Kabanata 6

5 1 0
                                    

"Sandali." Hinawakan ko ang kamay ni suplado ng tatayo na sana ito para umalis na.

Napatigil siya sandali tsaka niya tiningnan ang kamay niyang nahawakan ko.

"Y-yung sugat mo." Tukoy ko dito para gamutin. Tumayo ako at hinarap siya. "Sandali lang,maghahanap lang ako ng gamot." Tsaka ako tumakbo papunta kay Layla na nasa kusina at naghahanda ng makakain.

"May gamot ba kayo ng sugat dito, Lay?"

"Hindi na namin ginagamot ang-"

"Wala Luna bakit?" Pinutol ni Damien ang sasabihin ng nobya dahil siguro dadaldal na naman to at hindi na tumigil sa pagsasalita.

"May sugat sa kamay si Creo."

Nagtaka ako sa dalawa ng magkatitigan ito tsaka iniwas ang tingin sa isa't-isa.

"Ako na ang maggagamot." Tumayo si Layla at huminto sa gilid ko. "Dito ka lang, tulungan mo na lang si Damien." Sabi niya at umalis na.

Lumapit na lamang ako at ako na ang tumulong kay Damien na mukhang malalim ang pag-uusapan.

"May problema ba?" Tanong ko dito ng hindi ako makampante.

"Wala." Sabi niya kaya tumahimik na lamang ako.

Third Person's POV

"What the heck Xy!" Galit na bulong dito ni Layla o mas tinawag na Fourth.

"May mali..." Malalim ang iniisip ni Xy o ni Creo dahil naguguluhan na sila sa nangyayari.

Tumunog ang telepono ni Layla at nakita niyang tumawag mula dito si Two o kaya ay si Zi

"In my house,now." Tsaka nito pinatayan agad ang linya.

Pumikit si Layla at mula sa kanyang isipan ay kinausap niya dito ang kanyang nobyo na si Damien o mas tinatawag nilang Third.

'Samahan mo muna si Luna. Ipapaliwanag ko sayo pag nakabalik na kami.'

Lumabas ang dalawa at kaagad na bumaba. Ngunit hinila ni Layla si Xy ng subukan nitong tumakbo at hindi na gumamit ng kotse.

"Gago lang? May makakakita sayo." Bulong na sabi ni Layla dito.

"Babalik tayo kaagad."

Pagkatapos sabihin ni Xy yun ay kaagad na itong mabilis na nawala sa paningin ni Layla. Wala na din siyang magawa kundi gayahin si Xy. Kasi kung tutuusin maa mabilis pa sila kaysa sa kotse.

Tinalon-talon nilang dalawa ang mga gusali na parang hinihipan lang ng hangin kung maka takbo ang mga bampirang ito.

Apat na minuto ang nagamit nilang oras bago sila makadating sa rooftop ng bahay ni Zi.

At nadtnan nilang dalawa doon si Zi at Candy. Oo at yes, napapalibutan si Luna ng mga bampira.

"Binabago niya ang kapalaran niya." Kaagad na sambit ni Zi sa kanila.

Tumindig ang balahibo nina Candy at ni Layla ng madinig ang sinabi nito.

"P-paano?" Si Candy

"Hindi ko alam. Hindi niya dapat makilala o makita man lang si Xy."

"Pero hindi niya alam na-"

"Hindi niya alam na kinokontrol na niya ang mga mundo ng bampira." Biglang sabi ni Xy.

"Pero..." Napatingin silang lahat kay Zi ng kabahan ito sa kanyang sasabihin.

"Ano?" Sabay na sabi ng dalawang babae.

"Nawawala ang libro..."

"Ano?!"

"Hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa kanya kapag naging ganap na siya. Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa atin. Basta Xy... Mag iingat ka... Ikaw ang pakay niya..."

Blood Of My BelovedWhere stories live. Discover now