartsa pabalik at nadatnan ko si Candy na nag-aabang ng maiichismis.

"Bakit?"

"Bubuhusan ko sana ng kape dahil sa kasupaldohan niya."

"Gaga."

Magsasara na kami habang naghihintay ako sa labas at padami ng padami naman ang mga taong pumapasok sa bar.

Nakaalis na ang may ari ng pinagtatrabhuan ko at si Candy ng may sumundo sa kanila. At ngayon ay tanging ako na lang ang naiwan sa labas at nahihiya sa tuwing may mga babaeng tumitingin sakin na papunta sa bar.

Sa bar naman sila pupunta pero bakit sa akin nakatingin. Mga kulang naman sa tela ang mga damit nila,hindi tulad ko na balot na balot.

Inangat ko ang tingin ko at dumapo iyon sa bilog na buwan sa kalangitan na nagsisilbing ilaw sa madilim na kalangitan.

Sa tuwing nakikita kita... Bumabalik sa akin ang lahat... Mga tanong na hindi pa nasasagot... Bakit pa kasi pamilya ko pa. Wala naman kaming ginawang masama.

Napatingin ako sa harap ko ng makitang may humintong motor at dalawa silang lalaki na mukhang mga high. Unang tingin ko pa lang,alam kong mga adik ang mga ito.

Blood Of My BelovedWhere stories live. Discover now